Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 29

LIHAM SA MGA

KABABAIHAN
NG MALOLOS
PAGLALARAWAN NI
TEODORO SANDIKO
• Ang dalawampung (20) kababaihang
pinatungkulan ng nasabing liham ay mahinhin
nguni't matatapang, masigasig, at anak ng mga
kilalang angkan sa Malolos.
• Ang kanilang pagsusumikap na magtaguyod
ng isang paaralang pang-gabi upang matuto ng
wikang Kastila ang nagbunsod kay Marcelo
del Pilar upang hingan ng isang liham na
nakasulat sa wikang Tagalog si Dr. Rizal.
• Sa katauhan ni Crisostomo
Ibarra, ang pangunahing tauhan
sa akda ni Rizal na Noli Me
Tangere, ay mababanaag ang
masidhing adhikain na paunlarin
ang kaisipan ng lahing Tagalog,
lalo na ng mga kakabaihan.
TEODORO SANDIKO AT
GRACIANO REYES

• dalawang kilalang guro na nagharap sa Gobernador-


Sibil ng Bulakan ng kahilingang magtatag ng paaralan
para sa mga taga-Malolos
• Ang kahilingang ito ay tinanggihan sa dahilang ito raw
ay magiging isang panganib sa karangalan ng Espanya.
• tinutulan din ang nasabing kahilingan ng kura paroko.
• Ang Wikang kastila ay nais
palaganapin ng Hari ng Espanya sa
Pilipinias, ngunit mahigpit itong
hinahadlangan ng mg Prayle, dahil
ayon sa kanila, ito ay magsisilbing
sandata para sa mga Indio-kamulatan
na wala sila. Ang kamulatang ito ang
magiging kasangkapan ng mga Pilipino
sa pag-unawa sa mga usapin ng
Karapatan at katiwalian.
• Heneral Emilio Terrrero-pinalitan ni Gob. Hen. Weyler
• Heneral Veleriano Weyler-ang bagong gobernador-heneral na
agad na naglabas ng utos sa pagpapalaganap ng wikang Kastila
sa buong kapuluan noong 1888.
• Kaya naman, nang ilahad ng mga dalaga ng Malolos ang
kanilang mungkahi ay nakuha nila ang pagsang-ayon nito sa
pasubaling gaganapin ang klase sa araw sa halip na sa gabi at si
Bb. Guadalupe Reyes na ang magiging guro.
PANGALAN NG 20 KABABAIHANG
SINULATAN NI RIZAL

1) Elisea T. Reyes 11) Anastacia M. Tiongson


2) Juana T. Reyes 12) Basilia R. Tiongson
3) Leoncia S. Reyes 13) Paz R. Tiongson
4) Olympia S. A. Reyes 14) Aleja R. Tiongson
5) Rufina T. Reyes 15) Mercedes R. Tiongson
6) Eugenia M. Tanchangco 16) Agapita R. Tiongson
7) Aurea M. Tanchangco 17) Filomena O. Tiongson
18) Cecilia O. Tiongson
8) Basilia V. Tantoco
19) Feliciana O. Tiongson
9) Teresa T. Tantoco
20) Alberta S. Uitangcoy
10)  Maria T. Tantoco
ALBERTA
UITANGCOY
• Juana Reyes
• Elisea Reyes
• Leoncia Reyes
• Olympia Reyes
• Eugenia Tanchangco
• Aurea Tanchangco
FELICIANA FILOMENA
TIONGSON TIONGSON
• Anastacia Tionson
• Agapita Tiongson
Mercedes Tiongson Maria Tantoco
Nagmula ang dalawampung kababaihan ng Malolos sa apat na
malalaking angkan ng mestizo-sangley* noon sa kanilang bayan:
ang  Tiongson, ang Reyes, ang Tantoco, at ang Santos.

Ayon sa mga tala, ang grupong ito ay binubuo ng anim na


magkakapatid at apat na indibidwal,(Tiongson,145) na kung
hindi man magkakamag-anak ay malapit sa isa't isa.

