Si Rizal at Ang Kanyang Mag-Anak

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 25

SI RIZAL AT ANG

KANYANG MAG-
ANAK
ANGKAN NG AMA
DON DOMINGO LAM-CO INES DELA ROSA
Tsino Kilalang “SANGLEY” (meztisa)
ng Luzon
Isang makapangyarihang
mangangalakal Galing sa pamilya ng
nagnenegosyo
FRANCISCO MERCADO CIRILA BERNACHA
Anak nila Don Lam-co at Dela rosa Isang pilipinong meztisa
na naging gobernador cillio
JUAN MERCADO CERILA ALEJANDRO

Juan Monica Mercado Isang Tsinong Meztisa


Kilala rin bilang kapitan Juan ng
Binan, Laguna
Naging Hermana Mayor din siya
FRANCISCO MERCADO (Francisco Engracio Rizal 
Mercado y Alejandra II)
Si Francisco Mercado, ama ni Jose Rizal,
ay ipinanganak noong ika-11 ng Mayo 1818 
sa Biñan, Laguna. Siya ang pinakabata sa
labintatlong
anak nina Cirila Alejandro at Juan Mercado. 
Nag-aral siya ng Latin at pilosopiya sa 
Colegio de San Jose sa Manila at dito niya nakilala
ang kanyang asawa, si Teodora Alonso Realonda 
na doon din nag-aral. Binuhay niya ang pamilya
nila sa pamamagitan ng pagtanim ng mga
bugas, tubo, at iba pang mga pananim. 
Itinuring nga siyang modelo na tatay ni Jose Rizal.
Namatay si Francisco Mercado noong 
Enero 5, 1898. 
ANGKAN NG INA
EUGENIO URSUA BENIGNA
Isang hapon
MANUEL DE QUINTOS AGUSTIN ALONZO
Nagturo kay rizal ng importansya Pinagsamang espanol ng tsino at
ng mga aktibidades sa labas tagalog
Tubong pangasinan
Naka-impluwensya kay rizal para
lumabas ng bahay
LORENZO ALFONSO BRIGADA QUINTOS
TEODORA ALONSO (Teodora Morales Alonzo
Realonda de Rizal ySi Quintos):
Teodora Alonso ay ang ina ni Jose Rizal na ipinanganak
noong ika-9 ng Nobyembre 1827 sa Meisik, Tondo, Manila.
Siya ang ikalawang anak nina Lorenzo Alonso at Brijida de
Quintos. Galing sa may-kaya na pamilya, nag-aral siya sa
Colegio de Santa Rosa sa Manila at siya ay naging
edukado. Dalawampung taong gulang siya nang ikasal sa
tatay ni Jose Rizal na si Francisco Mercado at tumira sila sa
Calamba, Laguna. Si Teodora ay naging isang masipag at
dedikadong ina at nagsilbing unang guro ni Jose Rizal. Sa
Calamba, nakibahagi ang kanyang pamilya sa agrikultura.
Bilang nanay ng kalaban ng Espanyol, nakulong siya sa
loob ng dalawa't kalahating taon dahil pinagbintangan
siyang nilason niya ang asawa ng kanyang kapatid at iba
pang mga pagpapahirap. Dahil sa malabong mga mata ni
Teodora, napag-isipan ni Jose Rizal na mag-aral ng
medisina. Namatay si Teodora Aquino noong ika-16 ng
Agosoto 1911 sa Calle San Fernando, Binondo, Maynila
dahil sa kaniyang kahinaan.
SATURNINA RIZAL
Si Saturnina ang panganay sa kanilang magkakapatid. 
Siya ay ipinanganak noong 1850 at may palayaw na
Neneng. 
Tinulungan niya kasama ang kanyang ina  makaaral si
Rizal at siya ang tumayong pangalawang ina ni Rizal
noong nakulong ang kanilang ina na 
si Teodora. Napangasawa niya si Manuel Timoteo Hidalgo
ng Batangas. 
Sila ay may limang anak na si Alfredo, Adela, Abelardo,
Amelia at Augusto.
PACIANO RIZAL (Paciano Rizal Mercado y
Alonso Realonda):Ipinanganak siya noong Marso 9, 1851 sa Calamba,
Si Paciano ay ang nakatatandang kapatid ni Jose Rizal.

