loob ng iyong kwarto o bahay na maaaring magkaroon ng mas malalim na kahulugan sa nabasang korido. Pag-isipan kung paano ito maiuugnay sa kuwento. Ibahagi sa klase ang sariling simbolismo. Ang mga Simbolo sa “Ibong Adarna’ Ilang mahalagang simbolo ang nilalaman ng koridong “ Ibong Adarna”. Ito ay mgabagay na nagpapalalim sa kahulugan ng mga pangyayari at ng buong kuwento. 1. Ibon •Sinisimbolo ng ibon ang katuparan ng pangarap o tagumpay. • Naging lunas sa sakit ng Haring Fernando • Nakatulong kay Don Juan sa kaharian ng Reino de los Cristales 2. Bato •Nagpapahiwatig naman ito ng parusa • Parusa sa taong masama ang budhi tulad ni Don Pedro at Don Diego • Pagiging bato din ang parusa ni Haring Salermo sa mga taong hindi nagtatagumpay na masunod ang kaniyang kahilingan. 3. Singsing •Kapahamakan ng isang tao ang ipinahihiwatig ng bagay na ito. • Una, nang kunin ni Don Juan ang singsing ni Leonora, at siya’y napahamak dahil sa pagtataksil ng kaniyang mga kapatid. • Ikalawa, ito din ang susi upang mabigyan muli ng kapangyarihan si Donya Maria na noo’y hindi binalikan ni Don Juan. • Ikatlo, singsing ang kaniyang naging lakas upang harapin nang buong tapang si Don Juan at ang kaniyang mga magulang • Nang hindi siya pinansin ni Don Juan mas pinili si Donya Leonora naging dahilan ito ng kaniyang matinding galit at pagpaparusa kay Don Juan 4. Baro •Simbolo ng pagtanggap • Ibinigay ng ermitanyo upang siya’y tanggapin at paunlakan ang kaniyanng paghingi ng tulong. • Tulad ng baro, ang pagsusuot nito lalo na kung galing sa ibang tao ay tanda ng ating malugod na pagtanggap sa kaniya 5. Korona •Simbolo ng kapangyarihan • Sinomang magsusuot nito o pinuputungan ay siyang hari o pinuno ng kaharian. • Kaakibat nito ay malaking tungkuling pamunuan nang buong husay ang palasyo 6. Kagubatan •Sinisimbolo nito ang paglalakbay na walang kasiguraduhan. • Sa kuwento , isang pagtataya ng buhay ang paglalakbay dahil hindi lamang puno ng hiwaga kundi marami ring kapahamakan ang nakatakdang sumalubong sa iyo. 6. Kagubatan • Tulad ng nangyari kay Don Juan ilang pagsubok ang kaniyang napagdaanan ngunit dahil sa kaniyang pananampalataya sa Diyos at tulong ng mga ermitanyo ay napagtagumpayan niya ang lahat ng pagsubok 7. Tinapay •Simbolo ng kababaang loob • Sa paglalakbay ni Din Juan, may binigyan siya ng tinapay sa isang ermitanyo • Sa isa pang pagkakataon, nang hingi siya ng tinapay sa isang matanda. Kinain niya ito kahit na marumi o hindi kaaya-aya ang itsura 8. Balon •Tanda ng balon ay katapangan • Nang makita ito ng 3 prinsipe, sinubukan nila itong pasukin at suungin ang isang madilim na lagusan na walang kasiguruhan kung ano ang naghihintay sa dulo. • Subalit, tanging si Don Juan lamang ang naglakas-loob na tunguhin ang kadulu-duluhan nito gamit ang kaniyang tapang. Sariling Pananaw Pananaw (point of view) – ito ay tinatawag ding punto de vista. Masasabing ito ay paraan ng pagtanaw ng manunulat sa kanyang akda. Gayunman, sa pagtalakay sa ano mang akda o teksto, ito ay sumasagot sa tanong na “Sino ang nagsusulat o nagkukuwento?” Sa pamamagitan ng pananaw, nakikilala ng mambabasa ang nilikha ng naglalahad at ang pangyayaring inilalahad, at kung gaano ang nalalaman ng naglalahad. Ang pananaw na gagamitin sa teksto o akda ay nakadaragdag ng kawilihan sap ag-unawa ito. Ang pananaw ng awtor ay makikita sa pamamagitan ng mga panghalip na ginagamit sa teksto. Unang panauhang pananaw- ako, ko, atin, natin, tayo, kami Ikalawang panauhang pananaw- ikaw, mo, ka, iyo, kanila, kita, tayo, inyo, ninyo Ikatlong panauhang pananaw- siya, niya, kanya, sila, nila, kanila Ang pananaw ay pagtukoy din kung ano ang preperensiya ng manunulat sa teksto. Ibig sabihin, natutukoy rito kung ano ang distansiya niya sa paksang tinatalakay. Nasa unang panauhan ba ito na maaaring magpakita na personal ang perspektiba niya sa paglalahad, o kaya naman ay nasa ikatlong panauhan na nagbibigay ng obhetibong pananaw at paglalahad sa paksa. Pagbibigay ng Sariling Pananaw Sa kabilang dako, sa usaping paglalahad ng sariling pananaw o ideya – hindi lahat ng pananaw o ideya ay dapat tanggapin agad. Kailangang kilatising mabuti ang anumang pananaw oideya kung ito ba ay balido (valid) o hindi. Sa pagsusuri ng teksto kaugnay ng baliditi ng mga ideya nito, kailangang matukoy muna kung sino ang nagsabi ng ideya at ang kanyang naging batyan sa pagbanggit sa ideya. Kaugnay ng pagiging aktibo ng tao, karaniwan nang gawain ang pagbibigay ng sariling pananaw o ideya hinggil sa kanyang nabasa, narinig, napanood, o naranasan. Sa pagbibigay ng tiyak na pananaw sa mga ito, karaniwan itong humahantong sa pagsang-ayon at pagsalungat. Sumulat ng isang talatang naglalahad ng sariling saloobin, pananaw, at damdmain hinggil sa alinmang paksang nakatala sa ibaba. Isaalang-alang ang kaisahan at pagkakaugnay-ugnay sa pagtatala. Gawin ito sa malinis na papel. 1. Pantay-pantay na Karapatan ng mga Anak 2. Karapatan ng Anak na Pumili ng Kanyang Makakaisang-dibdib 3. Hindi Dapat Manghimasok ang Maguylang sa Tibukin ng Puso ng Anak 4. Marapat Lang Parusahan ang Nagkasalang Anak 5. Maging Matapat sa Larangan g Pag-ibig 6. Maaari ring sariling pili ng paksa Ibong Adarna ● Aralin Aralin 1 - 41 ● Cohesive Devices o Transisyonal na salita ● Simbolong ginamit sa Ibong Adarna Thank you! Insert a parting or call-to-action message here.