Professional Documents
Culture Documents
402 Cavinti Fiesta
402 Cavinti Fiesta
Panimulang Awit
Lektor: Tatayo ang lahat
IKAW, YAHWEH, AY
DAKILA AT HARI NG
BUONG LUPA!
Si Yahweh ay maghahari,
magalak ang kalupaan!
Lahat kayong mga pulo ay
magsaya at magdiwang! Ang
paligid niya’y ulap na lipos ng
kadiliman, kaharian niya’y
tapat at salig sa katarungan.
TUGON!
IKAW, YAHWEH,
AY DAKILA AT
HARI NG
BUONG LUPA!
Yaong mga kabunduka’y
natutunaw, parang pagkit, sa
harapan ng dakilang
Panginoon ng daigdig. Sa
langit ay nahahayag yaong
kanyang katuwiran, sa lupa
ay makikita ang kanyang
kadakilaan. TUGON!
IKAW, YAHWEH,
AY DAKILA AT
HARI NG
BUONG LUPA!
Ikaw, Yahweh, ay Dakila at
hari ng buong lupa, Dakila ka
sa alinmang mga Diyos na
ginawa TUGON!
IKAW, YAHWEH,
AY DAKILA AT
HARI NG
BUONG LUPA!
Pagbasa mula sa
ikalawang sulat ni San
Pedro kabanta 1 talata
16 hanggang 19.
Ang ipinahayag namin sa inyo
tungkol sa muling pagparito
ng ating Panginoong Jesu-
Cristo, na puspos ng
kapangyarihan, ay hindi sa
mga alamat na katha lamang
ng tao. Nasaksihan namin
ang kanyang kadakilaan nang
ipinagkaloob sa kanya ng
Diyos Ama ang karangalan at
kapurihan. Ito’y nangyari
nang marinig ang tinig mula
sa Dakilang Kaluwalhatian ng
langit: ”Ito ang
pinakamamahal kong Anak;
siya ang lubos kong
kinalulugdan.” Narinig namin
ito sapagkat kami’y kasama
niya sa banal na bundok.
Kaya naman lalong tumibay
ang aming paniniwala sa
ipinahayag ng mga propeta.
Makabubuting ito’y pag-
ukulan ninyo ng pansin,
sapagkat ang nakakatulad
nito ay isang ilaw sa karimlan
na tumatanglaw sa inyo
hanggang sa mamanaag
ang Araw ng Panginoon at
ang sinag ng tala sa umaga’y
maglagos sa inyong puso.
Ito ang salita ng
Panginoon!
ANG BANAL NA
EBANGHELYO
AYON KAY SAN
Marcos 9: 2-9
ANG
HOMILIYA
ANG KREDO
Pari: Sabay-sabay nating
ipahayag ang Kredo ng Santa
Iglesya.
Lahat: Sumasampalataya kami
sa iisang Diyos, Amang
Makapangyarihan na lumikha ng
langit at lupa, at ng lahat ng
nakikita at di-nakikita.
Sumasampalataya kami sa
iisang Panginoong Hesukristo,
Bugtong na Anak ng Diyos,
nagmula sa Ama bago pa
nagsimula ang panahon, Diyos
buhat sa Diyos, liwanag buhat
sa liwanag, Diyos na totoo
buhat sa Diyos na totoo, inianak
hindi nilikha, kaisa sa pagka-
Diyos ng Ama. Sa pamamagitan
Niya ay nilikha ang lahat, na para
sa ating mga tao at sa ating
kaligtasan ay nanaog Siya buhat
sa langit: sapamamagitan ng
kapangyarihan ng Espiritu Santo
ay ipinanganak Siya ni Mariang
Birhen at naging tao. Ipinako
sa Krus alang-alang sa atin sa
panahon ni Poncio Pilato,
nagpakasakit, namatay at
inilibing. At muling nabuhay sa
ikatlong araw sa katuparan ng
mga kasulatan. Umakyat Siya
sa langit at naluklok sa kanan ng
Ama, at muling darating na
maluwalhati upang hukuman ang
mga buhay at ang mga patay,
at ang kaharian Niya ay walang
hanggan. Sumasampalataya
kami sa Espiritu Santo, ang
Panginoon na tagapagbigay ng
buhay na nagbubuhat sa Ama.
Sinasamba Siya at
niluluwalhating kasama ang Ama
at ang Anak. Nagsalita Siya sa
pamamagitan ng mga propeta.
