Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

TEKSTONG

ARGUMENTATIB
O
TEKSTONG ARGUMENTATIBO
Sa nakalipas na aralin, nalaman natin na ang isang tekstong nangungumbinsi ng mambabasa na
tanggapin ang punto ng may-akda ay tinatawag na tekstong persuweysib. Subhetibo ang tono
ng isang tekstong persuweysib sapagkat nakabatay ito sa damdamin at opinyon ng manunulat.
Sa araling ito ay tatalakayin natin ang tekstong argumentatibo na naglalayon ding kumbinsihin
ang mambabasa ngunit hindi lamang ito nakabatay sa opinyon o damdamin ng manunulat,
batay ito sa datos o impormasyong inilatag ng manunulat. Sa tatlong paraan ng
pangungumbinsi ethos, pathos, at logos, ginagamit ng tekstong argumentatibo ang logos.
Upang makumbinsi ang mambabasa, inilalahad ng may-akda ang mga

argumento, katwiran, at ebidensiyang nagpapatibay ng kanyang posisyon o punto. Hindi


nagkakalayo ang tekstong argumentatibo at persuweysib, kapwa ito nangungumbinsi o
nanghihikayat. Gayunpaman, may pagkakaiba rin ang mga ito.
Ang pangunahing layunin ng isang argumentative na dokumento ay upang
magbigay ng katibayan. Dapat maipaliwanag ng manunulat ang kanyang pananaw
sa paksa o isyu sa tekstong ito. Upang mapatunayan ang katotohanan ng kanyang
inaangkin, dapat may matibay na ebidensya ang manunulat. Ang personal na
karanasan, kasaysayan, kaugnay na panitikan, at tunay na mga resulta sa
pagsasaliksik ay pawang mga halimbawa ng ebidensya na maaari niyang gamitin.
Ang uri ng tekstong ito ay nangangailangan ng pangangalap ng data o patunay
nang may mabuting pangangalaga. Samantala, ang manunulat ay obligadong
magsalita para sa kanyang panig sa sandaling mayroong malaking katibayan, at
maaari rin siyang magsimulang magsulat ng kaalaman at nauugnay na argumento.
ALAM MO BA
Ang sabi ng iba, kapag nakabasa ng editoryal ang ang taong walang opinion sa isang isyu ay
nagkakaroon na siya ng opinyon Kung ganito ang kalakaran nararapat lamang na maging
mapanuri tayo sa pagbabasa ng mga editoryal. Ilan sa mga batikang peryodista na nagsusulat ng
editoryal ay ang sumusunod.

• Si Teddy Benigno ay batikang manunulat ng isang sikat na peryodan Nagsamal sya bilang
manunulat ng sports, naging boksingero rin siya. Noong panahon ng pamamahala ni dating
Pangulong Corazon C. Aquino, itinalaga siya bilang kalihim ng press mula 1986 hanggang 1989.

• Si Randy David ay isang manunulat sa peryodikong laganap sa buong bansa, la siyang


respetadong kolumnista, sociologist, professor, television host, at sumalac na rin ng maraming
aklat.

• Si Solita Monsod ay kilala sa taguring "Mareng Winniela siyang broadcaster host, ekonomista,
at manunulat Naging ikalimang direktar-heneral siya ng National Economic and Development
Authoris (NEDA) at kalihim ng Soci economic Planning of the Philippines.

• Si Jarius Bondoc ay isang matapang na kolumnista at komentarista sa radyo, Pinarangalan siya


bilang Journalist of the Year noong 2013. Marami siyang mga ibinunyag na anomalya sa
kanyang kolum at programa sa radyo na nagbukas ng imbestigasyon
Suriin ang talahanayan sa ibaba:

Tekstong Argumentatibo Tekstong Persuweysib

• Nangungumbinsi batay sa datos o • Nangungumbinsi batay sa opinion


impormasyon
• Nakahihikayat sa pamamagitan ng
• Nakahihikayat dahil sa merito ng mga pagpukaw ng emosyon ng
ebidensiya mambabasa at pagpokus sa
kredibilidad ng may-akda
•Obhetibo
• Subhetibo

Isiping ang pagsulat ng isang tekstong argumentatibo ay parang pakikipagdebate nang


pasulat na bagama't may isang panig na pinatutunayan at nais panindigan ay inilalatag pa rin
ang mga katwiran at ebidensiya ng kabilang panig.
Hakbang sa Pagsulat ng Tekstong Argumentatibo
1. Pumili ng paksang isusulat na angkop para sa tekstong argumentatibo.

Halimbawa: Ang pagpapatupad ng K to 12 Kurikulum

2. Itanong sa sarili kung ano ang panig na nais mong panindigan at ano ang mga dahilan
mo sa pagpanig dito.

3. Mangalap ng ebidensiya. Ito ay ang mga impormasyon o datos na susuporta sa iyong


posisyon.

4. Gumawa ng borador (draft).


• Unang talata: Panimula
• Ikalawang talata: Kaligiran o ang kondisyon o sitwasyong nagbibigay- daan sa paksa.
• Ikatlong talata: Ebidensiyang susuporta sa posisyon. Maaaring magdagdag ng talata
kung mas maraming ebidensiya.
• Ikaapat na talata: Counterargument. Asahan mong may ibang mambabasang hindi
sasang-ayon sa iyong argumento kaya ilahad dito ang iyong mga lohikal na dahilan
kung bakit ito ang iyong posisyon.

• Ikalimang talata: Unang kongklusyon na lalagom sa iyong isinulat

• Ikaanim na talata: Ikalawang kongklusyon na sasagot sa tanong na "E ano ngayon


kung 'yan ang iyong posisyon?

5. Isulat na ang draft o borador ng iyong tekstong argumentatibo.

6. Basahing muli ang isinulat upang maiwasto ang mga pagkakamali sa gamit ng wika
at mekaniks.

7. Muling isulat ang iyong teksto taglay ang anumang pagwawasto. Ito ang magiging
pinal na kopya.
Heto ang mga halimbawa ng sulatin o akda na ginagamitan ng tekstong
argumentatibo:
• Tesis
• Posisyong Papel
• Papel na Pananaliksik
• Editoryal (nababasa karaniwan sa bahaging editoryal ng mga magasin at
dyaryo)
• Petisyon
• Debate (pakikipagtalo na maaaring nakasulat o binibigkas  gaya
ng Balagtasan)

Mga halimbawa ng Paksa:


• “Pagpapatupad ng K-12 Program bilang isang Sistema ng Edukasyon sa Pilipinas”
(Paborito at hindi kanais-nais)
• “Pag-apruba ng Divorce Bill sa Pilipinas” (para at laban)
• “Pag-ban sa imigrasyon mula sa Tsina dahil sa Corona Virus” (Pabor at hindi kanais-
nais)
KAHALAGAHAN NG TEKSTONG ARGUMENTATIBO

Mahalaga ito sa araw araw nating


pamumuhay, hindi natin namamalayan na
palagi tayong nangangatwiran upang igiit ng
sariling panig o kagustuhan. Sa bawat
pagkakataong ito ng pangangatwiran,
humahanap tayo ng mga ebidensya at
gumagawa ng matibay na argumento upang
maging matibay ang pangangatwiran.
MEMBERS:
Leader:John Paul Eugenio
Assistant Leader:Carl Anthony Monreal
Mary Kris Italia
Jenelyn Cerrudo
Jhamayca Vasquez
Jesus Reyes

You might also like