Tekstong Impormatibo

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 68

Komunikasyon:

Tekstong Impormatibo
Balik Aral
ENERGIZER
SCRIBBLE WORDS
MORMIPAOT STLAANAGGNUNIA

         P E E K O T

   OTSKET
GYBBYIULLNER
IMPORMATIBO TALASANGGUNI-
AN

EPEKTO

CYBERBULLYIN TEKSTO
G
Alam mo ba?

Marami ang nag-aakalang mas


magugustuhan ng mga batang mag-
aaral ang magbasa ng mga tekstong
naratibo tulad ng maikling kuwento ,
tula, pabula, alamat, at iba pa.
Gayunpaman, sa pag-aaral na ginawa ni
Duke ( 2000 ) , ang dahilan kung bakit
hindi gaanong nakapagbabasa ng
tekstong impormatibo ang mga mag-
aaral ay dahil limitado ang ganitong uri
ng mga babasahin sa kanilang
kapaligiran.
Sa isang pag-aaral na isinagawa sa 20 silid-
aralan sa unang baitang( grade 1), nakitang
walang pang 10% ng mga aklat sa mga
aklatang pansilid-aralan ang nabibilang sa
tekstong impormatibo. Lumabas din sa
nasabing pag-aaral na wala pang 3% ng mga
bagay o kagamitang naka-displey sa paligid ng
silid aralan ang maibibilang sa tekstong
impormatibo.
Sa isa pang pag-aaral, napatunayan ni Mohr
(2006), na kung mabibigyan ng
pagkakataong makapamili ng aklat ang mga
mag-aaral sa unang baitang , mas pipiliin
nila ang aklat na di piksyon kaysa piksyon. Sa
pag-aaral na ito, ang mga mag-aaral sa
unang baitang mula sa sampung paaralang
pinili nila ay dinala sa isang eksibit ng mga
aklat.
Pinaikot sila sa mga naka-displey na aklat at
pinapili ng isang aklat na magiging kanila na.
Humigit-kumulang 85% sa mga mag-aaral ang
pumili ng aklat na di piksiyon. Nang isagawa
ang kaparehong pag-aaral sa mga mag-aaral
sa kinder ay mas pinili rin ng mga bata ang
mga aklat na may impormatibong teksto kaysa
piksiyon.
Ang mga pag-aaral na ito ay sumasalungat sa
pananaw na higit na nagugustuhang basahin
ng mga bata ang mga tekstong naratibo
kaysa impormatibo. Kung hindi bibigyang-
pagkakataon ang mga mag-aaral na magbasa
ng mga di piksiyon na nagtataglay ng mga
tekstong impormatibo at lilimitahan lang ang
mga babasahin ng mga batang ito sa
naratibo tulad ng maikling kuwento
Maari itong maging hadlang sa pagkakaroon
ng buo, malawak , at epektibong pagkatuto.
Ang tekstong Impormatibo

Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng


babasahing di piksiyon. Ito ay
naglalayong magbigay impormasyon o
magpaliwanag nang malinaw at walang
pagkiling tungkol sa iba't ibang paksa tulad
ng sa mga hayop, isports, agham o siyensa 
Kasaysayan, gawain, paglalakbay, heograpiya,
kalawakan, panahon at iba pa.
Di tulad ng ibang uri ng teksto, ang mga
impormasyon o kabatirang inilahad ng may
akda ay hinde nakabase sa kanyang sariling
opinyon kundi sa katotohananat mga
datos kaya't hindi ito masasalamin ang
kanyang pabor o pagkontra sa paksa.
Karaniwang may malawak na kaalaman
tungkol sa paksa ang manunulat o kaya'y
nagsasagawa siya ng pananaliksik at pag-aaral
dito. Ang mga tekstong impormatibo ay
karaniwang makikita sa pahayagan at balita, sa
mga magasin, textbook, sa mga
pangkalahatang sanggunian tulad ng
encyclopedia, gayundin sa iba't ibang website
at internet. 
Dahil sa katangiang ito ng tekstong
impormatibo, laging may nadadagdag na
bagong kaalaman o kaya'y napagyayaman ang
dating kaalaman ng taong nagbabasa nito.
Elemento ng Tekstong Impormatibo.

