Commonwealth Pamahalaang Commonwealth- Isang Malasariling Pamahalaan ng Pilipinas
- itinatadhana ng Batas Tyding Mc Duffie
Manuel L. Quezon - Pangulo ng Pamahalaang Commonwealth - bumuo ng mga Kagawaran ( Kagawaran ng Pambansang Tanggulan, Pananalapi, Katarungan, Paggawa, Pambansang Sangguniang Pangkabuhayan, Pambansang Sanggunian sa Edukasyon at Surian ng Wikang Pambansa) Programang Pangkabuhayan
1. National Court of Industrial Relations para
mapahusay ang hukuman na siyang susuri sa mga alitan ng mga manggagawa at kapitalista 2. Nagtatag ng Rural Progress Administration of the Philippines upang mapabuti ang kalagayan ng pamumuhay sa mga probinsya 3. Nagkaloob ang pamahalaan ng malalaking piraso ng lupa sa mga magsasaka para magkaroon sila ng sariling lupang sasakahin.
4. Nagtayo ng mga hiraman ng salapi para sa
mga magsasaka
5. Nagkaroon ng kontrata ang mga magsasaka
at nagmamay-ari ng lupang sasakahin 6. Ipinatupad ang patakarang homestead. Nagtayo ng mga pamayanan sa pagsasaka sa Koronadal at ibang pook sa Mindanao, at naglikas ng mga manggagawa sa Luzon upang manirahan sa mga pook na ito.
7. Nagtalaga ng kaukulang sahod ( minimum
wage) at 8-hour labor para sa mga magsasaka 8. Nagtatag ng mga sangay at tanggapan na naglalayong mapaunlad ang industriya, korporasyong pangkalakalan, kilusang pangkooperatiba sa larangan ng pamamahagi at pagbibili ng mga paninda Programang Pang-edukasyon - Ilang probisyon ng Education Act ng 1940
1. Pagtaas ng gulang ng mga mag-aaral na
dapat tanggapin sa unang taon ng mababang paaralan sa pitong taon sa halip na anim 2. Pag-aalis ng ika-7 taon sa mababang paaralan kung kaya naging anim na taon na lamang 3. Pagtakda sa taong pampaaralan mula Hunyo hanggang Marso
4. Walang bayad na edukasyong primarya sa
buong bansa ayon sa itinatadhana ng Saligang Batas 5. Binigyang-diin ng edukasyon ang paglinang ng damdaming Makabayan sa mga mamamayan
- ang mga itinuro sa paaralan ay mga buhay
at nagawa ng mga dakilang Pilipino, tulad nina Rizal, Bonifacio, Marcelo H. Del Pilar, Apolinario Mabini at iba pang bayani Mga itinatag na tanggapan at sangay ng pamahalaan
1. Tanggapan ng Edukasyong Pribado upang
higit na mapabuti ang pangangasiwa sa mga paaralang pribado 2. Tanggapan ng Edukasyon ng Pangmatanda ( Adult Education Office) upang higit na mapalaganap ang edukasyon sa madla, pati sa matatanda Ang Wikang Pambansa
Tagalog- napiling saligan ng Wikang Pambansa
Programa sa Sining at Agham
- ayon sa itinatadhana ng Saligang Batas ang
pamahalaan ay nagtakda ng salaping gugugulin para sa pagpapaunlad ng sining, agham at panitikan
- nagpadala ng mga dalubhasa sa ibang bansa
- nagkaroon ng patimpalak sa pagpipinta at pasusulat, nagbigay ng gantimpala ang pamahalaan para sa mga nagwagi - ito ay upang maibalik ang katutubong sayaw at awitin ng mga Pilipino Programa para sa Transportasyon at Komunikasyon
Pinagawa ang mga sumusunod:
1. Tulay at daan upang mapaglapit ang mga lungsod at bayan 2. Paliparan upang mapabilis ang transportasyon at komunikasyon sa malalayong lugar 3. Mga linya ng tren, tulad ng pagpapahaba ng linya mula La Union hanggang Albay
4. Mahusay na lingkuran ng telepono at radyo
Ang Tanggulang Bansa
- itinatadhana ng Saligang Batas na “ ang
pagtatanggol sa Estado ang pangunahing tungkulin ng pamahalaan at sa pagtupad ng tungkuling ito, lahat ng mamamayan sa ilalinng batas ay kailangang magkaloob ng serbisyong military o sibil” Ang Batas sa Tanggulang Bansa o National Defense Act – nagtatadhana ng sapilitang pagkakaloob ng serbisyong military at ang pagtatatag ng Hukbong Pilipino na siyang mamamahala sa pagsasanay, pag-aayos at pagpapanatili ng hukbong magtatanggol sa bansa laban sa mga dayuhang mananakop Preparatory Military Training o PMT - ang mga lalaki sa mataas na paaralan ay sinamay upang maging handa sa anumang pangangailangan ng bansa Karapatan ng mga Kababaihan - isa sa nagawa ng Pamahalaang Commonwealth ay ang pagkakaloob sa mga babae ng karapatang bumoto, maari di kumandidato sa anumang puwesto sa tanggapan ng pamahalaan Bb. Carmen Planas – unang babaeng konsehal sa Maynila
Gng. Lisa Ochoa- unang babaeng naihalal sa
Mababang Kapulungan ng Kongreso ng Pilipinas Pagsasanay