Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 28

PANULAANG

FILIPINO
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN

1. Naisasalaysay ang maikling kasayasayan ng


pag-unlad ng panulaang Pilipino.
2. Nabibigyan ng pansin ang makata at
manunulat ng tula na nakilala sa kanilang
panahon.
3. Napahahalagahan ang naiambag ng panulaan
sa pag-unlad ng panitikang Pilipino.
•Bata pa si Nena’y
marunong nang manahi.
•Dito ko itinamin,
doon tumubo
•Mataas kung nakaupo,
mababa kung nakatayo.
•Langit sa itaas, langit sa
ibaba, tubig sa gitna
•Ang ina’y
gumagapang pa, ang
anak ay umuupo.
Ang Matandang Panahon
• Sa-anoy kung tawagin ang panahong ito ng mga taga-
bikol. Anoy na ang ibig sabihin ay anay. Anomang bagay,
gaya ng isang haliging kahoy, dala ng katagalan o
katandaan sa kinatitirikan ay di-maiiwasang pamahayanan
at kutkutin ng anay, kaya nadudurog, napupulbos at hindi
pinagyaman maglalaho ang mga ito sa ihip ng hangin,
ganito ang nangyayari sa Panitikang Pilipino sa matandang
panahon.
• Itong panahon na napapaligiran ng Pilipinas ay nasasaplutan pa ng mahihiyas na
kalikasan at nakokoronahan pa ng maguniguning pananaw ng ating dumating ang mga
kastila. Ito ang panahon noon.. Noong matagal na matagal pa bago dumating ang ma
kastila… noong ang langit ayon sa alamat ay mababa pa, noong mga anito at kalikasan
pa ang sinasamba, noong ang matulaing kapaligiran ay di pa sinasalanta ng tinawag
ngayong kabihasnan.
• Ito ang panahon ng karunungan o kaalamang-bayan. Ang ating mga ninuno, sa abot ng
kanilang mahuna-hunang kaisipan at mapaghulong kakayahan, at sa tulong na rin ng
kanilang payak na karanasan sa mga sinauna nilang pakikibaka sa buhay, ay natutong
bumabalangkas ng matibay na pundasyon para sa pagganyak, ikakapanatag,
ikakapanatili, at ikakapakinabang ng kalahatan. Ito ay pagbibigay-kahulugan, pag-
iinterpreta, pagpapaliwanag at pagpapakabuluhan sa lahat ng nangyayari o
nararanasan sa pang-araw-araw nilang pamumuhay, sa mga pangyayaring nagaganap
sa makipot pa nilang daigdig., sa mga bagay-bagay na abot-tanaw lamang nilang
nasasaksihan sa kalawakan, sa mga pagbabagong napupuna nila sa kanilang sarili at sa
lupunan. Pinapaunlad ng mga ito ang kanilang pamumuhay. Pinalalim ng mga ito ang
kanilang pag-iisip at pag-unawa. Hinubog ng mga ito ang kanilang pagkatao.
Pinalaganap ng mga ito ang kanilang kultura.
TRADISYONG PATULA
• Nahahati sa dalawang kategorya ang
tradisyong ito:
• hindi inaawit at inaaawit
• Ang unang kategorya ay tinatawag na
panugmaang bayan at ikalawa
kantahing-bayan.
Panugmaang-Bayan
•Ang anyo nito ay taludturan o
dalawahing talutod lamang, dili kaya’y
apaludturan o aapating taludtod
lamang ang bumubuo sa isang saknong.
Bawat taludtod ay may sukat—may
blang ang pantig na ang hulihan ay
magkakasintunog—tugma
Tatlong uri ng kategorya ng Panugmaang-
bayan

