Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 115

3rd Grading- Week 7

Sino ang namumuno sa


ating komunidad?
Sa iyong palagay, bakit
sila ang namumuno sa
ating komunidad?
Bakit mahalaga ang
pamahalaan sa isang
komunidad?
Ang pamahalaan ay
isang institusyon na may
kakayahang gumawa,
magpatupad ng mga
batas at tumugon sa
mga pangangailangan ng
nasasakupang teritoryo
para sa ikabubuti ng
mga mamamayan.
Mahalaga ang papel na
ginagampanan ng
pamahalaan sa
pangangasiwa ng
mahusay na pinuno.
Itinataguyod ng
pamahalaan ang
kaayusan, kaligtasan at
kaunlaran ng bansa.
Ang tungkulin ng isang
Alcalde Mayor na
namumuno sa
bayan/lungsod, ay
mamuno sa lahat ng mga
proyekto,gawain,progra
ms at mga serbisyo para
sa pangkalahatang
kapakanan ng bayan na
kanyang nasasakupan
Ang Kapitan
ng
Barangay:
Magsagawa ng mg
proyektong makakatulong
sa pagpapa-unlad ng
kabuhayan ng kanyang
nasasakupan.
Siguraduhin ang
pamamahagi ng serbisyo
publiko
Tatay
Malaki ang papel na
ginagampanan ng isang
ama sa kaniyang
pamilya.
Bilang haligi ng tahanan,
inaasahan na itataguyod
niya ang kaniyang
pamilya at sisiguruhin ang
kaligtasan ng bawat isa.
Sa kaniya rin nakapasan ang
malaking responsibilidad ng
paghahanap-buhay para sa
pangangailangan ng
kaniyang mga anak.
Punongguro
Punongguro o prinsipal
ay siyang namamahala sa
isang eskwelahan o
unibersidad.
Ang punong guro din ang
may karapatan sa mga
proyektong ilulunsad ng
isang paaralan.
Pastor/Pari/imam
Pastor/Pari/imam
Ang mag bigay ng aral sa
mga tao at ilapit sila sa
dyos.
Doktor
Doktor- mangalaga ng
kalusugan ng mga
naninirahan sa
komunidad.
Isulat ang T kung wasto
ang isinasaad ng
pangungusap at M
naman kung hindi wasto.
1. Igalang natin ang mga
namumuno sa ating sa
komunidad.
2. Tulungan at mahalin
natin ang ating mga
magulang lalong lalo na
ang ama na siyang
nagtataguyod ng pamilya.
3. Hindi sumusunod sa
batas at patakaran ng
isang komunidad.
4. Nagtatago sa tuwing
nakikita ang guro.
5. Ginagalang at
sinusunod ang mga
pangaral ng pari.
PAGWAWASTO
1. Igalang natin ang mga
namumuno sa ating sa
komunidad.
2. Tulungan at mahalin
natin ang ating mga
magulang lalong lalo na
ang ama na siyang
nagtataguyod ng pamilya.
3. Hindi sumusunod sa
batas at patakaran ng
isang komunidad.
4. Nagtatago sa tuwing
nakikita ang guro.
5. Ginagalang at
sinusunod ang mga
pangaral ng pari.
Ang mabuting
pamumuno o
pamamahala ang susi sa
pagiging matagumpay ng
isang komunidad.
Sino-sino ang mga
namumuno sa ating
komunidad?
Ang mabuting
pamumuno o
pamamahala ang susi sa
pagiging matagumpay ng
isang komunidad.
Nakarating ka na ba sa
brgy. Hall? Sino sino ang
makikita mo sa loob
nito?
Ano ano ang mga
ginagawa ng mga tao sa
loob ng brgy. hall?
Sino ang namumuno sa
kanila?
Ang pamahalaan ang
nagbibigay ng
pangangailangan nating mga
mamamayan sa pamamagitan
ng pagpapatupad ng batas,
mga paglilingkod at mga
programa upang
umunlad ang ekonomiya
at pamumuhay sa bansa.
May pamahalaan sa
bawat komunidad na
pinamumunuan ng isang
halal na pinuno.
Ang pinuno ng bawat
komunidad ay pinili sa
pamamagitan ng pagbito ng
mga mamayan sa
kinabibilangang komunidad.
Ang isang baranggay ay
pinamumunuan ng
kapitan o barangay
chairman.
Ang bayan o lungsod ay
pinamumunuan naman
ng alkalde o mayor.
Ang isang bayan ay
binubuo ng mga
barangay.
Sa makatuwid, ang mga
kapitan o barangay
chairman ay sakop ng
pamahalaang pambayan na
pinamumunuan ng alkalde.
Ang senador ang
namumuno sa pagsasagawa
at pagpapatupad ng batas
upang maging maayos ang
ating komunidad.
Ang pamahalaang
panlalawigan ay
pinamumunuan nng
gobernador.
Ang pamahalaang
pambansa ay
pinamumunuan naman
ng pangulo ng bansa.
Sino ang humahalili
kapag wala ang alkalde,
gobernador at ang
pangulo?
Ang vice mayor ang
humahalili sa alkalde
kapag wala ito.
Mayroon ding vice governor
na humahalili sa
governador kapag wala ito.
Ang Pangalawang Pangulo
ang humahalili kapag hindi
natapos ng pangulo ang
kanyang pamunuan.
Basahin ng mabuti ang
bawat pangungusap.
Isulat ang TAMA kung
umaayon ka sa sinasabi nito
at MALI kung hindi.
1. Magiging matalino ang
mga bata kahit walang guro
na magtuturo sa kanila.
2. Sa pagpili ng pinuno ng
isang komunidad, dapat ito
ay mayaman.
