Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 35

A P I L A H G N A P

R N A C Y I P P K K
E K A T A P O R A U
C C H P W Q D T P W
E W F O O U B C M E
S L M D D R W Z Q N
S E U G F O I V E T
Q S L Z T Y R K I O
P A N G N G A L A N
S U R E R R Q D U Q
PANANDANG
ANAPORIK AT
KATAPORIK NG
PANGNGALAN
MAIKLING KUWENTO

Ang maikling kwento ay isang


anyo ng panitikan na may layuning
magsalaysay ng mga pangyayari sa
buhay ng pangunahing tauhan.
RECESS TIME
ni Veronica D. Atienza
Hindi lamang iisang beses ko siyang
nakitang umalis sa silid-aralan sa tuwing
tutunog ang bell na hudyat ng recess time.
Palaging ginagawa iyon ni Jun. Sa tuwing
ililibot ko ang aking paningin sa loob ng
aming silid-aralan pagpatak ng oras na
iyon, masasayang mukha ang aking
Maging ako ay nakararamdam ng
tuwa sapagkat nagkakaroon kami ng
saglit na pahinga mula sa aming mga
aralin.Iyon din ay ilang sandali ng
kasiyahan dahil mabubusog na naman
ang aming mga tiyan ng mga baon
naming pagkain.
Ang oras na iyon ay napupuno ng
kanilang malalakas na tawanan at
kuwentuhan kasabay ng bawat subo
at nguya sa mga baong pagkain ng
aking mga kamag-aral. Halos kaming
lahat ay masaya maliban lamang kay
Si Jun ang pinakatahimik sa aming
klase. Halos hindi siya umiimik. Payat
ang kaniyang pangangatawan at lagi na
lamang siyang matamlay. Ang maiilap
niyang mga mata ay agad niyang iniiwas
sa sinumang mapapatingin sa kaniya at
bakas sa mga ito ang kalungkutan.
Taliwas sa masasayang mukha na
aking nakikita tuwing recess time,
ang kay Jun ay malungkot. Tila ba
hindi siya masaya sa tuwing kakain
na ng masasarap na pagkain kasabay
ng masasayang kuwentuhan at
Kapag tumunog na ang bell ay agad
siyang tatayo mula sa kaniyang
upuan at lalabas ng aming silid-
aralan. Pagkalipas ng recess time ay
babalik siya sa aming silid-aralan at
uupong muli nang tahimik sa
Hindi ko man sinasadya ay napuna ko ang
paulit-ulit na gawaing iyon ni Jun. Naisip ko
tuloy na baka ayaw niya kaming kasabay sa
pagkain. Siguro ay naiingayan si Jun sa amin
kaya sa tuwing tutunog ang bell ay mas pinipili
niyang lumabas ng silid-aralan. Sa hardin ng
aming paaralan ay pinalilipas niya ang recess
time at marahil ay doon din niya inuubos ang
kaniyang baon.
Dala na rin ng labis na pagtataka,
isang araw ay palihim ko siyang
sinundan paglabas niya sa silid-
aralan. Mabilis kong dinampot ang
aking baunan at binitbit ko ito habang
dahan-dahan ko siyang sinusundan
Habang ako ay nagkukubli sa mga
halaman upang hindi niya ako mapansin,
nasaksihan ko ang pagbukas niya sa
lalagyan ng kaniyang pagkain. Dahan-
dahan niya itong binuksan at nakita ko na
wala naman itong laman. Nakaramdam
ako ng lungkot mula sa aking
kinatatayuan sa nasaksihan kong iyon.
Lalo pa akong nalungkot nang makita
kong mula sa kaniyang kinauupuan ay
tumayo si Jun at nagtungo sa gripo
malapit sa hardin. Ilang beses siyang
uminom ng malinis na tubig na mula sa
gripo at palagay ko ay pilit niyang
binubusog ang sarili sa pamamagitan nito.
Matinding habag ang naramdaman ko
para kay Jun ng mga sandaling iyon. Iyon
pala ang dahilan ng paglabas niya tuwing
sasapit ang recess time. Wala siyang
baong pagkain. Sinulyapan ko ang dala
kong baunan at dahan-dahan akong
naglakad patungo sa kinaroroonan niya.
Bakas sa kaniyang mukha ang
pagkagulat sa aking presensiya ngunit
agad akong ngumiti kay Jun sabay
abot ng pagkain mula sa aking
baunan. Sa kauna-unahang
pagkakataon ay nakita ko ang saya sa
kaniyang mukha habang nagpipigil
Masaya naming pinagsaluhan ang aking
baon bagaman nararamdaman kong
nahihiya pa rin siya sa akin.
Nakapagtataka, ngunit tila higit na mas
naging malinamnam ang aking pagkain
ng mga sandaling iyon gayong may mga
pagkakataong nananawa na ako sa lasa ng
mga ito.
Hindi ko rin mawari kung bakit
higit na mas busog ang pakiramdam
ng aking puso kaysa sa aking tiyan
nang mga oras na iyon.
ANAPORIK
ANAPORIK

Ang panghalip ay nasa hulihan bilang


pananda sa pinalitang pangngalang
binanggit sa unahan ng teksto o
pahayag.
HALIMBAWA NG ANAPORIK

Si Jun ang pinakatahimik sa aming klase.