• 1. Tugmaang Walang Diwa o Tugmaang Pambata


• 2. Tugmaang Matatalinghaga
• 3. Tugmaang Ganap na tula.
TUGMAANG WALANG DIWA O TUGMAANG PAMBATA
• Sinasabing ito ang pinagmulan o pinag-ugatan ng tula. Ang mga salita at tila
larong-bibig na pangkasanayan ng mga bata sa pagsasalita. Marikit ang
pananalitang ginagamit sa payak nitong kaanyuang sukat at tugma.
• Lamang tila ba gahol ito sa kahulugan. Walang talinhaga. Basta bukambibig
magpahanggang sa nagyon. Kung hindi naman, nagtataglay ng kahulugan
kaya lang mababaw.
• Karaniawan ito ay maririnig natin sa isang ina na naaaliw sa kanyang paslit na
anak at palagian sa mga batang naglalaro sa bakuran at sa daan.
• Layunin nito ay pampatuwid ng dila ng bata nang di-mautal sa pagsasalita;
panunudyo ng mga nagkakapkinunang bata sa laro; pang-alo sa nagmamaktol
na paslit; at pansabi sa mga nagmamasid a kapaligiran.
• Ito rin ang tinatawag sa Ingles, na Mother Goose Rhyme.
TUGMAANG MATALINGHAGA
• Sinasabi sa Lanasin sa Pnulaang Tagalog (Pamana ng
Panitakang Filipino) na ang panulaang Filipino ay nagsimula
sa anyo ng bugtong, saawikain, at iba pang awiting bayan na
sa kaikasan at sa buhay sa araw-araw humango ng mga
paksain. (Arrogante et. al, 1983) maiikli lamang ang mga ito,
madadalumat at matatalinghaga. Tulad na lamang ng
sawikain na mga parirala pero naglalarawan na at
naglalahad ng kahulugan. Ang mga bugtong, salawikain,
sabi-sabi pa kaya na mga ganap na pangungusap at
nagtataglay ng buong kaisipan ang hindi magtaglay ng higit
na mas malalim na kahulugan.
KANTAHING BAYAN
•Ang mga popular na katutubong awiting
naririnig nating inaawit sa mga nayon tuwing
may okasyong idinaraos, tulad ng kasalan,
pagtatanim, paglalamay sa patay, atbp. Wala
itong ipinagkaiba sa tula dahil kung ito’y
susuriin, may sukat it’t tugma, lamang
isinasatinig o isinasatono.
TUGMANG GANAP NA TULA
• Sa uring ito nabibilang ang mga Tanaga ng katagalugan at ang Ambahan ng mag Hannuno
Mangyan ng Mindoro. Sa pagkakahulugan ni Juan de Noceda at Pedro San Lucar sa
Vocabulario de la Lengua Tagala, ang tanaga.
• Isang uri ng tulang nakapataas sa wikang tagalog, na
• Binubo ng pitong pantig ang bawat saknong,
• Mat apat na taludtod sa bawat saknong
• Ito’y hitik sa talinghaga

Samantalang ang Ambahan naman, ayon sa tala ni Padre Antonio Postma, ay:

• Isang maritmo o aindayog na patulangv pagpapahayag na may sukat at may bilang na pitong pantig
ang bawat taludtuod na may tugma;
• Ito’y isinasaawit nang walang tiyak na tono o akompanya ng anumang instromentong pangmusika;
at
• Ito’y naglalayong makapagpahayag sa matutulaing pananalita, ng mga katangi-tanging kalagayang
tinutula ng makata.
Dalawang uri ng Katahing-Bayan

•Kantahing-Bayan na di-gaanong
nagsasalaysay
•Kantahing-Bayang nagsasalaysay
Kantahing-Bayan na di-gaanong nagsasalaysay