3. Kahit walang doktor sa
komundad, gagaling pa rin
ang mga tao.
4. Mahalaga ang isang pari
o pastor sa isang
komunidad para maibahagi
ang mga salita ng Diyos.
5. Mahalaga ang guro sa
paaralan dahil sila ang
nagsisilbing pangalawang
ina ng mga bata.
Sa pamamagitan ng
mabuting pamumuno,
mahihikayat ang mga
nasasakupan upang
kumilos.
Ano ano ang mga tungkulin
ng mga namumuno sa ating
komunidad?
1. Ang ______________
namamahala sa lungsod.
2. Ang ______________
pinakamataas na pinuno ng
bansa.
3. Ang ______________
namumuno sa lalawigan o
probinsya.
4. Ang ______________
namumuno isang baranggay.
5. Ang mga ______________
gumagawa at sumusuri sa mga
batas bago ito pirmahan ng
pangulo.
PAGWAWASTO
Mayor
1. Ang ______________
namamahala sa lungsod.
Pangulo
2. Ang ______________
pinakamataas na pinuno ng
bansa.
Gobernador
3. Ang ______________
namumuno sa lalawigan o
probinsya.
Kapitan
4. Ang ______________
namumuno isang baranggay.
Senador
5. Ang mga ______________
gumagawa at sumusuri sa mga
batas bago ito pirmahan ng
pangulo.
Sa pamamagitan ng
mabuting pamumuno,
mahihikayat ang mga
nasasakupan upang
kumilos.
Ano-ano ang bumubuo
sa komunidad?
Sino-sino ang pinuno
nito?
Sa aralin na ito,
matututuhan mo ang
mga katangian ng isang
mabuting pinuno.
Malalaman mo rin ang
epekto ng isang
mabuting pinuno sa
isang komunidad.
Ang bawat pinuno ng
komunidad ay inihahalal o
pinipili ng mga mamamayang
18 taong gulang pataas
tuwing halalan.
Ang halalan para sa mga
pinuno ng lokal na
pamahalaan ay ginagawa
tuwing Mayo kada
ikatlong taon.
Ang halalan naman ng
mga pinuno ng barangay
ay ginagawa tuwing
Oktubre kada ikatlong
taon.
Malaki ang papel na
ginagampanan ng mga
pinuno sa isang
komunidad
Kaya naman kailangang
ihalal ng mga
mamamayan nito ang
taong may mga katangian
ng isang mabuting pinuno.
Ang ilan sa mga
katangian ng isang
mabuting pinuno ay ang
sumusunod:
• responsable;
• may disiplina sa sarili;
• naninindigan sa
katotohanan;
• huwaran at modelo ng
mabuting gawa;
• walang kinikilingan sa
pagpapatupad ng batas;
• inuuna ang kapakanan
ng mga tao sa
komunidad; at
• mapagpakumbaba at
matapat.
Dahil sa mabuting
pamumuno
mapakikinggan ang tinig
ng mga nasasakupan at
mabibigyan ng
pagkakataong ipahayag
ang kanilang mga
pangangailangan.
Ano-anong katangian
ang dapat taglayin ng
isang pinuno?
Basahin ang maikling
kuwento sa ibaba tungkol sa
katangian ng
isang mabuting pinuno at
sagutin ang mga tanong sa
sagutang papel.
Idol Ko si Kap
ni: Ginalyn B. Gaston
Si Kapitan Maria ang aming
pinuno sa Barangay Pandan.
Bago siya naging isang
kapitan, dati siyang isang lider
ng
Sangguniang Kabataan.
Kilala siya sa pagiging
masipag, maaasahan,
matiyaga at matulungin.
Nakikinig din siya sa
mga payo at opinyon ng
kaniyang nasasakupan.
Bilang isang babaeng lider ng
barangay, siya ang
nangunguna sa
pagpapatupad ng mga
patakaran lalo na sa panahon
ng pandemya
tulad ng pagsuot ng face
mask at pagsunod sa
social distancing upang
hindi sila mahawa ng
sakit na COVID-19.
Makikita mo sa aming
lugar ang pagkakaisa,
pagtutulungan a
pagsunod sa batas.
Dahil dito, “Idol” ang
tawag namin sa kanya
dahi sa matapat at
mahusay niyang
pamumuno.
Sagutin ang mga
sumusunod na tanong.
1. Anong katangian ng
isang lider ang ipinakita
ni Kapitan Maria?
2. Bilang isang bata,
anong katangian ang
iyong nagustuhan sa
kapitan?
3. Sa tingin mo ba
maganda ang kanyang
pamumuno sa Barangay
Pandan? Bakit?
May mga katangian na
hinahanap ang mga kasapi sa
isang pangkat at samahan sa
kanilang magiging mga
pinuno.
Ilan sa mga ito ay:
1. Maka-Diyos - ang isang
pinuno ay dapat na
may malalim na
pananampalataya sa Diyos
upang siya ay magabayan sa
kaniyang pamumuno.
2. Makatao - siya ay palakaibigan
sa lahat ng
tao sa kaniyang nasasakupan. Wala
siyang
pinipiling paglingkuran maging
mahirap
man o mayaman.
3. May pagmamalasakit sa
kapaligiran –
nagpapatupad siya ng mga
programang
pangkapaligiran tulad ng tree
planting at paglilinis sa komunidad.
4. Mapagkakatiwalaan - siya
ay matapat sa
lahat ng bagay.
5. Responsable –
ginagampanan niya ng
buong husay ang
kaniyang tungkulin.
6. Walang kinikilingan –
siya ay patas sa
pagtrato at pagpapatupad
ng anumang
batas o polisiya.

You might also like