Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

PAGSULAT NG ISANG

TALATANG
NAGLALARAWAN
ANO ANG IYONG NAKIKITA SA LARAWAN?
ANG AKING ALAGANG ASO

Ito ay si Brownie. Ang paborito kong alagang aso. Ito ay


kulay kayumanggi. Si Brownie ay maamo at mabalahibo.
Kung minsan ito ay tahimik kapag wala ako sa tabi niya.
Ngunit kapag kami ay magkasama, masigla ang aking alaga.
Palagi ko itong pinapakain sa tamang oras. Kaya’t si Brownie
ay malusog. Itinuturing ko itong kaibigan at bahagi ng aming
pamilya. Iyan si Brownie ang aking alaga.
ANO ANG TALATA?
Ang talata ay isang lipon ng mga pangungusap na bumubuo ng
isang kaisipan. Ito ay isang maikling katha na binubuo ng mga:
• Pangungusap na magkaugnay.
• May balangkas.
• May layunin.
• Pag-unlad ng kaisipang nakasaad sa pamaksang pangungusap.
TALATANG NAGLALARAWAN

Ang layunin nito ay ipamalas sa tagabasa o tagapakinig


ang hugis, anyo ng kabuuan ng isang tao, bagay, pook
o pangyayari. Gumagamit ito ng mga salitang
naglalarawan o ang tinatawag na pang-uri.
GAWAIN:
Gumawa ng talatang naglalarawan. Pumili ng isang paksa sa
ibaba. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

a. Bakasyon sa Probinsya
b. Unang Araw ng Pasukan
c. Ang Aking Kaarawan
d. Ang aking Pamilya

You might also like