Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 24

Ideolohiya

- Ito ay tumutukoy sa isang


takdang paniniwala o opinyon
na pinahahalagahan ng isang
pangkat ng tao o indibidwal
sa isang lugar.
DAlawang Uri
ideolohiya na
lumaganap sa daigdig
1.Ideolohiyang Pampolitika
2.Ideolohiyang Pang-ekonomiya
Ideolohiyang Pampolitika
- Ito ay may kinalaman sa pamumuno
o pagpapasunod sa mga mamamayan
ng isang bansa.
Ideolohiyang Pang-
ekonomiya
- Ito ang paghahayag ng pananaw
sa kung paano pamamahalaan ang
ekonomiya ng isang bansa nang
naaayon sa layunin nito.
Mga Ideolohiyang
Pampolitika
1.Facism o Pasismo
2.Feminism o Peminismo
3.Demokrasya
Fascism o Pasismo
- Ito ang kilusang politikal na nauugnay
sa korporasyon o samahan. Ito ay nag-
ugat sa Italy noong 1922 sa ilalim ng
pamumuno ni Benito Mussolini.
Isinusulong ng ideolohiyang ito ang
pagpapatayo ng isang estado na
pinamumunuan ng isang partido na
pinamumunuan naman ng isang diktador.
Feminism o Peminismo
- Ito ay tumutukoy sa paniniwalang
ang kababaihan ay may karapatang
tulad ng sa kalalakihan kung
kaya’t kinakailangan silang
pagkalooban ng pantay na karapatan
tulad ng mga ito.
Demokrasya
- Tumutukoy sa uri ng
pamahalaan kung saan ang
mga mamamayan ng isang
bansa ay nakikilahok sa
pamumuno.
Mga Demokratikong
Ideolohiya
1.Demokratikong Pangkabuhayan
2.Demokratikong Panlipunan
3.Demokratikong Politikal
Demokratikong Pangkabuhayan
- Ito ay tumutukoy sa pagtatanggol
sa karapatan ng mga manggagawa
tulad ng karapatang magtayo ng
unyo at mag-aklas kung sakaling
magkaroon ng hindi pagkakasunduan
ang mga manggagawa at ang may-ari
ng kompanya.
Demokratikong Panlipunan
- Tumutukoy sa pagturing sa
mga mamamayan nang may
pagkakapantay-pantay sa
lahat ng bagay.
Demokratikong Politikal
- Tumutukoy sa pagbibigay sa mga
mamamayan ng karapatang pagboto sa
mga nais nilang mahalal sa
pamahalaan at gayundin ang
pagtanggal sa kanila kung sakaling
umabuso ang mga ito sa paggamit ng
kanilang kapangyarihan.
Mga Ideolohiyang Pang-
ekonomiya
1.Capitalism o Kapitalismo
2.Sosyalismo
3.Komunismo
4.Conservatism o Konserbatismo
5.Liberalism o Liberalismo
Capitalism o Kapitalismo
- Ito ay isang sistemang pang-ekonomiya
na naniniwala sa pribadong pagmamay-ari
ng yaman, puhunan, at tubo ng isang
indibidwal. Ito ay kilala ring free
market economy na lumaganap sa bansang
Kanluranin nang bumagsak ang
piyudalismo.
Sosyalismo
- Isang politikal at ekonomiyang teorya
na tumutukoy sa ideya na ang pamahalaan
ang kinakailangang magpatakbo ng
ekonomiya at ang lahat ng mamamayan ay
kinakailangang magkaroon ng pantay na
oportunidad na makibahagi sa anumang
benepisyong magmumula rito.
Komunismo
- Isang pampolitikal at pang-
ekonomiyang doktrina na nagsusulong
sa ekonomiyang pampubliko kung saan
ang produksiyon at yamang likas ng
bansa ay pag-aari ng lahat ng
mamamayan.
Dalawang Mukha ng
Komunismo
1.Komunismong Transisyonal
2.Ganap na Komunismo
Komunismong Transisyonal
- Ito ay kinokontrol ng mga
naghahanapbuhay ang pamahalaan at
ekonomiya na nagbibigay-halaga sa
pagpapasahod ng mga tao batay sa
oras, at kahusayan ng kanilang
inilagi sa paghahanapbuhay.
Ganap na Komunismo
- Ito ay naglalarawan sa lipunang walang
kinikilalang antas ng mga tao o
pamahalaan at ang produksiyon at
distribusyon ng produksiyon ay
nakabatay sa prinsipyong “From each
according to his ability, to each
according to his need”.
Conservatism o Konserbatismo
- Tumutukoy sa pagpapatupad ng
tradisyonal na pagpapahalaga,
paniniwala, at kaayusan na
karaniwang tumatanggi sa pagbabago.
Ang pangunahing katangian nito ay
ang mapanatili ang kaayusan sa
bansa.
Liberalism o Liberalismo
- Ito ay naniniwala sa kalayaan at
pagkakapantay-pantay. Kinikilala
nito ang kakayahan ng isang
indibidwal na mapaunlad at
makilala ang kaniyang sarili.
Konsepto ng Liberalismo
1.Utilitarianism
2.Laissez-faire
Utilitarianism
- Tumutukoy sa pakikipaglaban sa
prinsipyong dapat lamang manaig
sa kung ano ang pinakamabuti
para sa nakararami.
Laissez-faire
- Tumutukoy sa paniniwalang higit
na nakabubuti ang kawalan ng
kontrol ng pamahalaan sa
pamilihan.

You might also like