GENDER ROLES: Bahaging Ginagampanan NG Kasarian Sa Mga Institusyong Panlipunan

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

GENDER ROLES: Bahaging Ginagampanan ng

Kasarian sa mga Institusyong Panlipunan


Araling Panlipunan 10 – 3rd Quarter
Sa kasalukuyan, unti – unti nang
nakikilala ang mahahalagang papel na
ginagampanan ng bawat kasarian sa
iba’t ibang larangan. May mga
gampanin (role) na dating eksklusibo
lamang sa isang kasarian ngunit ngayon
na ring gampanan ng iba. Narito ang
mga papel o bahaging ginagampanan ng
kasarian (gender roles) sa iba’t ibang
larangan at institusyong panlipunan
(trabaho, edukasyon, pamilya,
pamahalaan, at relihiyon).
Mga Institusyong Panlipunan
1. Trabaho.

2. Pamilya.

3. Edukasyon.

4. Pamahalaan.

5. Relihiyon.
Mga Institusyong Panlipunan
Trabaho.

Pangkaraniwan nang ang mga gampanin ng


kababaihan sa larangan ng hanapbuhay ay yaong
hindi mabibigat na gawain. Ang mga babae ay
inaasahang makapapasok sa mga trabaho gaya ng
pananahi, pagna-nurse, pagguguro, pagdedentista,
pagluluto, magagaan na gawain sa opisina, at iba
pang hindi gaanong nangangailangan ng pisikal na
lakas.
Mga Institusyong Panlipunan

Trabaho.

Sa kabilang banda, ang kalalakihan ang karaniwang nakapapasok sa


mga hanapbuhaygaya ng pagsusundalo, pagpupulis, pagsasaka,
pangingisda, pagmemekaniko, pagiging security guard,
kargador, karpintero, at mga kauri nito.
nagagampanan na ng parehong
Ganon kasarian
pa man,
ang
sa maraming
kasalukuyan
uri ay
hanapbuhay. ng
Mga Institusyong Panlipunan

Pamilya.

May pagkakahati ng mga Gawain at gampanin ang asawang lalaki


(husband) at asawang babae (wife) sa pamilya. Pangkaraniwan nang
gampanin ng isang babae ay ang pagpapanatili ng kalinisan ng kanilang
tahanan, paggawa ng mga gawaing-bahay, at pangangalaga sa buong
pamilya. Ang isang lalaki naman ay inaasahang magsusustento sa
kaniyang pamilya o magbibigay ng mga pinansiyal na pangangailangan at
proteksiyon para sa pamilya.
Mga Institusyong Panlipunan

Pamilya.

Sa ngayon, hindi na gaanong kalinaw ang hatian ng gampanin


sa pamilya. May mga mag-asawa ngayon na parehong
naghahanapbuhay. May mga pamilya na ang mga babae na ang
naghahanapbuhay at ang mga lalaki naman ang naiiwan upang
magsinop sa tahanan at mangangalaga sa pamilya. Dumarami kung
ganoon ang mga tinatawag na career woman at house husband.
Mga Institusyong Panlipunan

Edukasyon.

Sa edukasyon, ang karaniwang kinukuhang kurso ng kababaihan


at kalalakihan ay ang mga kursong itinuturing ng kultura na
naaayon sa kanilang kasarian. Subalit gaya sa trabaho, ang
gampanin sa edukasyon ng mga kasarian ay nagbago na. Ang mga
kursong dati-rati ay itinuturing na angkop lamang sa isang kasarian
ay inaalok na rin sa miyembro ng ibang kasarian.
Mga Institusyong Panlipunan

Pamahalaan.

Sa maraming bansa, ang nakagawiang pinipili bilang namumuno sa


gobyerno ay ang kalalakihan. Subalit hindi gaya ng dati, sa ngayon ay
marami babae na humahawak sa matataas na
nang posisyon sa Masasabing napasok na ng
pamahalaan. kababaihan ang mundo ng
politika.
Mga Institusyong Panlipunan

Relihiyon.

Sa mga sekta ng relihiyon, may mga bahaging ginagampanan ang


parehong kasarian. Sa Katolisismo, nananatiling kalalakihan lamang ang
pinapayagang magpari at kababaihan naman ang nagmamadre. Sa Iglesia
ni Cristo, bagama’t ang kalalakihan lamang ang pinapayagang maging
ministro, ang mga babae naman ay pinapayagang maging diakonesa,
mang-await, kalihim, at iba pa. Sa Seventh Day Adventist, Born-Again
Christian, at iba pang sektang Protestante, maaaring maging
tagapangaral maging ang mga babaeng nilang kaanib.

You might also like