Ang kanilang mga tahanan, na karaniwang may temang bahay-


na-bato,  ay magkakalapit at matatagpuan sa loob ng pariancillo
(small parian).
• Bagamat mariwasa ang kanilang
pamumuhay at mayroong mga
katulong sa bahay, sila ay naging
maalam sa mga gawaing
pantahanan tulad ng paglilinis at
pagluluto. Nahilig rin sila sa mga
luho tulad ng mga alahas at mga
telang inaangkat pa sa ibang bansa.
Ang ilan sa kanila ay nagkaroon ng
mga negosyo sa Bulakan.
Halimbawa na dito ang mga
carromata at carretones na
pinapaupahan ni Basilia Tantoco.
• Ang usapin ng pulitika noong mga
panahong iyon ay hindi iba sa kanila
sapagka't sila'y kamag-anak ng mga kasapi
sa mga kilusang laban sa pang-aabuso ng
mga prayle. Malaon pa, ang Malolos ay
naging sentro ng kilusang reformista.
Karaniwan ang kanilang pagsasalu-salo sa
mga tahanan, halimbawa na ang kay Tomas
Tanchangco, upang itago ang nagaganap na
pagpupulong ng mga reformista sa likod
nito.
• Ayon din kay Tiongson,
ang karamihan sa mga
taga-Malolos ay hindi
nabigyan ng pormal na
edukasyon sanhi ng
kakulangan ng mga
paaralan noon at iilan
lamang sa mga
kababaihang nabanggit
ang nakapag-aral sa
kolehiyo.
• Bago pa man isinulat ni Rizal ang kanyang mapangaral na liham sa
kadalagahan ng Malolos ay buo sa kanyang isip ang imahe ng dalagang
Tagalog--isang  babaeng bulag sa pagsunod sa relihiyon ng mga prayle. S
kanyang liham, tinuran niya ang tumpak at dalisay na pagsamba at inilah
rin niya ang kaibahan ng kinagisnang pagsamba sa tunay na aral ni Krist
Pinuri niya ang mga kababaihan ng Esparta at
isinabing sila ang dahilan ng pagiging malakas ng
kanilang bayan. Gayundin ay pinuri niya ang mga
babaing Tagalog sapagkat ngayon, sila ay mulat na
at may kakayahang maging malulusog na puno ng
karunungan at mababangong bulaklak na puno ng
bango ng pagmamahal sa bayan.

Hiniling niya na sila ay maging mapanuri sa


paniniwalaan, lalo na sa relihiyon sapagkat
nararapat lamang na kanilang gamitin at
paningningin ang hiyas ng isip na mula sa
Diyos.         
Ang babae ang nagtatakda ng kapalaran
ng kanyang lahi. Kung ano ang
kalagayan ng kanyang bayan ay
sumasalamin sa kanyang pagpapalaki
sa kanyang anak.
Kaya nga, ayon kay Rizal, ang
kababaihan ng Pilipinas ay binulag,
iginapos, at iniyuko ng mang-aalipin
upang patuloy ang pagka-alipin ng
kanyang bayan.
Tunay ngang ang punong bulag sa
pagsunod sa utos ng nagdidiyos-
diyosan ay walang ibang bunga kundi
alipin at ulol.
• Ito ang dahilan kaya't hiniling din
ni Rizal
• sa mga dalaga na kanilang piliin ng
mahusay ang lalaking pagsusukuan
ng pag-ibig, at;
• kung maging ina ay palakihin sa
matuwid ang magiging anak, at
linangin sila upang maging
kalarawan ng tunay na Diyos.
• Sa isang bahagi ng kanyang liham,
nabanggit na ang tao ay ipinanganak,
hindi para sa sarili, kundi para sa
kanyang bayan.
• Kung ang ganitong paniniwala ay
mamayani sa kaisipan ng lahat, hindi 
malayong maghari ang katwiran.
• Sa huli, ipinaabot ni Dr. Rizal sa
kababaihan ng Malolos ang kanyang nasa
na matupad ang kanilang mga layunin.
Makikita na matibay ang kanyang
paniniwala sa Diyos subalit lubos
Kung susuriin, ang liham na ito ni niyang tinututulan ang mga kagawian
Rizal ay nagpapakita ng kanyang at pang-aabuso ng relihiyong umiiral
malalim na pananaw sa tunay na sa kanyang bayan, lalo na ang
relihiyon, sa pag-ibig sa bayan at sa paglilimbag ng mga maling pahayag
kanyang kapwa. ukol sa kababihang mananampalataya
pagbalik ng mga Kastila at prayle sa
Espanya.
Matapang ang kanyang pag-amin na nagbago ang kanyang
pananaw sa babaing Tagalog,  sapagkat ito ay hindi na payuko
at luhod tulad ng dati, bagkus ay matapang na at handang
tumugon sa uhaw na sigaw ng bayan.

Labis ang kanyang tuwa na tila ba nakabanaag siya ng liwanag


tungo sa ikagagaling ng bayan.

Mula din sa liham na ito ay masasalamin ang kanyang lubos na


paniniwala sa bisa ng tamang edukasyon sa pagpapalaganap ng
pagkakapantay-pantay at ng tiwala sa sariling kakayahan. Ang
mga bagay na ito, kapag nakamit, ay magiging unang hakbang 
upang makabangon ang bayan sa kanyang pagkaka-alipin.
KABABAIHAN NG MALOLOS
MGA SANGGUNIAN:

• Orosa, Severina, Luna. Rizal and the Filipino


Woman. Manila, 1961.
• Tionsgon, Nicanor G. The Women of Malolos.
Lungsod Quezon: Ateneo de Manila University
Press, 2004.
• Valerino, Antonio B. Ang Liham ni Dr. Rizal sa
mga dalagang taga-Malolos at ang kasaysayan
sa likod nito. Malolos, Bulacan : Reyvil Bulakena
Pub., 1982

You might also like