Laguna. Siya ang pangalawa sa labing-isang magkakapatid.


Inalagaan niya si Jose Rizal at tinulungan niya siyang
makarating sa Europa. Habang nasa Europa si Jose,
pinadalhan niya ng pensiyon at sinulatan niya para
mabalitaan si Jose tungkol sa mga nangyayari sa Pilipinas
at sa kanilang pamilya. Nag-aral si Paciano sa Colegio de
San Jose sa Maynila. Naging guro at kaibigan niya si Fr.
Jose Burgos. Sumali at sinuportahan ni Paciano ang
Propaganda Movement for social refroms at ang diyaryo ng
kilusan, Diariong Tagalog. Sinuportahan din niya ang
Katipunan sa pagkuha ng mga miyembro galing sa Laguna.
Pagkamatay ni Jose Rizal, naging heneral si Paciano ng
Revolutionary Army at naging military commander din ng
revolutionary forces sa Laguna noong Philippine-American
War. Dahil dito, hinuli siya ng mga Amerikano. 
Namatay si Paciano ng siya'y 79 dahil sa tuberculosis.
Narcisa Rizal: Ang Pinakamatulunging
Kapatid na  Si Narcisa Rizal ay ipinanganak noong taong 1852 at may
Babae ng Bayani palayaw na “Sisa”. Siya ang ikatlong anak sa pamilya
Rizal. Tulad ni Saturnina, tumulong si Sisa sa pag-aaral ni
Rizal 
sa Europa, isinangla niya ang kanyang mga alahas at 
ibinenta niya ang kanyang mga damit para lang matustusan
and pag-aaral ni Jose Rizal. Lahat halos ng mga tula at 
isinulat ni Jose Rizal ay kanyang naisaulo. Si Sisa ang
pinakamatulungin sa kanilang pamilya. Nang ang kanilang
mga magulang na sina Don Francisco at Doña Teodora ay
itinaboy sa kanilang tahanan, si Sisa ang kumupkop sa
kanila. Kahit na ang kasintahan ni Jose Rizal na si
Josephine Bracken ay pinatira niya sa kanyang tahanan
sapagkat pinaghinalaan siya ng pamilya Rizal na isang
espiya ng mga paring 
Espanyol. Kaya’t noong taong 1896, habang siya ay
nakapiit sa barkong “Castilla” na nakadaong sa Cavite ay
nagpadala ng liham ng pasasalamat si Jose Rizal sa kapatid
na si Sisa sa pagpapatuloy kay Bracken sa kanyang
Si Sisa rin ang matiyagang naghanap ng lugar kung saan si Jose Rizal ay inilibing na walang kahon at walang
pangalan para pagkakilanlan kaya nagbigay siya ng aginaldo sa namamahala sa mga libingan para lagyan ng
markang “RPJ” na siyang titik ng mga pangalan ni Jose Rizal. Pagkaraan ng maraming taon ay hinukay ni Sisa at
mga kaanak ang mga labi ni Jose Rizal.

Si Sisa ay ikinasal kay Antonino Lopez, isang guro at musikero mula sa Morong, Rizal. Dahil sa pinatira nila ang
mga magulang ni Sisa at Jose sa kanilang tahanan, sila ang pinuntirya ng mga Espanyol. Tinakot siya na ibabalik
sa pinanggalingan at sinira ang kanilang tahanan bukod pa sa kinuha ng sapilitan ang kanilang mga ari-arian.

Si Narcisa at Antonino ay nabiyayaan ng walong anak. Ang anak nilang si Antonio na ipinanganak noong 1878, na
namatay noong 1928 ay pinakasalang ang kanyang pinsang buo na si Emiliana Rizal, na anak ng kapatid ni Sisa na
si Paciano kay Severina Decena. Ang anak na babae ni Sisa na si Angelica na dumalay kay Jose Rizal sa Dapitan
ay sumapi sa Katipunan pagkatapos na patayin ang kanyang amain na si Jose Rizal.

