Professional Documents
Culture Documents
Mga Teorya Dulog Sa Panitikan
Mga Teorya Dulog Sa Panitikan
gl/TUviC9AEBautV5DC6
Teoryang Humanismo
a) Binibigyan-pansin ang magagandang saloobin ng taong nakapaloob sa
isang akdangpampanitikan. Binibigyan din ng pansin ang magagandang
damdaming taglay ng isangtao. Itinataas din ang karangalan ng tao
bilang sentro ng akda. Ipinakikita angmagagandang saloobin ng tao na
nakapaloob sa mga tiyak na pahayag sa akda. Maariring idagdag ang
magagandang damdaming taglay ng tauhan. Ito'y namayagpag
saMakabagong Panahon.
b) Ang pananaw na ito ay nagbibigay-halaga sa tao dahil ang tao ang
sentro ng daigdig,ang sukatan ng bagay at panginoon ng kanyang
kapalaran.
c) Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo; ay
binibigyang-tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya
ng talino, talento atbp.
d) Ang tao at ang kanyang saloobin at damdamin ang pangunahing paksa
rito.
e. ) ang kalayaan ng isipan, ang mga natatanging talino –
kakayahan atkalikasan ng tao.
f. ) Para sa humanista, ang literatura ay kailangang:
Isulat nang mahusay sa isang lenggwaheng angkop
lamang sa genre nito
May magkakaugnay na balangkas at may kagandahan ng
anyo
Nakawiwili at nagbibigay
kasiyahan sa mambabasa
Nagpapahalaga sa katotohanan ng tula (poetic truth)
May pagkamatimpi at hindi dapat lumabag sa batas ng
kalikasan (pisikal, moral,sikolohikal)
Teoryang Formalistiko
a) Pinagtutuunan ng pansin sa teoryang ito ay ang mga istruktura o
pagkabuo nito. Isa samga tinitignan ay ang kabisaan ng pagkakagamit ng
matatalinghagang pahayag.Kabilang din dito ang Sukat sa tula na
nagpapakita ng bilang ng pantig sa bawattaludtod.Maaring itong
lalabindalawahin, lalabing-anim at iba pa.
b) Ang Tugmaan naman ay ang pagkakahawig ng mga tunog ng mga huling
salita sa bawattaludtod. Kariktan naman kapag gumagamit ng maririkit na
salita upang mapukaw angdamdamin at kawilihan ng mambabasa.
c) Ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang nais niyang
ipaabot gamit angkanyang tuwirang panitikan. Samakatuwid, kung ano
ang sinasabi ng may- akda sakanyang panitikan ang siyang nais niyang
ipaabot sa mambabasa – walang labis atwalang kulang. Walang
simbolismo at hindi humihingi ng higit na malalimang pagsusuri’t pang-
unawa.
d) Dahil may adhikaing gawing obhektibo ang pagsusuri, wala rin lugar
ang opinyon atinterpretasyon ng mambabasa.Itoy namayani sa Panahon
ng Amerikano at Kasalukuyan.
e) Ang tungkulin ng teoryang ito ay matukoy ang nilalaman, kaanyuan o
kayarian at paraanng pagkakasulat ng akda.
f) Para sa formalista, ang literatura ay kailangang: