Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

FILIPINO SA SIYENSA,

TEKNOLOHIYA,
INHENYERIYA,
MATEMATIKA, AT IBA
PANG KAUGNAY NA
LARANGAN
(Pokus nito ang pagbasa ng piling tekstong Filipino sa
Siyensya, Teknolohiya, Inhenyeriya, Matematika at iba
pang kaugnay na larangan, bilang lunsaran ng
paglinang sa kasanayan sa pagsulat ng pananaliksik
sa Filipino sa iba’t ibang larangan. Ang lahat ng
estudyante – kahit ang mga HUSOCOM ang kurso –
ay kailangang masanay na makipagdiskurso sa
Filipino sa Siyensya, Teknolohiya, Inhenyeriya,
Matematika at iba pang kaugnay na larangan,
alinsunod na rin sa layunin ng kompleto o holistikong
General Education/GE.)
FILIPINO SA SIYENSA
MARCIAL O. VILLAMIL JR.
PANIMULA
◦ Sa Siyensya tayo namulat sa mga kaparaanan ng pisikal at
buhay na mundo. Ito ang nagturo sa atin kung paano
pahalagahan ang mga bagay-bagay na bumabalot sa ating
kapaligiran. Ito rin ang ating gamit upang maghanap ng
mga solusyon sa mga problemang hinaharap ng ating
bayan sa mithiin na umunlad ang estado ng buhay ng
bawat mamamayan.
Hindi lingid sa ating kaalaman na ang
asignaturang Agham ay mahirap unawain
sapagkat ito ay komplikado. Ang asignaturang
ito ay gumagamit ng mga terminolohiya na
kung hindi bibigyan ng maayos na
pagpapaliwanag, ay hindi maiintindihan.
Bakit komplikado
ang Wikang Filipino
sa Siyensya?
Ayon sa isang artikulo ni Jefferson O. Evalarosa,
aminado ang dekano na si Fortunato Sevilla III ng
UST College of Science na sa ngayon, nahihirapan
ang mga siyentipikong talakayin sa Filipino ang mga
paksang pang-agham dahil sa limitadong
bokabularyo ng Filipino sa mga konseptong teknikal.
Aniya, hindi sapat ang wikang Filipino sa mga
katawagang pang-agham dahil sa walang
pangangailangan para sa mga salitang teknikal noon.
Gayunpaman, naninindigan siyang kung palalawakin
ang pagtanaw sa wikang Filipino, isang kumpletong
diksyunaryong pang-agham na lamang ang
kakailanganin.
“Maaaring totoo na may kakulangan
nga ang Wikang Filipino sa mga salita,
ngunit hindi nabigyang pansin ang
maaaring kahinatnan kung Ingles ang
gagamitin”.
Kahalagahan ng Wikang Filipino sa
Siyensya
Ayon kay Jose T. Saragosa, mahalaga ang paggamit ng
Wikang Filipino sa pagtuturo sapagkat malaki ang
maitutulong nito sa intelektwalisasyon ng mga Pilipino. Sa
isang payak na pagsusuri, masasabi nating ang paggamit ng
Wikang Filipino sa pagtuturo ng anumang uri ng kaalaman
ay nakapagpapabilis sa proseso ng edukasyon o pagkatuto.
Kung wikang dayuhan ang gagamitin sa
pagtuturo, may tatlong prosesong nagaganap sa
ating isipan:

◦Persepsyon (Kaalaman)
◦Pagsasalin
◦Pag-unawa
Mula rito, masasabi na kung Wikang Ingles ang
gagamitin, ang mga estudyante ay
kinakailangang pagbasihan ang kanilang
kaalaman upang maisalin ang mga
impormasyon upang ito ay kanilang
maunawaan.
Sa kabilang banda, kung Wikang Filipino
ang gagamitin, tuwiran ang pagtanggap ng
impormasyon at hindi na kailangan pa ng
mahabang proseso ng pagsasalin.

You might also like