Sa isang panayam ni Ambeth Ocampo sa mga guro ni Sisa ay ipinagtapat nila na ang kanilang lolo Antonio ay anak
ng prayleng si Leoncio Lopez, and kura paroko ng Calamba, kung saan ay siya pinagbasihan ni Jose Rizal ng
katauhan ni Padre Florentino sa El Filibusterismo. Napag-alaman din na pagkatapos ng kasal nina Narcisa at
Antonino ay tumira sila sa simbahan ni Padre Lopez at minana ni Antonino ang lahat ng aklat at pag-aari ng
namatay na pari.

Si Narcisa Rizal ay sumakabilang-buhay noong 1939.


OLYMPIA RIZAL
Si Olympia ay ang ikaapat na anak sa pamilya Rizal. Siya
ay ipinanganak noong taong 1855. Napangasawa niya si
Silvestre Ubaldo na isang Telegraph Operator sa Manila at
sila ay biniyayaan ng tatlong anak ngunit ito rin ang
dahilan ng kanyang kamatayan noong taong 1887.
Lucia Rizal: Kahati sa mga
Paghihirap ng Bayani
Si Lucia Rizal ay ipinanganak noong 1857 at panglima sa
pamilya Rizal. Siya ay kasal kay Mariano Herbosa ng
Calamba, Laguna. Siya ay pinagbintangan na nagsulsol sa
kanyang mga kababayan na huwag magbayad ng upa sa
kanilang mga lupa na nagdulot ng kaguluhan at silang mag-
asawa ay minsan nang nagatulan na itapon sa ibang bansa
kasama ang ibang miyembro ng pamilya Rizal.

            Si Mariano ay namatay sa sakit na cholera noong


Mayo, 1889. Hindi siya binigyan ng isang burol Katoliko
sa dahilang hindi siya nangumpisal mula nang ikasal kay
Lucia. Sa artikulo na isinulat ni Jose Rizal na “La
Solidaridad Una Profanacion” ay binatikos niya ang mga
pari na tumangging ilibing sa maayos na libingan ang isang
mabuting Kristiyano dahil lamang sa siya ay bayaw ni Jose
Rizal.
 Noong Disyembre 1891, ang balong si Lucia ay isa sa mga dumalo sa pulong ng
pamilya sa Hong Kong na isang reuniyon. Sinamahan niya si Jose Rizal pabalik ng
Maynila ng Hunyo ng sumunod na taon. Mula ika-6 hanggang ika-15 ng Hulyo
1892, si Jose Rizal ay ikinulong sa Fort Santiago at ipinatapon sa Dapitan
pagkatapos sa tahi-tahing kasinungalingan na may mga babasahin laban sa mga
pari na nakuha sa mga bagahe ni Lucia noong nagbiyahe siya sakay ng barkong
Don Juan.

            Ang mga anak nila Lucia at Mariano ay sina Delfina, Concepcion,
Patrocinio, Estanislao, Paz, Victoria, at Jose. Si Delfina na ipinanganak noong
1979 at namatay noong 1900 ay naging sikat bilang isa sa tatlong babae na
kinabibilangan nina Marcela Agoncillo at anak na si Lorenza na tumahi ng ating
watawat. Si Delfina ang unang asawa ni Heneral Salvador Natividad ng
Rebolusyon ng Pilipinas. Sina Teodosio (Osio) at Estanislao Tan ay naging mga
estudyante ng kanilang amain na si Jose Rizal sa eskuwelahan na kanyang
itinatag sa Dapitan.
Maria Rizal Siya ay ipinanganak noong 1859 at ang pang-anim at
nakatatandang kapatid ni Jose Rizal. Ang asawa niya ay si
Daniel Faustino Cruz na galing sa Binan, Laguna. Sinabi na
si Maria daw ang kinausap ni Jose noong panahon na gusto
ni Jose na pakalasan si Josephine Bracken. Namatay siya
noong 1945.
Jose Protacio Rizal Mercado Y
Alonso Realonda : PEPE
Araw ng Kapanganakan: Hunyo 19, 1861 (Calamba, Laguna)  
~ Marso 23, 1876: Nakapagtapos siya ng Batsilyer sa Agham sa Ateneo Municipal at nakatanggap ng
mataas na karangalan.  
~ 1877: Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas at Unibersidad Central
de Madrid  
~ 1885: Natapos ng sabay ang medisina at pilosopia  
- Natuto rin siyang magbasa at magsulat ng iba't ibang wika kabilang na ang Latin.  
- Siya ay nagpakadalubhasa sa Heidelberg (Paris).  
- Ang "Noli Me Tangere" at "El Filibusterismo" ay naglalahad ng mga pang-aabuso ng mga prayle sa mga
Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan ng Kastila.  
~ Hunyo 18, 1992: umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P. Rizal  
- Nagtatag siya ng samahan, tinawag ito na "La Liga Filipina."  
~ Hulyo 6, 1892: Nakulong siya sa Fort Santiago  
~ Hulyo 14, 1892: Ipinatapon siya sa Dapitan. (Apat na taon)  
~ Setyembre 3, 1896: Inaresto siya, habang papunta siya sa Cuba upang magsilbi bilang siruhano.  
~ Nobyembre 3, 1896: Ibinalik sa Pilipinas at sa pangalawang pagkakataon, nakulong siya sa Fort
Bonifacio.  
~ Disyembre 26, 1896: Nahatulan ng kamatayan sa dahilang napagbintangan siya na nagpasimula ng
rebelyon laban sa mga Kastila.  
- Bago dumating ang kanyang katapusan naisulat niya ang "Mi Ultimo Adios" (Ang Huling Paalam).  
Concepcion Rizal: Ang Unang
Pagdadalamhati ng Bayani
Siya ang binansagang “Concha” ng kanyang mga kapatid at kaanak, si
Concepcion Rizal ay ipinanganak noong 1862 at namatay sa edad
lamang na tatlong taon, noong 1865. Siya ang pangwalo sa sampung
magkakapatid.