Kung ang Tekstong Naratibo ay may mga elementong


kinabibilangan ng tauhan, tagpuan , suliranin, at
mahahalagang pangyayaring tulad ng, simula,
kasukdulan, kakalasan, at wakas, ang tekstong
impormatibo ay mayroon ding mga elemento. Ang
mga ito ay sumusunod.
• Layunin ng may-akda- Maaring magkaiba-iba
ang layunin ng may akda sa pagsulat niya ng
isang tekstong impormatibo. Maaring
layunin niyang mapalawak pa ang kaalaman ukol
sa isang paksa; maunawaan ang mga
pangyayaring mahirap ipaliwanag : matuto ng
maraming bagay ukol sa ating mundo;
magsaliksik ; at mailahad ang mga yugto sa
buhay ng iba;t ibang uri ng insekto, hayop , at iba
Gayunpaman, anuman ang layunin ng
mapapansing kaugnay ito lagi ng pagbibigay o
paglalahad ng impormasyon.
• Pangunahing Ideya- Di tulad ng
tekstong naratibo na hindi agad inihahayag ng
manunulat ang mga mangyayari upang
mapaabot ang interes ng mambabasa sa
kasukdulan ng akda, sa tekstong
impormatibo naman ay dagliang inilalahad ang
mga pangunahing ideya sa mambabasa. 
Nagagawa ito sa pamamagitan ng paglalagay
ng pamagat sa bawat bahagi- tinatawag din
itong organizational markers na
nakatutulong upang agad makita at malaman
ng mambabasa ang pangunahing ideya ng
babasahin. 
• Pantulong Kaisipan- Mahalaga rin ang
paglalagay ng angkop na mga pantulong
kaisipan o mga detalye upang makatulong 
mabuo sa isipan ng mambabasa ang
pangunahing ideyang nais niyang matanim o
maiwan sa kanila.
• Mga estilo sa pagsulat,
kagamitan/sanggunianng matatampok sa mga
bagay na bibigyang diin-  Makatutulong sa
mga na magkaroon ng mas malawak na pag-
unawa sa binabasang tekstong impormatibo ang
paggamit ng mga estilo o
kagamitan/sangguniang magbibigay-diin sa
mahahalagang bahagi tulad ng sumusunod:
• Paggamit ng mga nakalarawang representasyon
– makatutulong ang paggamit ng mga larawan,
guhit, dayagram, tsart, talahanayan, timeline, at
iba pa upang higit na mapalalim ang pag-unawa
ng mga mambabasa sa mga tekstong naratibo.
• Pagbibigay-diin sa mahahalagang salita o
teksto- nagagamit dito ang mga estilong tulad ng
pagsulat nang nakadiin, nakahilis,
nakasalungguhit, o nalagyan ng panipi upang
higit na madaling makita o mapansin ang mga
salitang binibigyang diin sa babasahin.
• Pagsulat ng mga talasanggunian – karaniwang,
inilalagay ng mga manunulat ng tekstong
impormatibo ang mga aklat, kagamitan, at iba
