Epiko

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

EPIKO At

Mga Salitang
naglalarawan
Ang epiko ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng
kabayanihan ng pangunahing tauhan na
nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa
karaniwang tao na kadalasan siya’y buhat sa lipi
ng mga diyos o diyosa. Ang salitang epiko ay
galing sa Griyego na epos na nangangahulugang
‘awit’ ngunit ngayon ito’y tumutukoy sa
pasalaysay na kabayanihan.
Ang paksa ng mga epiko ay mga kabayanihan ng
pangunahing tauhan sa kanyang paglalakbay at
pakikidigma.
(https://www.tagaloglang.com/epiko/)
Mga Katangian ng Epiko
1. Umiikot ang kwento sa mapanganib na
pakikipagsapalaran ng bayani.
2. May mga bansag o pagkakakilanlan ang mga
tauhan.
3. May malawak na tagpuan.
4. Naglalaman ng mahahabang kawikaan na galing
sa mga tauhan.
5. Ipinapakita ang agwat sa pagitan ng mga diyos at
mga mortal na tao.
6. Naglalaman ng mga matatalinhagang salita
( https://www.pinoynewbie.com/ano-ang-epiko/ )
Mga Halimbawa ng Epiko ng
Pilipinas
Bantugan (Epiko ng Mindanao)
Biag ni Lam-ang (Epikong Darangan (Epiko ng Maranao)
Ilokano) Indarapatra at Sulayman (Epiko
Hudhud (Epiko ng Ifugao) ng Maguindanao)
Ibalon (Epiko ng Bicol) Agyu (Epiko ng Mindanao)
Kudaman (Epiko ng Palawan) Bidasari (Epiko ng Mindanao)
Manimimbin (Epiko ng Palawan) Olaging (Epiko ng Bukidnon)
Ullalim (Epiko ng Kalinga) Sandayo (Epiko ng Zamboanga)
Hinilawod (Epiko ng Panay) Tudbulul (Epiko ng Mindanao)
Humadapnon (Epiko ng Panay) Tuwaang (Epiko ng Mindanao)
Labaw Donggon (Epiko ng Ulahingan (Epiko ng Mindanao)
Bisayas) Ulod (Epiko ng Mindanao)
Maragtas (Epiko ng Bisayas)
Mga Salitang Naglalarawan
Ang wastong gamit ng mga salitang naglalarawan ay
nakapagpapatingkad sa mga pahayag na bumubuo sa
pagbibigay ng komentaryo, blog, o sa mga taludturan.
May mga salitang naglalarawan na maaaring gamitin sa
tao na hindi naman maaari sa bagay. May mga pangyayari
rin naman na kapag ginamit na ang salita sa pagbuo ng
taludtod ay nababago ang kahulugan o hindi gaanong
napalilitaw ang nais ipakahulugan at hindi nagiging
matimyas ang salita. Halimbawa na lamang ay sa salitang
matangkad na bagamat ito ay tumutukoy sa taas (height)
ay hindi maaaring gamitin sa paglalarawan sa taas ng
gusali.
Mga Halimbawa:
1. Nakatatakot ang magpatayo ng mga matatayog na
gusali sa lugar na may malambot na lupa tulad ng sa
Baguio.
2. Matangkad ang aking panganay na anak sa kaniyang
edad na labing apat na taong gulang.
Mapapansin na ang salitang “matatayog” at
“matangkad” ay parehong tumutukoy sa taas (height)
ngunit hindi maaaring mapagpalit ang gamit sapagkat
hindi aakma ang nais na iparating. Hindi maaaring maging
matangkad na gusali at matayog na anak. Kapag ginamit
ang matayog sa anak upang ilarawan ang taas nito
makapagbibigay ng ibang paglalarawan sa anak.
Mayaman ang India sa kultura at paniniwala.
Pinaniniwalaan ng bansang ito ang kagandahan,
katotohanan, at kabutihan.
Naniniwala sila na pinagpapala ng Diyos ang
maganda at matalino at kumikilos nang ayon sa kanilang
lipunan.
Napakarami rin nilang mga tradisyon.
Halos sa loob ng apat na libong taon ay tila hindi
nagbago ang mga kinagisnang tradisyon ng mga Hindu.
Ang mga ito ang pumukaw sa interes ng mga
dayuhang manlalakbay.
Malimit na nababasa ang mga kultura nila sa kanilang
epiko.
A. Panuto: Sa pamamagitan ng wastong pagkakasunod-sunod,
hulaan ang maaaring nangyari sa akdang binasa batay sa ilang
pangyayaring napakinggan o nabasa. Isulat lamang ang bilang 1-5
sa iyong sagutang papel.
____1. Pabalik na sina Rama at Lakshamanan nang makita nila ang
naghihingalong agila.
____2. Ipinatawag ni Ravana si Maritsa. May galing si Maritsa na
mabago ang sarili sa kahit anong anyo at hugis.
____3. Hiningi ni Rama ang tulong ng hari ng mga unggoy para
salakayin ang Lanka.
____4. Binunot ni Lakshamanan ang kanyang espada at nahagip niya
ang tenga at ilong ng higante.
____5. Isang umaga habang namimitas ng bulaklak, nakakita si Sita
ng isang gintong usa. Tinawag agad niya sina Rama at
Lakshamanan para hulihin ang usa.
B. Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel.
____ 1. “Sige patayin mo siya!” sabi ni Rama. Ang
pahayag ay ___.
A. nakikiusap C. nag-uutos
B. nagmamakaawa D. nagpapaunawa
____ 2. Anong uri ito ng panitikan na galing sa salitang
Griyego na epos, nangangahulugang ‘awit’
ngunit ngayon ito’y tumutukoy sa pasalaysay na
kabayanihan?
A. parabula C. epiko
B. tula D. pabula
____ 3. Dinala ni Ravana si Sita sa Lanka, ang
kaharian ng mga higante at demonyo. “Mahalin mo
lang ako ay ibibigay ko sa iyo ang lahat ng
kayamanan,” sabi ni Ravana. Pero hindi niya
napasuko si Sita. Ang hindi pagsuko ni Sita kay
Ravana ay nangangahulugang ________.

