Ang Tekstong Naratibo

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 43

Ang Tekstong

naratibo
Ang maikling kwento, pabula,
alamat at nobela ay ilan sa mga
halimbawa ng tekstong naratibo.

2
Ang lahat din ng ito ay mga akdang
piksyon subalit hindi lahat ng naratibo ay
piksiyon.

3
Ang tekstong naratibo ay pagsasalaysay
o pagkukuwento ng mga pangyayari sa
isang tao o mga tauhan, nangyari sa
isang lugar at panahon o sa isang
tagpuan nang may maayos na
pagkasunod-sunod mula simula
hanggang katapusan.
4
May iba’t ibang uri ng naratibo tulad ng
maikling kwento, nobela, kuwentong-
bayan, mitolohiya, alamat, tulang
pasalaysay tulad ng epiko, dula, mga
kuwento ng kababalaghan, anekdota,
parabola, science fiction, at iba pa.

5
May iba’t ibang
pananaw o punto de
vista (point of view) sa
tekstong naratibo
1. Unang panauhan- sa pananaw na ito,
isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay ng
mga bagay na kanyang nararanasan,
naaalala, o naririnig kaya gumagamit ng
panghalip na “ako”.

7
2. Ikalawang panauhan- dito mistulang
kinakausap ng manunulat ang tauhang
pinagagalaw niya sa kuwento kaya’t
gumagamit siya ng mga panghalip na
“ka o ikaw”.

8
3. Ikatlong Panauhan- ang mga
pangyayari sa pananaw na ito ay
isinasalaysay ng isang taong walang
relasyon sa tauhan kaya ang panghalip na
ginagamit ay “siya”.

9
Ang tagapagsalaysay ay tagapag-obserba
lang at nasa labas siya ng mga
pangyayari. May tatlong uri ng pananaw:

10
Maladiyos na panauhan- nababatid niya
ang galaw at iniisip ng lahat ng mga
tauhan. Napapasok niya ang isipan ng
bawat tauhan at naihahayag niya ang
iniisip, damdamin, at paniniwala ng mga
ito sa mga mambabasa.

11
Limitadong panauhan- nababatid niya
ang iniisip at ikinikilos ng isa sa mga
tauhan subalit hindi ang sa iba pang
tauhan.

12
Tagapag-obserbang panauhan- hindi niya
napapasok o nababatid ang nilalaman ng
isip at damdamin ng mga tauhan. Tanging
ang mga nakikita o naririnig niyang mga
pangyayari, kilos, o sinasabi lang ang
kanyang isinasalaysay.

13
4. Kombinasyong Pananaw o Paningin-
dito ay hindi lang iisa ang
tagapagsalaysay kaya’t iba’t ibang
pananaw o paningin ang nagagamit sa
pagsasalaysay. Karaniwan itong
nangyayari sa isang nobela kung saan ang
mga pangyayari ay
14
Sumasakop sa mas mahabang panahon at
mas maraming tauhan ang naipapakilala
sa bawat kabanata.

15
Dalawang paraan
sa pagpapahayag
ng diyalogo,
saloobin, o
damdamin sa
tekstong naratibo 16
1. Direkta o Tuwirang Pagpapahayag

Sa ganitong uri ng pagpapahayag, ang


tauhan ay direkta o tuwirang nagsasaad o
nagsasabi ng kanyang diyalogo, saloobin o
damdamin. Ito ay ginagamitan ng panipi.

17
18
2. Di direkta o Di tuwirang Pagpapahayag

Ang tagapagsalaysay ang naglalahad sa sinasabi,


iniisip, o nararamdaman ng tauhan sa ganitong
uri ng pagpapahayag. Hindi na ito ginagamitan
ng panipi.

19
20
Mga elemento ng
tekstong
naratibo

21
1. Tauhan

May dalawang paraan sa pagpapakilala ng


tauhan- ang expository at ang dramatiko.

22
Expository- kung ang tagapagsalaysay ang
magpapakilala o maglalarawan sa pagkatao ng
tauhan.

Dramatiko- kung kusang mabubunyag ang


karakter dahil sa kanyang pagkilos o
pagpapahayag.