pang sangguniang ginamit upang higit
na mabigyang-diin ang katotohanang naging
basehan sa mga impormasyong taglay nito.
Mga Uri ng tekstong Impormatibo
Ang pangunahing layunin ng tekstong
impormatibo ay makapaghatid ng
impormasyong hindi nababahiran ng personal
na pananaw o opinyon ng may-akda Makikita
ang layuning ito sa ilang uri ng tekstong
impormatibo tulad ng Sumusunod: 
1.) Paglalahad ng Totoong
Pangyayari/Kasaysayan- Sa uring teksto
inilalahad ang mga totoong
pangyayaring naganap sa isang panahon o
pagkakataon. Maaring ang
pangyayaring isasalaysay ay personal na
nasaksihan ng manunulat tulad ng balitang
isinusulat ng mga reporter ng mga pahayagan o
maari ding hindi direktang nasaksihan ng
manunulat
Kundi mula sa katotohanang nasaksihan at
pinapatunayan ng iba tulad ng
sulating pangkasaysayan o Historical account.
Ang uring ito ng teksto ay karaniwang
sinisimulan ng manunulat sa isang mabisang
panimula o introduksiyon. Kung ito ay isang
balita, mababasa sa bahaging ito ang
pinakamahalagang impormasyon tulad ng kung,
sino, ano, saan, kailan, at, paano nangyari ang
inilalahad.
Sinusundan ito ng iba pang detalyeng nasa bahagi
naman ng katawan, at karaniwang nagtatapos sa
isang konklusyon.
2. Pag-uulat Pang-impormasyon- Sa uring ito
nakalahad ang mahahalagang kaalaman o
impormasyon patungkol  sa tao, hayop, at iba pang
bagay na nabubuhay at di nabubuhay, gayundin sa
mga pangyayaring paligid. Ang ilang halimbawa ay
mga paksang kaugnay ng teknolohiya, global
warming, cyberbullying, mga hayop na malapit
nang maubos, impormasyong kaugnay ng mga
halaman, at iba pa. Ang pagsulat ng ganitong uri
Ng teksto ay nangangailangan ng masusing
pananaliksik sapagkat ang mga impormasyon at
detalyeng taglay nito ay naglalahad ng Katotohan 
( Fact ) ukol sa paksa at hindi dapat samahan ng
personal na pananaw o opinyon ng manunulat.
3. Pagpapaliwanag – ito ang uri ng tekstong
impormatibong nagbibigay paliwanag kung paano
o bakit naganap ang isang bagay o pangyayari.
Layunin nitong makita ng mambabasa mula sa
mga impormasyong  nagsasaad kung paano
humantong ang paksa sa ganitong kalagayan.
Karaniwan itong ginagamitan ng mga
larawan,dayagram, o, Flow chart, na may
kasamang mga paliwanag. Halimbawa nito ang
siklo ng buhay ng isang insekto, atbp.
Halimbawa ng tekstong Impormatibo

