Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

ILANG TEKSTONG

DESKRIPTIBONG
BAHAGI NG
IBANG TEKSTO
PAGLALARAWAN SA TAUHAN

Sa paglalarawan ng tauhan, hindi lang sapat


na mailarawan ang itsura at mga detalye
patungkol sa tauhan kundi kailangang maging
makatotohanan din ang pagkakalarawan dito.
PAGLALARAWAN SA TAUHAN

“Ang aking kaibigan ay maliit, maikli at


unat ang buhok, at mahilig magsuot ng
pantalong maog at puting kamiseta.”
PAGLALARAWAN SA TAUHAN

 Hindi magmamarka sa isipan at


pandama ng mambabasa.
 Kulang na kulang ito sa mga tiyak at
magmamarkang katangian.
PAGLALARAWAN SA TAUHAN

 Ang mga halimbawa ng salitang maliit,


matangkad, bata, at iba pa ay pangkalahatang
paglalarawan lamang at hindi nakapagdadala ng
mabisang imahe sa isipan ng mambabasa.
PAGLALARAWAN SA TAUHAN

 Mahalaga ring pakilusin ang tauhan para mas


magmarka ang mga katangiang taglay niya tulad
halimbawa ng kung paano siya ngumiti,
maglakad, humalakhak, magsalita, at iba pa.
PAGLALARAWAN SA TAUHAN
 Sinasabing ang pinakamahusay na tauhan ay
yaong nabubuhay hindi lang sa pahina ng akda
kundi sa puso at isipan ng mambabasa kaya
naman kahit sila’y produkto lang ng mayamang
imahinasyon ng manunulat, hindi sila basta
nakalilimutan.
PAGLALARAWAN SA TAUHAN
PAGLALARAWAN SA DAMDAMIN O EMOSYON

 Ang paglalarawan sa damdamin ay bahagi pa rin


ng paglalarawan sa tauhan subalit sa halip na sa
kanyang panlabas na anyo o katangian ito
nakapokus, ang binibigyang diin dito'y ang
kanyang damdamin o emosyong taglay.
PAGLALARAWAN SA DAMDAMIN O EMOSYON

 Napakahalagang mailarawan nang mabisa ang


damdamin ng tauhan sapagkat ito ang nabibigay
dahilan kung bakit nagagawa ng tauhan ang
kanyang ginawa.
ILANG PARAAN NG
PAGLALARAWAN SA
DAMDAMIN O EMOSYON NA
KONEKTADO PA RIN SA
TAUHAN
PAGSASAAD NG AKTWAL NA NARARANASAN
NG TAUHAN

 Maaaninag ng mambabasa mula sa


aktwal na nararanasan ng tauhan ang
damdamin o emosyong taglay nito.
PAGSASAAD NG AKTWAL NA NARARANASAN
NG TAUHAN

HALIMBAWA:

Matindi ang pagkirot ng tiyan ni Mang Tonyo. Nagdidilim na


ang kanyang paningin at nanlalambot na ang mga tuhod sa
gutom na nadarama. Dalawang araw na pala nang huling
masayaran ng pagkain ang nanunuyo niyang mga labi.
PAGGAMIT NG DIYALOGO O INIISIP

Maipakikita sa sinasabi o iniisip ng


tauhan ang emosyon o damdaming
taglay niya.
PAGSASAAD NG AKTWAL NA NARARANASAN
NG TAUHAN
HALIMBAWA:

Sa halip na sabihing naiinis siya sa ginawang pagsingit


sa pila ng babae ay maaari itong gamitan ng sumusunod
na diyalogo: "Ale, sa likod po ang pila. Isang oras na
kaming nakapila rito kaya dapat lang na sa hulihan kayo
pumila!"
PAGSASAAD SA GINAWA NG TAUHAN

 Sa pamamagitan ng pagsasaad sa ginawa ng


tauhan minsa'y higit pang nauunawaan ng
mambabasa ang damdamin o emosyong
naghahari sa kanyang puso at isipan.
PAGSASAAD SA GINAWA NG TAUHAN

HALIMBAWA:

Halimbawa: "Umalis ka na!" ang mariing sabi ni Aling


Lena sa asawa habang tiim bagang na nakatingin sa
malayo upang mapigil ang luhang kanina pa
nagpupumilit bumalong mula sa kanyang mga mata.
PAGGAMIT NG TAYUTAY O
MATATALINGHAGANG PANANALITA

 Ang mga tayutay at matatalinhagang


pananalita ay hindi lang nagagagamit sa
pagbibigay ng rikit at indayog sa tula kundi
gayundin sa prosa.
PAGGAMIT NG TAYUTAY O
MATATALINGHAGANG PANANALITA

HALIMBAWA:
Ito na marahil ang pinakamadilim na sandali sa
kanyang buhay. Maging ang langit ay lumuha sa
kalungkutang dulot ng pagyao ng pinakamamahal
niyang si Berta.
PAGGAMIT NG TAYUTAY O
MATATALINGHAGANG PANANALITA
MARAMING THANKYOU!

You might also like