Filipino 2 Ikatlong Markahan Ika-Sampung Linggo: Pagsipi Nang Wasto at Malinaw Nang Isang Talata

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 19

FILIPINO 2

IKATLONG MARKAHAN
IKA-SAMPUNG LINGGO
DAY 1
Pagsipi nang wasto at malinaw nang
isang talata
PAGGANYAK

Awitin ang “Pamantayan sa Pagsulat sa Tono ng Twinkle,


Twinkle Little Star”

Sa pagsusulat ating tandaan


Sumunod sa pamantayan
Malalaking letra sa unahan
Tamang bantas sa hulihan.
PAGGANYAK

Awitin ang “Pamantayan sa Pagsulat sa Tono ng Twinkle,


Twinkle Little Star”

Espasyo ay kailangan
Mga salita’y may pagitan
Huwag mo ring kalimutan
Isaisip, kalinisan
PAGLALAHAD

Ang talata ay lipon ng magkakaugnay na


pangungusap.

Sa pagsulat ng talata, nakapasok o


indented ang unang pangungusap nito.
Mahalaga rin ang paglalapat ng wastong
mga bantas upang maiwasan ang
kalituhan sa nilalaman nito.
PAGLALAHAD

Balikan ang awit sa pagganyak.

Tungkol saan ang awit?


Ano-ano ang dapat tandaan sa
pagsusulat na binanggit dito?
Ngayon basahin naman ang talata. Pansinin ang ayos ng
mga pangungusap sa talata.

Ang pamilya ay ang unang pangkat na


kinabibilangan ng bawat isa. Sa pamilya
nahuhubog ang ating mga pag-uugali at
paniniwala. Ilan sa pangkaraniwang
halimbawa ng pamilya ay tinatawag na
pamilyang nuclear at extended.
Ano ang napapansin ninyo sa simula ng mga
pangungusap?
Paano nagsisimula ang unang letra ng
pangungusap?
Paano isinusulat ang mga pangalan ng mga
tauhan?
Ano ang masasabi ninyo sa espasyo ng mga
salita?
Ano ang napapansin ninyo pagkatapos ng
bawat bilang?
PAGLALAHAT

Isinusulat o sinisipi ang mga


kuwento o talata nang may
wastong espasyo ng mga salita,
tamang paggamit nang malaking
letra, wastong bantas, at tamang
pasok ng unang pangungusap nito.
GINABAYANG PAGSASANAY

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Basahin ang bawat


talata. Lagyan ng √ kung tama ang pagkakasulat ng
talata at X naman kung hindi.
1. Walang tigil ang pag-ulan.
May bagyo raw ayon sa balita.
Dulot ng masamang panahon,
marami ang nais na lamang manatili
sa loob ng kani-kanilang bahay.
GINABAYANG PAGSASANAY

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Basahin ang bawat


talata. Lagyan ng √ kung tama ang pagkakasulat ng
talata at X naman kung hindi.

2. di man kilala ng iba


masustansiyang gulay ang patola
Ito ay isang uri ng halamang
baging Mahahaba ang mga ito
GINABAYANG PAGSASANAY

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Basahin ang bawat


talata. Lagyan ng √ kung tama ang pagkakasulat ng
talata at X naman kung hindi.
3. Nakapagpapabata ang pagngiti.
Bukod sa magandang tingnan ang taong
nakangiti, may mga pag-aaral na
nagpapatunay na maganda ang gawaing
ito sa ating kalusugan.
GINABAYANG PAGSASANAY

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Basahin ang bawat


talata. Lagyan ng √ kung tama ang pagkakasulat ng
talata at X naman kung hindi.
4. marami ang nagsasabing
bagyuhing lugar ang bicol.
napapaligiran kasi ito ng tubig kaya
malaki ang tiyansang lumakas pa
ang bagyong tumatama rito.
PAGTATAYA

Sipiin ang talata nang may wastong espasyo ng mga salita,


tamang paggamit ng malaking letra, wastong bantas, at
tamang pasok ng unang pangungusap nito. Isulat ito sa mga
linya sa ibaba

si dr. jose rizal ang pambansang bayani ng


Pilipinas. sa pamamagitan ng kaniyang mga
nobela, iminulat niya ang isipan ng mga
Pilipino laban sa mga mananakop na
Espanyol. kahanga-hanga si dr. jose rizal
GINABAYANG PAGSASANAY

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Basahin ang bawat


talata. Lagyan ng √ kung tama ang pagkakasulat ng
talata at X naman kung hindi.
5. Hindi na kasing simple ang mga laro
ng kabataan noon ang kinahihiligan ng mga
kabataan ngayon. Marami nang kabataan
ang nakararanas ng labis na pagkahilig sa
mga gadget tulad ng cellphone, mp4
player, PSP, tablet at kompyuter.
TAKDANG ARALIN

Sumulat ng isang talata na may tatlo


o apat na pangungusap tungkol sa
ginagawa ng iyong pamilya sa panahon ng
pandemya. Isulat ito nang may wastong
espasyo ang mga salita, tamang paggamit
ng malalalaking letra at bantas. Isulat ito
sa kuwaderno.

You might also like