Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 38

Mga Bahagi ng

Pamanahong-papel
Kabanata V: Mga
Lagom, Panghuling
Kongklusyon Pahina Mga Pahinang
at Preliminari o
Rekomendasy Front Matters
on
Kabanata: IV:
Presentasyon BAHAGI NG
Kabanata I:
at PAMANAHONG-PAPEL Ang Suliranin
Interpretasyon
at Kaligiran
ng mga Datos
Nito
Kabanata III:
Kabanata II:
Disenyo at
Mga Kaugnay
Paraan ng
na Pag-aaral
Pananaliksik
at Literatura
Kung kaya mong i-manage ang mga
bahagi, makakaya mo rin ang
kadalasang nakatatakot na kabuuan,
at makaasa kang makapagsasaliksik
nang may higit na tiwala sa sarili.

-Booth, et al. (2008)


PAMANAHONG PAPEL
Isang uri ng papel-pampananaliksik.
Kulminasyon ng mga pasulat na gawain
kaugnay ng pag-aaral ng isang paksa sa isang
kurso o subject sa loob ng isang panahon o
term na kadalasa’y saklaw ng isa o higit pang
markahan.
Mga Pahinang
Preliminari
O
Front Matters
A. FLY LEAF 1

Ang pinakaunang pahina ng


pamanahong-papel. Walang
nakasulat na kahit ano sa pahinang
ito. Sa madaling sabi, blangko ito.
B. PAMAGATING PAHINA

Ang tawag sa pahinang nagpapakilala sa pamagat


ng pamanahong-papel. Nakasaad din dito kung
kanino iniharap o ipinasa ang ang papel, kung
saang asignatura ito pangangailangan, kung sino
ang gumawa at panahon ng kumplesyon. Kung
titingnan sa malayuan, kailangang magmukhang
inverted pyramid ang pagkakaayos ng mga
impormasyong nasa pahinang ito.
C. DAHON NG PAGPAPATIBAY

Ang tawag sa pahinang


kumukumpirma sa pagkakapasa ng
mananaliksik at pagkatanggap ng
guro ng pamanahong-papel.
D. PASASALAMAT O PAGKILALA

Tinutukoy ng mananaliksik ang mga


indibidwal, pangkat, tanggapan o
institusyong maaaring nakatulong sa
pagsulat ng pamanahong-papel at
kung gayo’y nararapat na
pasalamatan o kilalanin.
E. TALAAN NG NILALAMAN

Nakasaayos ang pagbabalangkas ng


mga bahagi at nilalaman ng
pamanahong-papel at nakatala ang
kaukulang bilang ng pahina kung
saan matatagpuana ng bawat isa.
F. TALAAN NG MGA TALAHANAYAN
AT GRAP

Nakatala ang pamagat ng bawat


talahanayan at/o grap na nasa loob
ng pamanahong-papel at ang bilang
ng pahina kung saan matatagpuan
ang bawat isa.
G. FLY LEAF 2

Ay isa na namang blangkong pahina


bago ang katawan ng pamanahong-
papel.
TANDAAN:

Hindi nilalagyan ng bilang o


pagination ang mga pahinang
preliminary. May mga pamanahong-
papel din ang kakikitaan ng Pag-
aalay o Dedikasyon na isang
opsyonal na pahina.
Kabanata I:
ANG SULIRANIN AT
KALIGIRAN NITO
A. PANIMULA O INTRODUKSIYON

Isang maikling talata na


kinapapalooban ng pangkalahatang
pagtalakay ng paksa ng pananaliksik.
B. LAYUNIN NG PAG-AARAL

Inilalahad ang pangkalahatang


layunin o dahilan kung bakit
isinasagawa ang pag-aaral.
Tinutukoy rin dito ang ispesipik na
suliranin sa anyong patanong.
C. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Inilalahad ang signipikans ng


pagsasagawa ng pananaliksik ng pag-
aaral. Tinutukoy rito ang maaaring maging
kapakinabangan o halaga ng pag-aaral sa
iba’t ibang indibidwal, pangkat,
tanggapan, institusyon, propesyon,
disiplina o larangan.
D. SAKLAW AT LIMITASYON

