SHAHANA G. ABAS BSED MATH 3A Ano nga ba ang SIYENSIYA?
• Ang siyensya ay isang sistematikong pag aaral gamit ang
sistematikong pamamaraan upang subukin ang katotohanan sa likod ng mga haka haka. May ibat ibang uri ng agham ang pinagaaralan ang tao. Kabilang dito ang natural sciences, biology, chemistry at physics. FILIPINO SA SIYENSIYA • Ang Sentro ng Wikang Filipino ng UP-Diliman, maging ang mga propesyonal na samahang pangwika sa pagsasagawa ng mga panayam, komperensya. Pagsasulat at pagsasalin ng mga sanggunian at paglalathala ng pananaliksik sa mga larangang teknikal gamit ang wikang Filipino sa tulong na rin ng mga iskolar na naniniwala sa kakayahan ng wikang itong magamit sa nabanggit na mga larangan. Dahil sa positibong pagtinging ito, hindi sila natatakot subukang gamitin ang wikang Filipino sa kanilang pagtuturo at sa kanilang mga isinusulat na libro at pananaliksik. • Sa katunayan, isa si Dr. Fortunato Sevilla ng Kolehiyo ng Agham ng UST sa nagtataguyod ng wikang Filipino bilang wika sa pagtuturo ng Kemistri. Pisika at iba pang kaugnay na larangan. Ayon sa kanya, sa paggamit ng wikang Filipino sa pagtuturo ay mas mabilis na nauunawaan ng mga mag-aaral ang lalim at lawak ng mga konseptong pang-agham. Bunga nito, mas nagiging buhay ang talakayan sa klase dahil ganap na nakikiisa ang mga mag-aaral. Ang ganitong pangyayari ay nagbubukas sa mas mataas na paghahangad ng mga mag-aaral na matututo ng siyensya na magagamit nila sa pang-araw-araw na buhay.