Balikan ang awitin na “Twinkle, Twinkle, Little Star “. Hayaang sabayan ng mga bata ng palakpak ang kumpas habang umaawit. Awitin natin ang “Talbog Pataas” at magkunwaring may hawak na bola. Isiping may hawak kang bola. Patalbugin at saluhin ito habang umaawit. Matapos awitin ang “Talbog Pataas” ng dalawang beses, ilagay ang kamay sa likod. Isiping ang boses mo ang bolang tumatalbog. Ano ang iyong napansin? Ipalakpak natin ang mga pattern sa tsart. Note: Ang mahaba at makapal na guhit ay ipinapalakpak ng malakas at ang manipis at maikling linya naman ay ipinapalakpak ng mahina. Pumili ng tamang kilos ng katawan na magpapakita ng MALAKAS NA KUMPAS at MAHINANG KUMPAS Madali nyo bang nakita ang may malakas na kumpas sa pattern na ibinigay? Bakit? Anong mga kilos ang maaaring gamitin upang maipakita ang simple ostinato na may iba’t ibang metro o sukat? Sabihin: Ang ostinato ay ang pinagsama- samang mahaba at maikling tunog na paulit-ulit sa saliw ng isang musika o awit. Pumili ng kilos na aangkop sa malakas na kumpas at mahinang kumpas ng awiting “Twinkle,Twinkle Little Star”. Muling awitin ito habang ipinakikita ang kilos na napili mo para sa malakas at mahina na kumpas. Pangkatang Gawain Gumawa ng ostinato pattern gamit ang iba’t ibang kumpas gamit ang mga simbolong pangmusika (nota at pahinga). Ipaskil ang tsart ng nota at pahinga upang may batayan ang mga bata. Ano ang ostinato? Ang ostinato ay ang pinagsamang mahaba at maikling tunog na paulit-ulit na maaaring sabayan ng awit. Gamit ang pangkatang gawain. Hayaang ipakita ng mga bata ng kanilang na komposisyon gamit ang kilos o galaw ng katawan. Takda: Makinig ng sang awiting pambata at lapatan ito ng kilos o galaw ARTS WEEK 6 DAY 3 Awit: Balay ni Superman Ano ang kahulugan ng salitang visaya na balay? Ipakita ang larawan ng bahay na bato at Simbahan ng Miag-ao sa Ilo-ilo Anu-anong hugis ang nakikita mo sa mga larawan? Nakatira tayo sa iba’t ibang uri ng bahay. Ang ilan ay malaki. Ang iba ay maliit. Ang ilan ay gawa sa kahoy at kawayan at ang iba ay gawa sa bato. May mga bahay na nakatayo sa lupa, sa gilid ng kalsada, at kahit sa ibabaw ng tubig. Ngayon ay ilalarawan ninyo ang sarili ninyong bahay. Paano mo ilalarawan ito? Paggawa ng mga bata Pagguhit sa sariling bahay. Piliin ang pianakamagandang gawa at ilagay sa paskilan. Bilugan ang titik ng tamang sagot. Ang mga bagay tulad ng bato ay Likas na bagay b. gawang-tao Alin-aling materyales ang ginagamit sa paggawa ng bahay? Lupa, dahon, plastic Bato, kawayan at kahoy Ang mga bahay ay itinatayo sa lupa, gilid ng kalsada at Sa ilalim ng tubig Sa ibabaw ng tubig Lahat ba ng bahay ay malaki? Opo b. Hindi po Maliit o malaki man ang isang bahay ay dapat na Ikahiya b. ipagmalaki Takda: Iguhit ang iyong paaralan. HEALTH WEEK 6 DAY 4 Aling inumin ang mabuti para sa mga bata? Paano nakakatulong ang pag-inom ng gatas sa isang bata? Iparinig ang tugma: Iwasang papaghintayin Sa mesa ang pagkain Sama-sama tayong manalangin Bago at pagkatapos kumain. Tungkol saan ang tugma Ano