Ang Nobelang Pilipino: John Jazon V. San Jose

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

ANG NOBELANG

PILIPINO
John Jazon V. San Jose
Nobela
◦ Ang nobela ay isang mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na
pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin ng
katunggali sa kabila - isang makasining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at magkakaugnay.
◦ Ang pangyayaring ito ay may kanya-kanyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay at kawili-wiling
balangkas na siyang pinakabuod ng nobela.
Ano ang katangiang dapat taglayin sa isang
nobela?
1. Maliwanag at maayos na pag sulat ng mga tagpo at kaisipan
2. Pagsasaalang-alang sa kailangang kaasalan
3. Kawili-wili at pumupukaw ng damdamin
4. Pumupuna sa lahat ng larangan ng buhay at sa mga aspekto ng lipunan tulad ng gobyerno at relihiyon
5. Malikhain at dapat maging maguni-gunning paglalahad
6. Nag iiwan ng kakintalan
Anyo ng nobela
Tauhan
◦ Sila ang nagbibigay buhay upang ang mga nobela ay maging makatotohanan at malagay sa imahinasyon ng mga manonood o
mambabasa ang kwento at tumatak ito sa kanilang puso
Tagpuan
◦ Ito ay tumutukoy sa lugar, panahon at oras ng mga pinangyarihan
Banghay
◦ Ito ay tumutukoy sa maayos at malinaw na pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa kwento
Pananaw
◦ Panauhang ginagamit ng may-akda

A. Una- kapag kasali ang may akda


B. Pangalawa- ang may akda ang nakikipag usap
C. Pangatlo- batay sa nakikita o obserbasyon ng may akda
Tema
◦ Paksang-diwang binibigyang diin sa nobela
Damdamin
◦ Nagbibigay kulay sa mga pangyayari
Pamamaraan
◦ Estilo ng manunulot o awtor
Simbolismo
◦ Nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at pangyayari

You might also like