Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 45

BALANGKAS NG

PAMAHALAAN SA
TIMOG AT
KANLURANG ASYA
LAYUNIN:
1. Nasusuri ang bawat pamahalaang naitatag sa
Timog Asya, Kanlurang Asya, Silangang Asya,
Hilagang Asya, at Timog Silangang Asya.
2. Naipapakita ang uri/anyo ng pamahalaan sa
mga rehiyon sa Asya sa pamamagitan ng isang
malikhaing pamamaraan.
3. Nabibigyang halaga ang uri ng pamahalaan sa
Asya.
Sa paggawad ng kalayaan sa
mga bansa sa Asya, nabigyan
ng pagkakataon ang mga
Asyano na makilahok at
mamuno sa pamamahala.
ANG PAMAHALAAN ay maituturing na
isang haligi. Ito ay nagsisilbing buhay ng
bansa tungo sa katatagan, katahimikan, at
kaunlaran ng pamumuhay ng
mamamayan. Pinangangasiwaan ng
pamahalaan ang mga tungkulin o gawain
sa loob ng isang maayos at matatag na
lipunan.
SA
ASYA
Ang pamahalaan ay maaaring
uriin sa iba’t ibang kategorya
ayon sa kayarian, lawak ng
kapangyarihan, pag-uugnayan ng
mga sangay, at dibisyong
heograpikal ng kapangyarihan.
 
Demokrasya – hawak ng mamamayan ang
kapangyarihan sa pamahalaan. Ang mga tao
ay may pantay pantay na karapatan at
pribilehiyo, may kalayaang politikal,
pangkabuhayan, at panlipunan. Nagtatakda
ang batas ng kapangyarihan ng mga pinuno
ng bansa at kumikilos sila alinsunod sa batas.
Republika – isang anyo ng
demokrasya kung saan ang mga
mamamayan ay pumipili ng
kinatawan o representative sa
pamahalaan. Halimbawa nito ang
Pilipinas.
Pamahalaang Pederal – hawak ng mga lokal na
pamahalaan ang kapangyarihan na hindi maaring
pakialaman ng pamahalaang nasyonal. May halos
kumpletong autonomiya ang bawat estado o yunit
na politikal sa pamamahala ng sariling teritoryo
subalit nagsasama-sama ang mga pamahalaang
lokal na ito upang sumailalim sa mga batas ng
pamahalaang pederal.
Totalitaryanismo – sistemang politikal na
hawak ng estado o ng pamunuang
namamahala nito ang ganap na awtoridad.
Maaring minamana ang kapangyarihan ng
estado pinipili ang lider ng isang grupong
espesyal.
Diktadurya – ay pinamunuan ng isang
diktador na hindi nalilimitahan ng
anumang batas ang kanyang desisyon.
Masugid siyang tagapagtaguyod sa
isang ideolohiyang pinagbatayan ng
pamamahala gaya ng komunismo.
Teokrasya – ang mga lider
ng relihiyon ang namumuno
bilang kinatawan ng
kanilang Diyos
Monarkiya – isang sistema ng
pamamahala kung saan ang
isang tao ay nagtataglay ng
minanang karapatan upang
pamunuan ang isang estado
habang siya ay nabubuhay.
Pinamunuan ng hari, reyna,
emperador, tsar, rajah, sultan
at Kaiser.
Pamahalaang Militar - ito
ay uri ng pamahalaan kung
saan ang kapangyarihang
politikal ay hawak ng
militar.
Komunismo - iisang
partidong awtoritaryan
ang may kapangyarihan
sa ekonomiya ng bansa.
Anyo ng
Pamahalaan ng
mga Bansa sa Asya
Timog Asya:
Bansa Pamahalaan
NEPAL Parliamentaryong Demokrasya
SRI LANKA Republika
BHUTAN Monarkiya
PAKISTAN Republikang Pederal
INDIA Republikang Pederal
BANGLADESH Parliamentaryong Demokrasya
MALDIVES Republika
Kanlurang Asya
Bansa Pamahalaan
AFGHANISTAN Pamahalaang Transisyonal
BAHRAIN Monarkiyang Tradisyonal
IRAN Republikang Teokratik
IRAQ Pamahalaang Transisyonal
ISRAEL Parliamentong Demokrasya
JORDAN Monarkiyang Konstitusyunal
KUWAIT Nominal na Monarkiyang Konstitusyunal
OMAN Monarkiya
Kanlurang Asya
Bansa Pamahalaan
QATAR Monarkiyang Tradisyonal
SYRIA Republika sa Ilalim ng Militar
UNITED ARAB Pederasyon, may tiyak na
EMIRATES kapangyarihan ang gobyernong
sentral ng UAE at iba naman ang
kapangyarihan sa bawat Emirate
YEMEN Republika
TURKEY Republika, Parliamentaryong
Demokrasya
Silangang Asya
Bansa Pamahalaan
CHINA Komunistang Estado “Multi-Party”
JAPAN Parlyamentaryong Monarkiya
NORTH Komunistang Estado
KOREA
SOUTH Presidensyal na Republika
KOREA
TAIWAN Semi-Presidensyal na Republika
Hilagang Asya
Bansa Pamahalaan
Armenia Republika
Azerbaijan Presidential na Republika
Georgia Presidensyal na Republika
Kazakhstan Presidensyal na Republika
Kyrgyzstan Presidensyal na Republika
Mongolia Presidensyal Representative Semi-Democratic
Republic
Tajikistan Presidensyal na Republika
Turkmenistan Presidensyal na Republika
Uzbekistan Presidensyal na Republika
Timog Silangang Asya
Bansa Pamahalaan
Brunei Purong Monarkiya
Darussalam
Cambodia Parlyamentaryong Monarkiya
East Timor Parlyamentaryong Republika
Indonesia Presidensyal na Republika
Laos Komunistang Estado
Malaysia Parlyamentaryong Monarkiya
Timog Silangang Asya
Bansa Pamahalaan
Myanmar Junta Militar na walang
representanteng institusyon
Pilipinas Republika
Singapore Parlyamentaryong Republika
Thailand Parlyamentaryong Monarkiya
Vietnam Komunistang Estado
Ebalwasyon/Pagtataya:
Panuto: Isulat ang TAMA kung may katotohanan
ang pahayag at MALI naman kung ito ay di-
makatotohanan.
1. Ang pamahalaan ay maituturing na isang haligi
ng bansa.
2. Ang mga tao ay may pantay-pantay na
karapatan at pribilehiyo sa pamahalaang
Demokrasya.
3. Ang Pilipinas ay isang halimbawa sa
4. Sa pamahalaang Teokrasya ang
mga lider ng relihiyon ang
namumuno bilang kinatawan ng
kanilang Diyos.
5. Ang hari o reyna ang
namumuno sa pamahalaang
Diktadurya.
TAKDANG ARALIN:
Magsaliksik tungkol sa NEOKOLONYALISMO
sa Timog at Kanlurang Asya.
1. Ano ang neokolonyalismo.
2. Ibigay ang anyo ng neokolonyalismo.
3. Ano ang mga epektong dulot ng
neokolonyalismo?
4. Ibigay ang iba’t ibang paraan ng pagtugon sa
neokolonyalismo ng mga Asyano sa Timog at
Kanlurang Asya.

You might also like