Halos hindi siya umiimik.
Sa hardin ng aming paaralan ay pinalilipas
niya ang recess time at marahil ay doon din
niya inuubos ang kaniyang baon.
IBA PANG HALIMBAWA NG ANAPORIK

1. Nakamamangha ang lungsod ng Maynila


dahil maraming nagtataasang gusali na
makikita roon.
2. Si Gabriela Silang ay tinaguriang
‘Unang Babaeng Martir’ dahil sa
katapangan at kagitingang ipinamalas
niya para sa bansa.
KATAPORIK

Panghalip na ginagamit sa unahan ng


teksto o pahayag bilang pananda sa
pinalitang pangngalan sa hulihan ng
teksto o pahayag.
HALIMBAWA NG KATAPORIK

Hindi lamang iisang beses ko siyang nakitang umalis sa


aming silid-aralan sa tuwing tutunog ang bell na hudyat
ng recess time. Palaging ginagawa iyon ni Jun.

Ang oras na iyon ay napupuno ng kanilang malalakas


na tawanan at kuwentohan kasabay ng bawat subo at
nguya sa mga baong pagkain ng aking mga kamag-aral.
IBA PANG HALIMBAWA NG KANAPORIK

1. Hindi matatawaran ang kanilang


sakripisyo sa panahon ng pandemya kaya
naman, itinuturing na bagong bayani ang
mga doktor at nars.
2. Dahil sa magagandang lugar at tanawin na
matatagpuan dito, dinarayo ng mga turista
ang lalawigan ng Zambales.
MGA GABAY NA TANONG
Panuto : Sagutin ang mga sumusunod na
katanungan.

1. Ano ang katotohanang natuklasan ng


nagsasalaysay tungkol sa palaging
paglabas ni Jun tuwing sasapit ang recess
2. Anong damdamin ang
namayani sa iyo matapos mong
basahin ang kuwento?
3. Pansinin ang mga salitang
may salungguhit sa ilang
pangungusap sa kuwento. Ano-
ano ang tawag sa mga ito?
4. Naiwasan ba ang pag-uulit ng
pangngalan sa tulong ng mga panghalip
sa loob ng kuwento? Patunayan ang
iyong sagot.
PAGTATAYA
Panuto: Tukuyin kung ang panandang ginamit sa
pangungusap sa bawat bilang ay Anaporik o
Kataporik. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1.Nangungulila man sa kanilang mga


pamilya ay patuloy pa rin ang
pagpapakasakit ng mga Overseas Filipino
Workers sa ibang bansa.
2.Nagkamit ng karangalan si Sally dahil
matataas ang kaniyang mga grado sa lahat
ng asignatura.
3. Ang Araw ng Kalayaan ay dapat na
pahalagahan sapagkat patuloy itong
nagpapaalala sa ginawang pagpapakasakit
ng mga bayani upang makamit ang ating
kalayaan.
4. Walang katulad ang ganda ng lugar
na ito kaya patuloy na dinarayo ng
mga turista ang Palawan.
5. Tanyag ang lalawigan ng Zambales
dahil sa mga produktong mabibili rito
tulad ng matatamis na mangga.
6. Ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan kaya
nararapat lamang na maging mabuting
impluwensiya ang mga nakatatanda para sa kanila.
7. Patuloy siyang nagsusumikap sapagkat nais
ni Joy na mabigyan ng maginhawang buhay
ang pamilya.
8. Hinahangaan tayo sa buong mundo sapagkat
kilala ang mga Pilipino sa pagiging masipag at
pagkakaroon ng kakaibang talento.
9. Ang ating mga magulang ang nag-
aruga sa atin kaya dapat ay alagaan
natin sila sa kanilang pagtanda.
10. Dapat nating ingatan ang
kalikasan sapagkat ang ating
ikinabubuhay ay nagmumula rito.
Takdang Aralin
Panuto: Sumulat ng isang talata na
nagsasalaysay ng iyong sariling karanasang
may kaugnayan sa pagbibigay o pagbabahagi
sa kapwa tulad ng iyong nabasa sa kuwentong
‘Recess Time’. Gumamit ng mga panandang
anaporik at kataporik ng pangngalan at
salungguhitan ang mga ito. Isulat ang talata sa

You might also like