ang dapat gawin bago at pagkatapos kumain? Magpakita ng larawan ng mag-anak na kumakain. Isa-isang talakayin ang mga mabubuting kaasalan sa harap ng hapag-kainan. Maghugas ng kamay bago kumain. Umupo nang maayos. Pag-usapan ang mga magagandang bagay. Gumamit ng “Paki” kung may nais na ipaabot. Iwasang magsalita kung puno ang bibig. Nguyain ang pagkain nang nakasara ang bibig. Kumuha lamang ng pagkaing kayang ubusin. Talakayin ang kahalagahan ng agahan. Ipasakilos sa mga bata ang mga tuntunin sa hapag-kainan. 3. Talakayan: Bakit kailangan nating sundin ang mga alituntunin sa pagkain? Hayaang magbahagi ang mga bata ng kanilang sariling karanasan tungkol sa paksa. Tandaan: Kailangan natin ng disiplina maging sa ating pagkain. Dapat nating gawin ang mga sumusunod : Maghugas ng kamay bago kumain. Umupo nang maayos. Pag-usapan ang mga magagandang bagay. Gumamit ng “Paki” kung may nais na ipaabot. Iwasang magsalita kung puno ang bibig. Nguyain ang pagkain nang nakasara ang bibig. Kumuha lamang ng pagkaing kayang ubusin. Sino ang nagpapakita ng mabuting kaasalan sa hapag-kainan. Lagyan ng /. At X ang hindi. ___1. Nakadukwang si Allen para abutin ang ulam. ___2. Nagdasal muna si Ben bago at matapos kumain. ___3. Nakikipag-agawan si Luz ng ulam sa kapatid. ___4. Inubos ni Mel ang kinuhang pagkain. ___5. Nakataas ang paa ni Lilian habang kumakain. Takda: Pangako: Susundin ko ang mga tuntunin sa hapag-kainan sa tuwing ako ay kakain. PE WEEK 6 DAY 5 Balik-aral Ipakita ang mga posisyon ng pagbabalanse gamit ang inyong mga braso Ipakita ang mga posisyon ng pagbabalanse gamit ang inyong braso at mga paa. Sinu-sino sa inyo ang mahilig sumayaw? Pasayawin ang mga bata sa saliw ng tugtugin. Mga bata sa inyong pagsasayaw kapag nagpapalit kayo ng step mula sa pagbalanse sa isang paa papunta sa kabilang paa, mula sa inyong mga daliri sa paa papunta sa inyong sakong at pagkilos ng inyong mga braso at ng itaas na bahagi ng katawan, lahat ng ito ay nangangailangan ng pagbalanse ng iba’t ibang bahagi ng inyong katawan at paglilipat ng bigat nito mula sa isang paa papunta sa isa pa ng hindi nahuhulog o natutumba. Ipakita ang iba’t ibang paraan ng pagbalanse na ginagamitan ng paglilipat ng bigay ng katawan. Ano ang pinag-aralan natin ngayon? Saan kalimiting napupunta ang bigat ng ating katawan? Naililipat ba ang bigat ng ating katawan? Ipakita ito? Saan napupunta ang bigat ng katawan sa Fig.1, 2,3,4? Ano kailangang kakayahan upang mas madaling makapaglipat ng bigat ng katawan? (pagbabalanse) Pagsasanay Gawin natin ang mga pagbabalanse at paglilipat ng bigay ng katawan na ating pinag aralan. Ano ang pagbabalanse? Paano malalaman kung ang isang tao ay marunong magbalanse? (kung hindi ito natutumba) Ano ang ibig sabihin ng pagbalanse? Paano nakatutulong ang paglilipat ng ating katawan? Gawin ang lahat ng pagbalanse na nagpapalit ng bigat ng katawan ng wasto. Lagyan ng tsek ang tseklist. (guro ang magmamarka) Takda: Gawin sa bahay ang napag- aralang pagbalanse na nagpapalit ng bigat ng katawan.