Tinutukoy ang simula at hangganan


ng pananaliksik. Dito itinakda ang
parameter ng pananaliksik dahil
tinutukoy rito kung ano-ano ang
baryabol na sakop at hindi sakop ng
pananaliksik.
E. DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA

Ang mga katawagang makailang


ginamit sa pananaliksik at ang bawat
isa ay binibigyan ng kahulugan.
E. DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA

 Konseptwal
 Operasyonal
Kabanata II:
MGA KAUGNAY NA
PAG-AARAL AT LITERATURA
KABANATA II:

Sa kabanatang ito, tinutukoy ang


mga pag-aaral at mga babasahin o
literaturang kaugnay ng paksa ng
pananaliksik.
Kabanata III:
DISENYO AT PARAAN NG
PANANALIKSIK
A. DISENYO NG PANANALIKSIK

Nililinaw kung anong uri ng


pananaliksik ang kasalukuyang pag-
aaral. Para sa inyong pamanahong-
papel, iminumungkahi ang
pinakasimple na, ang deskriptib-
analitik.
B. RESPONDENTE

Sa bahaging ito, tinutukoy ang mga


respondente ng sarbey, kung ilan
sila, at paano at bakit sila napili.
C. INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK

Inilalarawan ang instrumentong ginamit


ng pananaliksik sa pangangalap ng mga
datos at impormasyon. Iniisa-isa rito ang
mga hakbang na kanyang ginawa at kung
maaari, kung paano, at bakit niya ginawa
ang bawat hakbang.
D. TRITMENT NG MGA DATOS

Inilalarawan kung anong istatistikal na paraan ang


ginamit upang ang mga numerical na datos ay
mailarawan. Dahil ito’y pamanahong-papel
lamang, hindi kailangang gumamit ng mga
kompleks na istatistikal na tritment. Sapat na ang
pagkuha ng porsyento o bahagdan matapos mai-
tally ang mga kasagutan sa kwestyoneyr ng mga
respondente.
Kabanata IV:
PRESENTASYON AT
INTERPRETASYON NG MGA
DATOS
KABANATA IV:

Sa kabanatang ito, inilalahad ang mga


datos na nakalap ng mananaliksik sa
pamamagitan ng tekstwal at tabular o
grapik na presentasyon. Sa teksto,
inilalahad ng mananaliksik ang kanyang
analisis o pagsusuri.
Kabanata V:
LAGOM, KONGKLUSYON AT
REKOMENDASYON
A. LAGOM

Binubuod ang mga datos at


impormasyong nakalap ng mananaliksik
na komprehensibong tinalakay sa
Kabanata III.
B. KONGKLUSYON

Ito ang mga inferences, abstraksyon,


implikasyon, interpretasyon,
pangkalahatang pahayag at/o paglalahad
batay sa mga datos at impormasyong
nakalap ng pananaliksik.
C. REKOMENDASYON

Ito ay ang mga mungkahing solusyon


para sa mga suliraning natukoy o
natuklasan sa pananaliksik.
MGA PANGHULING
PAHINA
A. LISTAHAN NG SANGGUNIAN

Isang kumpletong tala ng lahat ng


mga hanguan o sorses na ginamit ng
mananaliksik sa pagsulat ng
pamanahong-papel.
B. APENDIKS O DAHONG-DAGDAG

Maaring ilagay o ipaloob dito ang mga


liham, pormularyo ng ebalwasyon,
traskripsyon ng interbyu, sampol ng
sarbey-kwestyoneyr, bio-data ng
mananaliksik, kliping at kung anu-ano pa.
PAGBASA AT
PAGSUSURI NG IBA’T
IBANG TEKSTO TUNGO
SA PANANALIKSIK

SANGGUNIAN: www. scribd.com/document ibat


ibang uri ng teksto
SALAMAT

You might also like