Cyber Bullying
Sa makabagong panahon kung saan laganap ang
paggamit ng teknolohiya, isang uri ng pambu-bully
ang nagbigay daan nito: ang cyberbullying o ang
pambu-bully sa kapwa gamit ang makabagong
teknolohiya. Ang ilang halimbawa nito ay
pagpapadala ng mensahe ng pananakot,
pagbabanta
O pagtataglay ng masasamang salita maging sa
text o e-mail; pagpapalaganap ng mga nakasisirang
usap-usapan, larawan, video, at iba pa sa e-mail
social media; pag-bash o pagpo-postng mga
nakasisiraat walang basehang komento; paggawa
ng mga pekeng account na may layuning
mapasama ang isang tao; pag-hack sa account ng
iba upang magamit ng personal account ng isang
tao ng walang pagsang-ayon niya o paninira sa may
ari nito
At iba pang uri ng harassment sa pamamagitan ng
teknolohiya. Ang mga ito'y karaniwang
nagbubunga ng pagkapahiya, pagkatakot, o
pagkawala, ng kapayapaan, sa nagiging biktima
nito.
Paano naiiba ang cyberbullying sa harapang
pangbubully?
Napakalaking tulong ang naibibigay ng cellphone,
tablet, computer, at internet sa tao. Ang social
media ay isa ring malaking biyaya lalo na kung
pakikipag-ugnayansa napapalayong kapamilya o
kaibigan ang pag-uusapan. Ang internet ay isa sa
pinakamahalagang kagamitan sa ikadalawampu't
isang siglo sapagkat sa pamamagitan nito ay
"lumiliit" ang mundo. 
Napaglalapit nito ang magkakalayong
magkakapamilya, napupunan nito ang
kasabikan makita at makausap ang isang
minamahal, at nakatutulong ito upang magawa ang
maraming bagay tulad ng pagbili ng mga bagay-
bagay, pag-apply sa trabaho, paggawa ng
transaksiyon sa bangko, at iba pa kahit ika'y  nasa
bahay lamang at hindi na kailangang lumabas.
Nakatutulong din ito nang malaki na paghahanap sa
anumang impormasyong mahalaga sa tao
Subalit sa kabilang banda, napapadali rin ng
internet ang paggawa ng iba't ibang krimen,
panloloko sa kapwa, at paggawa ng maraming
hindi mabubuting bagay tulad ng cyber bullying.
Para sa isang biktima , mas mahirap at mas matindi
ang cyber bullying kaysa sa harapang pangbu-bully.
Ang harapang pangbu-bully ay nangyayari sa isang
lugar at isang panahon. Kapag hindi na makaharap
ang bully at ang biktima, ay walang pambu-bully
Samantala ang cyberbullying ay maaring mangyari
nang 24/7. Ibig sabihin, kahit hindi magkaharap ang
biktima at ang bully, o kahit natutulog ang biktima,
o nasa loob ng kanyang tahanan, ang cyber bullying
ay patuloy na nangyayari. Maari ding magtago ng
kanyang tunay na pagkatao ang nambu-bully upang
hindi makilala kung sino siya habang ipinakakalat
niya ang anumang bagay na makasisira sa kanyang
biktima. Minsa'y mahirap malaman o ma-trace
kung sino ang nagpasimula ng pagpapakalat nito.
Kapag na-ipost o naipadala na sa iba ang na sa iba
ang mga bagay na ito, napakahirap nang mawala o
maihinto ang pagkalat ng mga nakasisirang bagay
sapagkat wala nang kontrol ang nag-post sa
puwedeng gawin ng bawat makatatanggap o
makakakita sa kanyang post. Ang reaksiyon kasi ng
makatatanggap ay maaring huwag pansinin o
hayaan na lang, I-delete at huwag patulan, o
maaring I-share rin sa iba na lalong nagdudulot ng
pagkasira ng biktima
Dahil sa napakabilis na pagkalat ng mga bagay na
naka-upload na sa internet.
Ano-ano ang Epekto ng Cyberbullying?
Sa cyberbullying ay walang pisikal na pananakit na
nangyayari di tulad ng harapang pambu-bully na
kung minsa'y humahantong sa pananakit subalit
mas matindi ang sakit ng pagka-sugat ng emosyon
o emotional at psychological trauma na maaring
maranasan ng isang biktima ng cyberbullying. May
pangmatagalang epekto ito sa tao lalo na kung
hindi maaagapan o matutulungang maproseso ang
Damdamin ng isang naging biktima nito. Maari
siyang magkaroon ng mga isyung sikolohikal hindi
lang sa kasalukuyan kundi sa mga darating pang
panahon.