23
Mga karaniwang
tauhan sa mga
akdang naratibo

24
a. Pangunahing Tauhan

Sa pangunahing tauhan o bida umiikot ang mga


pangyayari sa kuwento mula simula hanggang
sa katapusan.

25
b. Katunggaling Tauhan

Ang katunggaling tauhan o kontrabida ay


sumasalungat o kalaban ng pangunahing
tauhan.

26
c. Kasamang Tauhan

Gaya ng ipinapahiwatig ng katawagan, ang


kasamang tauhan ay karaniwang kasama o
kasangga ng pangunahing tauhan.

27
d. Ang May-akda

Sinasabing ang pangunahing tauhan at ang


may-akda ay lagi nang magkasama sa kabuoan
ng akda.

28
Ayon kay E.M. Forster, isang Ingles
na manunulat, may dalawang uri ng
tauhan ang maaring makita sa isang
tekstong naratibo tulad ng:

29
a. Tauhang Bilog (Round Character)

Isang tauhang may multidimensiyonal o


maraming saklaw ang personalidad.

30
b. Tauhang Lapad (Flat Character)

Ito ang tauhang nagtataglay ng iisa o


dadalawang katangiang madaling matukoy o
predictable.

31
2. Tagpuan at Panahon

Ang tagpuan ay tumutukoy hindi lang sa lugar


kung saan naganap ang mga pangyayari sa
akda, kundi gayundin sa panahon ( oras, petsa,
taon) at maging sa damdaming umiiral sa
kapaligiran nang maganap ang mga pangyayari
tulad ng:
32
Kasayahang dala ng pagdiriwang sa isang
kaarawan, takot na umiiral dahil sa malakas na
hampas ng hangin at ulang dala ng bagyo,
romantikong paligid sanhi ng maliwanag na
buwang nakatunghay, magsasakang nag-aararo
sa ilalim ng tirik na tirik na araw

33
kalungkutan ng pamilyang nakatunghay
habang ibinababa sa kanyang huling hantungan
ang isang minamahal, at iba pa.

34
3. Banghay

Ito ang tawag sa maayos na daloy o


pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa
mga tekstong naratibo upang mabigyang-linaw
ang temang taglay ng akda.

35
Makikita sa ibaba ang karaniwang banghay
o balangkas ng isang naratibo:

- Pagkakaroon ng isang epektibong simula kung


saan maipakikilala ang mga tauhan, tagpuan, at
tema (orientation o introduction)

36
- Pagpapakilala sa suliraning ihahanap ng
kalutasan ng mga tauhan particular ang
pangunahing tauhan. (problem)
- Pagkakaroon ng saglit na kasiglahang
hahantong sa pagpapakita ng aksiyong
gagawin ng tauhan tungo sa paglutas sa
suliranin (rising action)

37
- Patuloy sa pagtaas ng pangyayaring
hahantong sa isang kasukdulan (climax)
- Pababang pangyayaring humahantong sa
isang resolusyon o kakalasan (falling action)
- Pagkakaroon ng isang makabuluhang wakas
(ending)

38
May akdang hindi sumusunod sa ganitong
kalakaran at tinatawag na anachrony o mga
pagsasalaysay na hindi nakaayos sa tamang
pagkakasunod-sunod.

39
Mauuri ito sa tatlo:

a. Analepsis (Flashback)- dito ipinapasok ang


mga pangyayaring naganap sa nakalipas.
b. Prolepsis (Flash-forward)- dito nama’y
ipinapasok ang mga pangyayaring
magaganap pa lang sa hinaharap.

40
c. Ellipsis- May mga puwang o patlang sa
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari na
nagpapakitang may bahagi sa pagsasalaysay na
tinanggal o hindi isinama.

41
4. Paksa o Tema

Ito ang sentral na ideya kung saan umiikot ang


mga pangyayari sa tekstong naratibo. Dito rin
mahuhugot ang mga pagpapahalaga,
mahahalagang aral at iba pa.

42

You might also like