Nananalig kami sa iisang
Iglesiang Banal, Katolika at
Apostolika. Naniniwala kami sa
iisang binyag, sa ikapag-
papatawad ng aming mga
kasalanan, at hinihintay namin
ang muling pagkabuhay ng mga
namatay at ang buhay na walang
hanggan. Amen!
PANALANGIN NG BAYAN
Obispo: Nagbagong-anyo si
Hesus habang siya’y
nagdarasal. Tayo rin ay
manalig sa bisa ng
panalangin at idulog natin
ang ating mga kahilingan
sa bukal ng lahat ng biyaya:
Panginoong
Nagbagong anyo,
Dingin mo Kami!
Para sa Simbahang
panlahat: nawa'y ang
mabuting asal Ng kanilang
mga miyembro ay maging
bukal ng inspirasyon at
kaliwanagan sa ibang tao.
Manalangin tayo!
Manalangin tayo!
Panginoong
Nagbagong anyo,
Dingin mo Kami!
Para kay Rhee na ating
Obispo Maximo, kay Rowel
na ating Obispo Diyesosano
at ang tanang kaparian:
Nawa'y magtagumpay sila sa
pagtatanim sa puso ng bawat
isa ng pagmamahal sa
Panalangin at pagsunod sa
Mabuting Balita..
Manalangin tayo!
Panginoong
Nagbagong anyo,
Dingin mo Kami!
Para sa may malubahang
sakit lalo na ang mga
nagdurusa sa COVID 19 na
halos matuksong mawalan
na ng Pag-asa: Nawa ay
makatagpo sila sa
Pagbabagong Anyo ng
Panginoon ng lakas at
pampasiglang kailangan nila
upang ihanda ang kanilang
sarili para sa kanilang
pakikipagtagpo sa kanya.
Manalangin tayo!
Panginoong
Nagbagong anyo,
Dingin mo Kami!
Para sa kabataang ang
pakiramdam ay hindi sila
nauunawaan ng kanilang
mga magulang at guro:
Nawa makita nila sa mga
turo at halimbawa ni Hesus
ang solusyon sa kanilang
problema. Manalangin tayo!
Panginoong
Nagbagong anyo,
Dingin mo Kami!
Para sa ating kura paroko at
iba pang pari sa ating
Diyosesis: Nawa
gantimpalaan sila ng
Panginoon ng pagiging
bukas-palad sa pagtugon sa
ating mga pangangailangang
espirituwal, mga Sakramento
at mailapit nila ang kalooban
ng Diyos sa bawat puso ng
mga tao. Manalangin tayo!
Panginoong
Nagbagong anyo,
Dingin mo Kami!
Para sa ating pamayanan:
Nawa magpasalamat tayo at
makipagtulungan sa
paglilingkod ng ating kura
paroko at ng kanyang mga
katulong sa Banal na Misa
upang magkaroon tayo ng
matibay na ugnayan
pakikiisa natin sa kanilang
sinumpaang pangako noong
sila ay inordenahan.
Manalangin tayo!
Panginoong
Nagbagong anyo,
Dingin mo Kami!
Lahat: Panginoong Diyos,
itulot Mong malugod kaming
makinig sa turo ng Iyong
nagbagong-anyong Anak at
amin itong isabuhay, upang
kami’y magalak sa Kanyang
presensiya sa Kaharian ng
Liwanag na kung saan Siya
nabubuhay at naghahari
magpakailanman! Amen.
ANG BANAL NA EUKARISTIYA
ANG KAPAYAPAAN
Pari: Mga kapatid, tayo ang
Katawan ni Kristo, sa
pamamagitan ng isang Espiritu,
tayong lahat ay pinag-isang
katawan, nang tayo’y binyagan.
Bayan: Panatilihin natin ang
pagkakaisa na dulot ng Espiritu
sa bigkis ng kapayapaan.
Pari: Lagi nawang sumainyo
ang kapayapaan ng
Panginoon.
Bayan:At sumainyo rin.
ANG PAG-AALAY
KORDERO NG DIYOS
Pari: Kordero ng Diyos, Ikaw na
nag-aalis ng kasalanan ng
sanlibutan.
Bayan: Maawa Ka sa amin.
Pari: Kordero ng Diyos, Ikaw na
nag-aalis ng kasalanan ng
sanlibutan.
Bayan: Maawa Ka sa amin.
Pari: Kordero ng Diyos, Ikaw na
nag-aalis ng kasalanan ng
sanlibutan.
Bayan: Ipagkaloob Mo sa amin
ang Iyong kapayapaan.