Naririto ang ilan pa sa mga epekto ng


cyberbullying:
• Mga senyales ng depresyon- Ang sugat sa
emosyon ay mas matindi pa kaysa pisikal na
sugat. Kapag matindi ang emosyonal na trauma
dahil mga nakasisirang post sa internet, ang
biktima ay nakararanas ng mga sintomas ng
depresyon tulad ng hindi maipaliwanag na
kalungkutan, hindi makatulog, kawalan ng
ganang kumain, o minsay humahantong sa
pananakit sa sarili, o pag-iisip na wakasan ang
sariling buhay.
• Pag-inom ng alak o paggamit ng ipinagbabawal
na gamot- Ito ay nagiging paraan ng biktima
upang makalimot o magkaroon ng tapang o lakas
ng loob na harapin ang bully at ang mundo.
Madalas, dahil dito'y hindi niya namamalayang
nagiging bully na rin siya. Ayon sa mga pag-aaral,
ang mga taong nagiging bully sa senior high o
kolehiyo ay ang mga taong nakararanas ma-bully
noong sila ay nasa middle school o high school.
• Pagliban o pag-iwas sa pagpasok sa paaralan- Ito'y
isang paraan upang maka-iwas sa taong nambu-
bully.
• Pagkakaroon ng mababang marka sa paaralan-
Ang madalas na pagliban at kawalan ng
konsentransyon sa pag-aaral dahil sa kakaisip sa
nangyayaring pambu-bully ay nagre-resulta sa
mamabang marka sa paaralan.
• Pagkawala ng tiwala sa sarili o pagkakaroon ng
mababang self-esteem. Ang mga alaala ng
panunukso o pananakit ay nagdudulot ng
kawalan ng tiwala sa sarili o mababang
pagpapahalaga sa sarili.
• Pagkakaroon ng problema sa kalusugan-
Karaniwang ang mga biktima ng bullying ay
nakakaranas o nagsasabing sila ay may sakit
tulad ng karaniwang ubo, sipon, sakit ng ulo,
sakit ng tiyan , atbp.
• Pagiging biktima sin ng harapang bullying-
Minsan bago pa mangyari o kapag nangyari na
ang cyberbullying, ang biktima ay karaniwan
ding nagiging biktima ng harapang bullying dahil
nawawala ang tiwala niya sa sarili at ang
kakayahang gawin ang nararapat upang
maipagtanggol ang kanyang karapatan
Ano na ba ang Sitwasyon ng Cyberbullying sa
Pilipinas?
Ayon sa ula ng google trends, ang ikaapat sa mga
bansa sa buong mundo kung saan may
pinakamaraming naghanap ng impormasyon ukol
sa cyberbullying noong 2013 ay ang pilipinas. Isa
itong indikasyon na ang isyu ng cyberbullying ay
isa nang realidad sa ating bansa. Bagama't sa
kasalukuyan ay wala pang opisyal
 Na estadistika ang Pilipinas patungkol sa
cyberbullying, sa bansang Amerika ay lumalabas
na nasa 9% ng mga mag-aaral sa Grade 6
hanggang 12 ang nakaranas ng cyberbullying
noong 2010 at 2011 at noong 2013, tumaas sa
15% ang mga mag-aaral sa grades 9 hanggang 12
na nakaranas ng cyberbullying.
Sa survey na isinagawa ng
www.stopcyberbullying.org., ang sumusunod ang
Isinasagawa ng mga nagiging biktima ng
cyberbullying:
 36% ang nagsabi sa bully na huminto sa pambu-
bully niya
 34% ang gumawa ng paraan upang mahadlangan
ang komunikasyon sa bully
 34% ang nagsabi sa mga kaibigan ukol sa pambu-
bully
 29% ang walang ginawang anuman ukol sa
pambu-bully
 28% ang nag-sign-offline
 11% lang ang nagsabi sa magulang ukol
sa nangyayaring cyberbullying.
Ano ang Maaring Gawin ng Isang Taong
Nabiktima ng Cyberbullying?
Ang cyberbullying, tulad din ng iba pang uri 
Ng bullying ay nagkakaroon ng matitinding epekto
sa buhay at pagkatao ng biktima kaya ipinapayo ng
mga ekspertong hindi dapat basta manahimik lang
ang sinumang nakararanas ng ganitong pangyayari
sa buhay. Ipinapayo ni Sonnie Santos, isang
eksperto sa cyberbullying ang pagsasagawa ng
alinman sa sumusunod depende sa sitwasyon o
pangangailangan.
Laging kunan ng screenshot ang mga
nakasisirang mensahe at I-save ito para magamit
bilang ebidensiya o katibayan sa ginawang
pambu-bully.
Ipaalam sa mga kapamilya ang mga
pangyayari o pag-atake.
I-report sa awtoridad tulad ng guro o guidance