• Ito ay maikli lamang, karaniwan ito’y


naglalarawan lamang ng mga pang-araw-araw
na sitwasyon o okupasyon ng ating mga
ninuno.
• Halimbawa
• Oyayi o Hele (sa pagtulog ng bata)
• Talindaw (awit sa paggawa)
MGA KANTAHING BAYAN
• OYAYI O HELE- ito ang awit sa pagpapatulog ng bata.
Malalambing ang himig nitong monotono at maulit
ang lirik subalit makahulugan.
• KALUSAN- ang wit sa paggawa. Maaaring awitin ito
habang nagtatrabaho o kaya pagkatapos ng trabaho.
Sa pamamangka, ito at tinatawag na talindaw at
habang nagsasagwan, ang awit ay tinatawag na
suliranin.
MGA KANTAHING BAYAN
•KUNDIMAN- ito ang awit ng pag-ibig. Noong
araw uso ang harana, ang mga awit na
kinakanta ng binatang nanunuyo sa
dalagitang sinisinta. Kung minsan punong-
puno ang awit ng pangarap at minsan nama’y
walang kasing lungkot dahil sa binatang di
agad natutugon ang pag-ibig ba idinudulo, o
kaya’y kapag nasisiphayo.
MGA KANTAHING BAYAN
•Soliranin: awit ng mangingisda
•Talindaw: awit ng mga bangkero
•Diona: para sa mga kinakasal
•Kumintang: awit sa digmaan. Inaawit ito sa gabi sa saliw
ng biyolin at gitara.
•Sambotani: inaawit kapag tagumpay ang pakikipagdigma
•Dalit: awit sa simbahan. Dati inaawit ito sa pagamba sa
mga anito.
• DUNG-AW- ito ay awit para sa patay o
pagdadalamhati.
• UMBAY- awit ng pagkaulila. Ang himig at tema
nito ay nagpapaawa sa kawalan ng nagmamahal o
kumukupkop na magulang.
• KUTANG-KUTANG O RAITDAWIT SA KABIKULAN-
ang awit ng mga lasing o awit s alansangan na
naglalayong magpatawa, magpasaring o manudyo.
• DITSO- ang awit sa paglalarao ng mga bata. Mga
kasabihan itong isinasatono ng manlalarong bata.
Kantahing-Bayang nagsasalaysay
• Ito ay mapupunang mahaba-haba o sadyang may kahabaan. Maaaring
isang pangyayari lamang ang tinuntunton ng awit o maaari rin naming
kawing-kawing. Sa una nabibilang ang mga balada, sa ikalawa, ang
Epiko. Madetalye ang pagkukuwento sa mga ito at likas na nagbibigay-
aral, kaya madula’t malaman. Maaaring ito’y tungkol sa isang
karaniwang tao lamang o maaari rin naming tungkol sa isang
katutubong bayani.
• Epiko- ito ay isang mahabang salaysay sa anyong patula na maaaring
awitin o isatono. Ito ay hango sa pasalindilang tradisyon tungkol sa
mga pangyayaring supernatural o kabayanihan at ay layuning seryoso
dahil kinapapalooban ito o pinahahalagahan dito ang mga paniniwala,
kaugalian, saloobin, at mga mithiin sa buhay ng mga tao.
AWITING BAYAN
• MGA URI NG AWITING- 6. DANIW- DRINKING SONG
BAYAN 7. HORASA- SONG
1. ABIYAN- HAPPY SONG COMMEMORATING A
2. AMBAHAN- LEISURE SONG NATURAL CATASTROPE
3. ANGOY- SAD SONG
4. KUNDIMAN- LOVE SONG
5. KUNIGRAT- TRIUMPHANT
SONG
AWITING BAYAN
8. HUDLO- HAULING OR ANCESTORS
ROWING SONGS 14. SINALAMPATI O
9. HOMOLO- SONGS WHEN SALAMPATI- WEDDING SONG
PUTTING OF SEA 15. TIGAY- SONG TO CURE THE
10. PANAYOKNOK- LULLABY SICK
11. KULINTANG- SONG OF
ENCHANTMENT
12. KURIGIT- HOWLING SONG
13. DUMANGO- SONG TO
MGA KASABIHAN
• 1. Kapag makitid ang kumot, matuto kang mamaluktot.

• 2. Ang mabuting ugali, masaganang buhay ang sukli.

• 3. Kung may tiyaga, may nilaga.


• 5. Walang umaani ng tuwa, na hindi sa hirap nagmula.

• 6. Ang gumagawa ng kabutihan, hindi matatakot sa


kamatayan.

• 7. Walang mahirap na gawa kapag dinaan sa tiyaga.

• 8. Kung ano ang itinanim ay siya rin ang aanihin


• 9. Ang batang hindi nagsasabi ng katotohanan ay hindi
maaasahan.

• 10. Kapag may isinuksok, may madudukot.

• 11. Kung ayaw mong maghirap, ikaw ay magsikap

You might also like