Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Aralin 8

PAGPAPALIT KODA
Mga Layunin: Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. natutukoy ang kahulugan ng palit-koda at halo-koda;


b. naiugnay ang mga konseptong pangwika sa mga paksa;
c. nakapag-aanalisa ng bakit nagaganap ang palit-koda at
halo-koda sa pagpapahayag; at
d. nagagamit ang kaalaman sa teknolohiya para sa pag-
unawa sa wika gaya ng Google, Facebook at iba pa.
Ang code-switching ay nagaganap dahil sa
pagnanais na magpahayag ng pagpapahalaga
sa mahigit dalawang magkaibang grupo.
Ang palit-koda ay isang kaganapan lalo
na sa pagsasalita sa layuning maipaabot
ang nais ipahayag at para maintindihan ng
kausap.
Ang pagpalit-koda ay nagaganap sa pagkakataon kung
saan ang isang nagsasalita ay gumagamit ng dalawang
wika o dalawang dayalekto o mga register ng wika
upang maipaabot ang kanyang nais ipahayag at
maintindihan ng kanyang kapwa.
Sa madaling sabi, ang palit-koda ay ang
paggamit ng dalawang wika sa
pagpapahayag ng sabay.
Mga Dahilan Bakit Nagaganap ang Code-Switching

1. Ang salitang sangkot ay walang katumbas sa Ingles


2. Hindi alam kung ano ang katumbas sa Ingles
3. Punan ang kakapusan sa pakikipagtalastasan
4. Komportable sa kanyang lingua fanca.
5. Makaiwas sa palabong kaisipan
6. Makabuo ng ugnayan at makapagbigay “diin”
HALO-KODA (Code-Mixing)

Ang halo-koda o code-mixing ay isang penomena sa


pagpapahayag na pasalita.
Nagaganap ito sa pamamagitan ng pagsingit ng salita
o mga salitang mula sa ibang wika na labas sa
sistema ng pangunahing wikang ginamit sa
pagpapahayag.
Sa madaling sabi, isa sa mga layunin ng code-mixing ay
upang maintindihan ng kausap, at upang punan ang
kakapusan ng pangangailangan ng pagsasalita. Maari
namang nagaganap ang halo-koda dahil sa kaugnayan ng
wikang gamit sa usaping kultural o panahon na lantad
ang wikang ito sa isang lipunan.
Ang terminong code-mixing ay nagbibigay diin sa
“hybridization” na nagaganap sa pagpapahayag ng isang
bilingwal o multilingwal na indibidwal.

Sa ating bansa, madalas nagaganap ang penomenon na ito sa


pagpapahayag, sa kalye, palengke, tahanan at maging sa loob
ng mga silid-aralan.

You might also like