Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

BARAYTI AT

BARYASYON NG WIKA
EDUFIL 08
MODYUL 1.1
Roy D. De Vera
PANANAW HINGGIL SA WIKA
PANANAW HINGGIL SA WIKA

a. Ayon sa Linggwistang Pananaw


Ang wika ay matibay na kasangkapan sa
pakikipagtalastasan.

b. Ayon sa Makaagham na Pananaw


ito ay pananaw ayon sa Linggwista na ang wika ay set ng
mga tunog na iniayos at binibigkas sa paraang arbitraryo
ayon sa tamang pagkakabalangkas.
PANANAW HINGGIL SA WIKA

c. Ayon sa Leksikal na Pananaw


na ang wika ay abstraktikong kaisipan na nililikha upang
maipadama ang iniisip at damdamin ng mga bagay na may
buhay
PINAGMULAN O TEORYA NG
WIKA
PINAGMULAN O TEORYA NG WIKA

a. Teorya ng Paglalang
Sa teoryang ito sinasabing ang wika ay galling sa
dakilang Maykapal Bagamat napakaraming wika sa
mundo, ang ugat o pinagmulan ng lahat ng ito ay ang Diyos
na ang nag-udyok ay ang kanyang kapangyarihan.
PINAGMULAN O TEORYA NG WIKA

b. Teorya ng Tao
ang wika ay ginagawa ng tao upang maipahayag ang saloobin
nito dahil sa damdamin na ang nag-uudyok ay ang kanyang isip.
isang eksperimento ang ginawa ng Estados Unidos na
gumamit ng 2 kambal na lalaki
 1 lalaki na lumaki sa Lungsod ng New York – gumamit
ng wika
 1 lalaki na lumaki sa kabundukan ng New York –
gumait ng senyas at simbolo
PINAGMULAN O TEORYA NG WIKA

c. Teorya ng Lipunan
Sa teoryang ito masasabing ang wika ay nagbuhat sa
pangangailangan ng isang lipunan o ang lipunan ang siyang
gumagawa ng sariling wika nito. Ito ay nagawa udyok ng
pangangailangan.
IBA PANG TEORYA NG WIKA
IBA PANG TEORYA NG WIKA

a. Darwin Theory
Sinasaad niya na ang pakikipagsapalaran ng tao para mabuhay ang
nagtuturo sa tao upang makalikha ng iba’t ibang wika. Ang wika ay
natututunan ayon sa mga pakikipagsapalaran.
b. Bow wow Theory
Ayong sa teoryang ito, maaaring ang wika raw ng tao ay mula sa
panggagaya sa mga tunog ng kalikasan.
c. Ding dong Theory
Kahawig ng teoryang Bow wow, nagkaroon ng wika ang tao sa
pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng bagay-bagay sa paligid na likha
ng tao. Panggagaya ng mga tunog ng mga bagay na likha ng tao.
IBA PANG TEORYA NG WIKA

d. Sing song Theory


ayon dito ang wika ay nagmula sa paglalaro, pagtawa, pagbulong
sa sarili, panliligaw, at iba pang mga bulalas-emosyunal. Ayon pa dito
na ang mga unang salita ay sadyang mahahaba at musikal at hindi
lang maikling bulalas kagaya ng paniniwala sa ibang teorya.
IBA PANG TEORYA NG WIKA

e. Yum yum Theory


Ayon dito ang wika ay maaaring nanggaling o nagsimula sa
pakikipag-usap o komunikasyon na ginagamitan ng galaw ng
anumang bahagi ng katawan na may kasamang tunog upang
maiparating sa kausap ang ibig sabihin.
f. Pooh Pooh Theory
Unang natutong magsalita ang tao, ayon sa teoryang ito, nang
hindi sinasadya ay napabulalas sila bunga ng mga masisidhing
damdamin tulad ng sakit, tuwa, sarap, kalungkutan, takot, pagkabigla,
at iba pa.
IBA PANG TEORYA NG WIKA

g. Wave Theory
(Ang wave na nangangahulugang maraming beses, iba iba o
paulit-ulit)
ayon sa teoryang ito ang mga ninuno ng lahing Filipino ay dumayo
sa Pilipinas ng paulit-ulit o wave ng pandarayuhan na may dala ng
iba’t ibang pamamaraan sa pakikipag komunikasyon na maaaring
dahilan ng pinagmulan ng mga umiiral na wika.
IBA PANG TEORYA NG WIKA

h. Tree-Stem Theory
Ang Wika ay inihahalintulad sa kahoy na nagsasanga. Kung gayon
ang wika ay maaaring magsisimula sa iisa o iilan lamang na sa
paglaon ay nagsanga ng nagsanga.
GAMIT NG WIKA AYON KAY
JAKOBSON
GAMIT NG WIKA AYON KAY JAKOBSON

a. Emotive / Expressive
naglalayong palutangin ang karakter o kalagayan ng ispiker.
Halimbawa:
 Ako ay sumasang ayon sa kagustuhan ng nakararami.
 Lubos akong nagagalak sa tagumpay na nakamit ng ating
kupunan.
GAMIT NG WIKA AYON KAY JAKOBSON

 b. Conative
patungkol sa kinakausap na naglalayong magpakilos o mag-utos
tulad ng mga komersyal at talumpating propaganda.
GAMIT NG WIKA AYON KAY JAKOBSON

c. Phatic
ang gamit ay naglalayong magkaroon ng interaksyon sa loob ng
mga piling tsanel. Nagagamit ang wika bilang panimula ng isang
usapan o pakikipag-ugnayan sa kapwa.
Halimbawa:
 kamusta?
 Maaari ba kitang makilala.

 Ikinagagalak kong makasama ka sa aming samahan.


GAMIT NG WIKA AYON KAY JAKOBSON

d. Referensyal
ang wika na ginagamit sa mga teksbuk na makaagham.
(Ang wika ay nagagamit bilang batayan ng kaalaman)
Halimbawa: Ayon kay Emal Pudi 2020 sa kanyang aklat na “Pawang
Katotohanan”, ang mga kalalakihan ay laging tapat sa mga
pangakong binitawan.

WEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEHHHHHHHHHHHHHH………….
GAMIT NG WIKA AYON KAY JAKOBSON

e. Metalinggwal
ang wikang nauukol sa mga komentaryo o kodigo.
(Nagagamit ang wika sa pagbibigay ng pananaw o panunuri ng mga
batayang kaalaman)
Halimbawa: Itinatadhana nang walang pasubali sa batas ng
Komonwelt Blg. 184 ang pagkakatatag ng Surian ng Wikang
Pambansa na ngayon ay Komisyon ng Wikang Filipino.
GAMIT NG WIKA AYON KAY JAKOBSON

f. Poetic
may pokus sa masining na paraan ng ekspresyon gaya ng wika sa
mga prosa at panulaan, drama at sanaysay.
(Nagagamit ang wika sa masining na paraan)
Halimbawa:
Susungkitin mga bituin para lang makahiling na sanay maging akin
puso mo at damdamin.

You might also like