A. natatakot
B. mahal niya ang kaniyang asawa
C. hindi si Ravana ang kaniyang gusto
D. naniniwala sa milagro
____ 4. Ano ang tatlong katangian o bagay ang
pinaniniwalaan ng bansang India?
A. Kagandahan, katalinuhan at kasipagan
B. kagandahan, katotohanan, at kabutihan.
C. katalinuhan, katotohanan at kagandahan
D. kabutihan, kasipagan at katotohanan

____ 5. Bihagin mo si Sita para maging asawa mo. Ano


ang kahulugan ng salitang “bihagin”?
A. ikulong C. hulihin
B. bitagin D. akitin
C. Panuto: Piliin sa loob ng panaklong ang angkop na
salitang naglalarawan upang mabuo ang diwa ng
mga pahayag. Isulat sa sagutang papel ang iyong
sagot.
1. Ang (kintab, liwanag) ng buwan ngayong gabi.
2. (Malamig, Maginaw) ang simoy ng hangin
kapag buwan ng disyembre.
3. Hindi naman (huminto, humupa) ang pag-inog
ng kultura natin.
4. (Matatayog, Matataas) ang pangarap ng
magkapatid.
5. (Kumikinang, Nakasisilaw) ang mga benta niyang
alahas.
6. Nanalo siya sa paligsahan dahil sa sobra niyang
(bilis, tulin) sa pagtakbo.
7. (Mainit, Maalinsangan) ang simoy ng hangin.
8. Hindi naging (malamyos, mabagal) ang pagkilos ni
Rama kung kaya’t natalo niya si Ravana sa labanan.
9. (Matingkad, Maliwanag) ang kulay ng mga bulaklak
ni Sita sa hardin.
10.(Maitim, Makulimlim) ang kalangitan, nagbabadya
ng pag-ulan.
MGA SAGOT

A. 4, 2, 5, 1, 3

B. C, C, B, B, C

C. 1.liwanag 2.malamig 3.Huminto 4.Matatayog


5.Kumikinang 6.Bilis 7.Mainit 8.Mabagal
9.Matingkad 10.makulimlim

You might also like