            Sinasabing sa lahat ng kapatid na babae, si Concha ang


pinakapaborito ni Jose o “Pepe” Rizal na mas bata nang isang taon sa
kanya. Magkalaro sila at lagging kinukuwentuhan ni Jose Rizal ang
nakababatang kapatid at sa kanya naramdaman ni Jose Rizal ang
kagandahan ng pagmamahal ng isang kapatid na babae.

            Nang namatay si Concha sa isang sakit, umiyak nang umiyak si


Jose Rizal at isinulat niya na noong siya ay apat na taong gulang ay
nawalan siya ng kapatid na babae at sa kauna-unahang pagkakataon ay
naiyak siya sa panghihinayang sa pagkawala ng kapatid na kayang
minamahal.

            Napakarami rin ang namatay nang bata pa noong mga


panahong iyon. Mahigit na sampung mga pamangkin na babae at lalaki
ni Jose Rizal ang binawian ng mga buhay sa murang edad.
JOSEFA RIZAL
Si Josefa Rizal ay ang ika-9 na anak sa pamilya at siya
ipinanganak noong taong 1865. Si Josefa ay kilala rin
bilang si “Panggoy”. Noong si Rizal ay nasa Europa, siya
ay nagsusulat ng mga mensahe. Siya ay nagsulat para kay
Josefa na ang laman ay pagpupuri niya sa kanyang kapatid
dahil sa kanyang kaalaman sa Ingles. Si Rizal ay nagsulat
din ng mensahe tungkol sa bente pesos ngunit ang 10 doon
ay para dapat sa lotto.

Siya ay nagkaroon ng sakit na epilepsy ngunit sa kabila ng


kanyang sakit, nagawa niya pa ring sumali sa Katipunan at
maging isang Katipunera. Si Josefa ay nahalal bilang
pangulo ng mga babae sa Katipunan. Isa siya sa mga
orihinal na miyembro ng Katipunan kasama sila Gregoria
de Jesus.

Siya ay namatay nang walang asawa o anak sa taong 1945.


Trinidad Rizal: Ang Katiwala ng
Pinakasikat na Tula ng Bayani            
 Si Trinidad Rizal ay ika-10 sa magkakapatid na Rizal. Siya
ay ipinanganak noong 1868 at namatay noong 1951. Ang
palayaw niya ay Trining at siyang tagapagtago at
tagapamahala na pinakahuli at pinakatanyag na tula ni Jose
Rizal.