counselor kung sa paaralan ito nangyayari o sa
Human Resources  kung ang pambu-bully ay
nangyayari sa trabaho.
I-report sa pamunuan ng social media tulad ng
Facebook o Twitter ang nangyayari upang
magawan nila ng karampatang hakbang.
 Magpalit ng numero ng telepono kung cell
phone ang ginagamit sa pag-atake o pambu-
bully.
I-deactivate ang lahat ng social media account
at huwag munang mag-online pansamantala.
Gayunpaman, magtalaga ng kapamilya o
kaibigang magmo-monitor sa mga pangyayari sa
online.
Sumangguni sa propesyunal na tagapayo kung
kinakailangan.
Suportahan ang mga grupong nagla-lobby para sa
isang batas patungkol sa cyberbullying o harassment
para sa lahat at hindi lang para sa kabataang wala pa
sa tamang gulang. Kaugnay nito, isang batas ang
ipinasa sa mababang kapulungan ukol sa pagpaparusa
sa mga taong nasasangkot sa cyberbullying gamit ang
social media. Ito ang social media regulation act of
2014 na ipinasa ni leyte rep. Sergio Apostol upang
matulungan ang mga biktima ng pambu-bully
Gamit ang social media. Sa nasabing batas, ang
tao o mga taong mapapatunayang nagkasala ng
cyberbullying ay mapapatawan ng mula anim
hanggang labindalawang taong pagkabilanggo.
Maari din silang magmulta ng mula PHP 30,000
hanggang PHP50,000.
Kung sakaling nabiktima ng cyberbullying, gumawa
ng mga hakbang upang mahinto ito. Huwag basta
manahimik at sa halip ay magsuplong sa
kinauukulan. Maaring makipag-ugnayan sa
National Bureau Of Investigation sa
ccd@nbi.gov.ph o tumawag sa telepono bilang
521-9208 
May Pag-asa pa bang Makabangon mula sa
Cyberbullying?
Ang pagiging biktima ng cyberbullying ay hindi 
Katapusan ng mundo. Maraming biktima ang
nagtagumpay na malampasan ang ganitong
kalagayan sa sarili nilang pagsisikap, matibay sa
pananalig sa diyos, at sa tulong ng mga taong
nagmalasaki't upang sila'y muling makabangon
mula sa masakit na karanasan. 
Isa sa mga ito si Paula
Jamie Salvosa, ang
babaeng binansagang
"Amalayer Girl" nang
makunan ng video ang
pagsigaw niyang
pakikipagtalo sa babaeng
guwardiya ng LRT habang
paulit-ulit niyang sinasabi
" Do you think I'm a liar". Nang mai-post ang
videong ito ay naging viral ito sa internet at umani
ng napakaraming bashing ang "Amalayer Girl."
Halos hindi niya nakayanan ang mga pangungutya,
galit, at pagbabantang natanggap mula sa mga
netizen na nakapanood ng video. Nahusgahan ang
kanyang pagkatao nang dahil sa video at ang
pangayayaring ito ay bumago sa takbo ng kanyang
buhay. 
Masakit ang pinagdaanan niya subalit
napatunayan niyang ang panahon nga ang
pinakamabisang lunas. Sa paglipas ng panahon ay
unti-unting nalimot ng tao ang pangyayari at
kasabay nito'y unti unting rin siyang
nakabangon sa mapait na karanasan.
Tandaan:
Think before you click.
Bago mag-post sa social media, isipin muna natin
kung ito ba ay makakabuti o makakasama sa iba.
Written Work#2
Students: Sa yellow pad?
Reporters: Yes sa yellow pad.
1.) Ano ang Impormatibo?
2.)  Ito ay may elementong kinabibilangan ng
tauhan, tagpuan, suliranin, at mahahalagang
pangyayari?
3-5. Magbigay ng elemento ng Tekstong
Impormatibo?
6-8: Ibigay ang tatlong uri ng Tekstong
Impormatibo. 
9. Ito ay isang uri ng babasahing hindi piksiyon. 
10. Base sa aming report , ano ang halimbawa ng
Tekstong Impormatibo? 
11. Ano ang cyberbullying? 
12. Ibigay ang kaibahan ng cyberbullying sa
harapang bullying. 
13-15. Para sa 3 puntos, Kung ikaw ay may kakilala
na nakakaranas ng cyberbullying, ano ang mga
hakbang na gagawin mo upang makatulong? 
15-20. Para sa 5 puntos, kung ikaw ay nakakaranas
ng cyberbullying, Ano kaya ang magiging Epekto
nito sa'yo, Ano ang maaari mong gawin para
tumigil ang mga bully, at paano ka makakabangon
mula sa Cyberbullying?

You might also like