Pagsulat NG Balita

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

Pamamaraan ng Pagbuo ng

Balita
https://www.youtube.com/watch?v=bSuwx1lDgzI
Bahagi ng Balita
Ulo ng Balita– dito matatagpuan ang paksa ng
balita.
Pamatnubay – pinakamahalagang bahagi ng
balita na matatagpuan sa unahan. Sumasagot sa
tanong na ano, sino, saan, kailan, bakit at paano.
Katawan ng Balita– naglalaman ng datos na
naglalahad ng patnubay mula sa
pinakamahalagang datos hanggang sa pinakamaliit
na detalye ng impormasyon ng balita.
URI NG PAMATNUBAY
1. ASSaKaBaPa
A - ANO
S - SINO
Sa – SAAN
Ka - KAILAN
Ba - BAKIT
Pa - PAANO
QUOTATION LEAD
NAKALAHAD ANG SIPI O SINASABI NG
TAONG IBINABALITA
 “LAHAT NG SUMUSUPORTA SA AKIN
ADMINISTRASYON AY
INAANYAYAHAN KONG MAGSUOT
NG YELLOW RIBBON SA IKA-28 NG
HULYO,” ito ang panawagan ni pangulong
ninoy aquino sa kabila ng kanyang isyung
kanya kinasangkutan sa dispercement
accelaration program o dap.”
QUESTION LEAD NAKALAHAD NG
ISANG KATANUNGAN ( QUESTION )

Makakamit ba ng pilipinas ang hamon ng


MDG 2015?
ito ang katanungan ng mga kinatawan ng
United Nations ( UN ).
DESCRIPTIVE LEAD
ANG PAMATNUBAY AY TIYAKANG
NAGLALARAWAN

Masikip, marumi at hindi matitirahan.


Iyan ang komento ng marami sa mga
nasalantaan ng bagyong Yolanda
kaugnay sa mga bunk houses na ibinigay
ng gobyerno.
EXCLAMATORY LEAD
ANG PAMATNUBAY AY MAY ISA O HIGIT
PANG SALITA NA NAGLALAHAD NG ISANG
MATINDING DAMDAMIN

Hustisya! Iyan ang panawagan ng mg mamamayang


Pilipino kaugnay sa isyung PDAF scam na
kinasangkutan ni Janet Lim-Napoles
11 sakay ng tricycle, sugatan sa salpukan
Ni Edwin Balasa
Martes, 27 Mayo 2014
Sugatan ang 11 pasahero ng isang traysikel kabilang ang apat na bata at
isang bagong panganak na sanggol matapos na salpukin ito ng
rumaragasang motorsiklo na nawalan ng preno kahapon ng umaga sa
bayan ng Bato, Catanduanes.
Dinala sa Catanduanes Provincial Hospital ang mga sugatang biktima na
kinabibilangan nina Carmen Sarmiento, 26; kapatid na sina Sarah, 24 at Divina,
22; Vilma Calido, 33 at ang bagong panganak na sanggol na si Jian Dominic
Alarte.
Samantala, kasaluku­yang pinaghahanap ng awtoridad ang suspek na si
Eriwin Alaurin, residente ng bayan ng San Miguel, drayber ng traysikel na
sinasakyan ng mga biktima gayundin ang hindi pa kilalang drayber ng
motorsiklong sumalpok sa kanila na agad na nagsitakas matapos ang
pangyayari. 

Pinagkunan:
http://www.abante.com.ph/k2-tags/news/luzon2/item/6161-11-sakay-ng-tricycle-sugatan-sa-salpukan.html
Babae, namatay sa Earthquake Drill
(Vallery Mayames)
Namatay ang isang 19- taong gulang na babae
habang 12 estudyante ang sugatan nang
magkaroon ng Earthquake Drill sa paaralan ng
Saint Louis University kahapon ng umaga
( November 12, 2016). Itinakbo ang babae sa
hospital ngunit siya’y na dead-on-arrival.
Ayon sa mga nakakita, nadulas ang babae sa
hagdanan habang bumababa at natagpuang
nakahandusay matapos ang Earthquake Drill.
Pinay, Patay sa pananaksak ng kanyang asawang dayuhan

Binawian ng buhay ang 30 taong gulang na pinay na si Janice Badr


matapos saksakin sa dibdib ng kaniyang asawang Pranses-Arabo sa
Maisons-Lafitte, may 18- kilometro ang layo sa Paris kahapon ng umaga
Ayon sa mga nakasaksi, Biyernes ng umaga lumabas ng garden at
nagsisisigaw para humingi ng tulong si Janice habang kasunod ang
asawang si Christophe Badr, 34, at sinaksak ang Pilipina sa dibdib.
Matapos ang pananaksak, ay bumalik sa loob ng bahay ang suspek.
Tumawag ng pulisya ang mga kapitbahay pero binawian na ng buhay si
Janice.
Iniimbestigahan pa kung ano ang motibo sa krimen.
Dalawang taon nang kasal si Janice Badr sa asawang Pranses-Arabo.
Napag-alaman na tubong Panabo, Davao ang biktima, naulila ni Janice
Badr ang 18 buwang anak na babae.
Nananawagan ang mga Pilipino sa Paris na magkaisa at ipagdasal na
mabigyan ng katarungan ang sinapit ng kababayan.
Isulat ang 5W’s at 1H sa tsart
sa ibaba tungkol sa napiling
balita sa inyong paaralan, lugar o
rehiyon. Pagkatapos ay sumulat
ng pamatnubay na pangungusap
at pantulong na detalye.
Ano?
Sino?
Kailan?
Saan?
Bakit?
Paano?
Ulo ng Balita
Pamatnubay na Balita
Detalye 1 o Pantulong na Patunay
Detalye 2 o Pantulong na Patunay
Detalye 3 o Pantulong na Patunay

You might also like