            Noong Marso 1886 ay sumulat si Jose Rizal kay


Trining at isinasalaysay niya na ang mga babae sa
Alemanya ay masisipag mag-aral. Pinayuhan niya si
Trining na habang bata pa ito ay dapat magbasa nang
magbasa ng buong puso. Pinangaralan niya ito na huwag
hayaang ang katamaran ang mamayani dahil napuna ni Jose
Rizal na wala sa loob nito ang pag-aaral. Sinabi niya na
kaunting tiyaga lamang at siya ay magtatagumpay.
Makaraan ang apat na taon ay nagulat na lamang si Jose
Rizal nang makatanggap siya ng liham mula kay Trining.
Ipinaalam nito na nakapagtapos ito ng Kolehiyo, dalawang
taon at isa’t-kalahating buwan na ang nakakaraan.
noong Agosto 1893, si Trinidad kasama ng kanyang ina ay namuhay kasama si Jose Rizal sa “casa cuadrada” o
“square house” (bahay kuwadrado). Naitala na minsan ay pinag-isipan o pinagplanuhan ni Trining na patakasin si Jose
Rizal sa pagkakakulong. Noong Enero 1896 ay inanyayahan ni Jose Rizal si Trining na bumalik sa Dapitan. Ang
suliranin ni Jose Rizal ay kung sino ang mapapangasawa ni Trinidad sa Dapitan, dahil ang pook na iyon ay halos
parang walang tao at walang kabuhay-buhay. Minsan ay sumulat si Trining kay Jose Rizal na nabasa nito ang sulat sa
kapatid nilang si Paciano, na kinukumusta si Trining kung nakakasundo nito si Senyora Panggoy kung saan siya ay
namamasukan. Sinabi ni Trining na salamat sa Diyos sila’y magkakasundo at nabubuhay nang tahimik.

            Si Trinidad at ang kapatid na Josefa ay namuhay nang magkasama hanggang sila’y namayapa at parehong
hindi nag-asawa.

            Bago namatay si Jose Rizal ay dinalaw siya ni Trining at ng kanilang ina sa kanyang piitan sa Fort Santiago.
Nang sila’y paalis na ay inabot ni Jose Rizal ang isang lampana, isang regalo mula sa mga Pardo de Tavera at
ibinulong sa kanya sa wikang hindi naunawaan ng mga kawal na nakabantay sa kanya na ang lutuan ay mayroong
bagay na nakatago doon at iyon ay ang kanyang huling tulang isinulat. 

            Tulad ni Josefa at dalawang pamangkin, sumapi sa Katipunan si Trinidad matapos ang kamatayan ni Jose
Rizal.

            Noong taong 1883, si Trinidad ay naratay sa banig ng karamdaman, limang buwan mula Abril hanggan Agosto.
Pabalik-balik ang kanyang lagnat at dinapuan pala siya ng sakit na malaria. Siya ang pinakahuling namatay sa pamilya
Rizal.
SOLEDAD RIZAL
Si Soledad Rizal ay ang bunso sa pamilya Rizal at
ipinanganak sa taong 1870. Siya ay kilala rin bilang
Choleng. Si Rizal ay saludo sa kanya dahil siya ay isang
guro at siya ang pinakaedukado sa kanilang magkakapatid.
Siya ay sinabihan ni Rizal na dapat siya ay isang maging
magandang huwaran para sa mga tao, ito ay nakasulat sa
mensahe noong 1890.

Si Choleng din ang pinakakontrobersyal na anak sa


kanilang pamilya. Ang kanyang napangasawa ay si
Pantaleon Quintero na taga-Calamba Laguna rin ngunit
sila’y nagpakasal nang walang permiso sa kanyang mga
magulang. Di sang-ayon si Rizal dito kaya’t ginamit niya
ang paksang ito at nagsulat at sinabi niya sa mensahe niya
na isang kakahiyan sa pamilya Rizal ang pagpapakasal ng
kapitid kay Pantaleon.
isang dahilan din kung bakit siya ay tinawag na kontrobersyal dahil
sa kumakalat na balita na hindi raw totoong anak ni Teodora at
Francisco si Choleng kung ‘di kela Saturnina at Jose Alberto na
kapatid ni Teodora.

            Si Choleng at Pantaleon ay nagkaroon ng limang anak na


sina Trinitario, Amelia, Luisa, Serafin at Felix. Ang kanyang anak na
si Amelia ay napangasawa si Bernabe Malvar na anak ni Gen.
Miguel Malvar.

You might also like