Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

ARALIN :3

PAKSA:PANUKALANG
PROYEKTO
MLAURELLANA/FPL/AKADEMIK
ANO NAIISIP NINYO
KAPAG NABABASA
ANG SALITANG
PANUKALA? At
PROYEKTO?
PANUKALANG PROYEKTO
ay uri ng dokumento na kadalasang ginagamit para
maipaliwanag at kumbinsihin ang namumuhunan
o sponsor. Ang mga pakay ng proyekto na ito ay
kadalasang solusyon para sa mga iba’t-ibang
oportunidad o problema ng ating bayan. Mahalaga
ang mainam na pagsulat ng panukalang proyekto
dahil dito binabase ang ideya na minsan ay
umaabot sa milyun-milyong salapi.
Mga Bahagi ng Panukalang Proyekto
(PANIMULA, KATAWAN, at KONKLUSYON)
•Sa unang bahagi, ilalahad ang rasyonal o ang mga
suliranin, layunin, o motibasyon.
•Sa katawan,ilalagay ang detalye ng mga kailangang
gawain at ang iminumungkahing badget para sa mga
ito.
•Kongklusyon, ilalahad ang mga benepisyong maaaring
idulot ng proyekto.
Espisipikong laman ng
Panukalang Proyekto
1.PROPONENT NG PROYEKTO
-Tumutukoy ito sa tao o
organisasyong nagmumungkahi ng
proyekto. Isinusulat dito ang
address, e-mail, cell phone o
telepono, at lagda ng tao o
organinsasyon.
2.PAMAGAT(PROJECT TITLE)
-Tiyaking malinaw ang pamagat.
Hal.
“Panukala para saTULAAN 2015
sa Pagdiriwang ng Buwan ng
Wika.
3.KATEGORYA NG PROYEKTO
-Ang proyekto ba ay seminar o
kumperensiya,palihan,
pananaliksik, patimpalak,
konsiyerto o out reach program?
4.PETSA
-Kailan ipadadala ang
proposal at ano ang
inaasahang haba ng panahon
upang maisakatuparan ang
proyekto?
5.RASYONAL NG PROYEKTO
-Ilalahad dito ang mga
pangangailangan sa
pagsasakatuparan ng proyekto at
kung ano ang mga kahalagahan
nito.
6.DESKRIPSYON NG
PROYEKTO
-Isusulat dito ang mga panlahat at
tiyak na layunin o kung ano ang
nais matamo ng panukalang
proyekto.
7.Benepisyong Dulot ng Proyekto
Ano ang pakinabang ng
proyekto sa mga direktang
maaapektuhan nito sa ahensiya o
indibidwal na tumutulong upang
maisagawa ang proyekto.
8.BADYET
Itatala rito ang detalye ng
lahat ng inaasahang gastusin
sa pagkompleto ng proyekto.
Pagsulat ng Panimula ng Panukalang
Proyekto
a.Ang unang mahalagang hakbang na dapat
isagawa ay ang pagtukoy sa
pangangailangan ng komunidad o
organisasyong pag-uukulan ng project
proposal
b.Upang makatulong at makalikha ng
positibong pagbabago.
c.Magiging tiyak, napapanahon, at akma kung
matutumbok ang tunay na pangangailangan ng
pag-uukulan nito.
d. Maisasagaw ang unang bahaging ito sa
pamamagitan ng pagmamasid sa pamayanan o
organisasyon.Maaaring magsimula sa pagsagot
ng mga tanong.
e.Mula sa mga sagot na makukuha sa mga
nakatalang tanong ay makakakalap ka ng
mga ideyang magagamit sa pag-uumpisa ng
pagsulat ng panukalang proyekto.
f.Mula sa mga nabanggit na suliranin ay
itala ang mga kailangan upang malutas ang
suliranin.
MARAMING SALAMAT SA
PAKIKIISA SA ATING
TALAKAYAN

You might also like