Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 60

Kuwento ng

Ating Komunidad
Noon
Maraming pag-aaral ang isinagawa
upang matukoy ang pinagmulan ng tao
sa ating komunidad. Karamihan sa mga
nag-aaral tungkol sa pinagmulan ng tao
ay mga antropologo. Ang antropologo
ay isang taong nagpakadalubhasa sa
sangay ng agham na pinag-aaralan ang
mga labi at lumang kasangkapan ng
sinaunang panahon.
May mga pag-aaral na nagsasabing
may mga tulay na lupang
nagdurugtong sa Pilipinas sa iba
pang lupain sa Timog-Silangang
Asya. Ipinalalagay na ang mga tao
noon ay naglakbay upang humanap
ng higit na mainam na lugar
panirahan.
Sa panahon ng pagkatunaw ng yelo,
tumaas ang tubig sa dagat na naging
dahilan ng paglubog ng mga tulay na lupa.
Ang paniniwalang ito ang naging batayan
ng ilang siyentipiko para pag-aralan nang
mabuti ang pinagmulan ng tao rito sa
Pilipinas. Ang mga halimbawa ng mga pag-
aaral na ito ay ang teoryang pandarayuhan
at teoryang core population.
Teorya ng Pandarayuhan
Sa teorya ng pandarayuhan ay
masusing pinag-aralan ang
pinagmulan ng ating mga ninuno.
Ginamit na batayan ang pagdating
ng mga dayuhan sa ating lupain ilang
libong taon na ang nakaraan.
Si Henry Otley Beyer, isang
Amerikanong antropologo, ay
naniwalang ang unang tao ay napadpad
sa ating bansa dahil sa pandarayuhan.
Sa pag-aaral na ito, sinabi niyang may
tatlong pangkat ng mga tao ang dumayo
at nanirahan sa ating lupain. Ito ay ang
mga Negrito, Indones, at Malay
Negrito
Ayon sa pag-aaral ni Beyer, ang unang
pangkat ng mga taong dumating at nanirahan
sa ating lupain ay ang mga Negrito. Sila ay
may taas na 4 na talampakan at 5
pulgada, maitim at kulot ang buhok,
malapad ang ilong, makapal ang labi, at
katamtaman ang pangangatawan.
Payak ang uri ng kanilang
pamumuhay. Nanirahan sila sa
kuweba o yungib, o sa mga lugar na
malapit sa mapagkukunan ng
pagkain. Pangangaso at pangingisda
ang pangunahin nilang ikinabuhay.
Wala silang kasanayan sa
pagtatanim. Sila ay nakaasa sa mga
pagkaing nakukuha sa kapaligiran
tulad ng mga bungangkahoy at mga
hayop sa kagubatan.
Indones
Ang Indones ang sinasabing
pangalawang pangkat na nanirahan sa
ating lupain. Dumating sila lulan ng
isang sasakyang-dagat. Inilarawan sila
bilang matatangkad na taong may taas
na 5 hanggang 6 na talampakan (1.9
metro).
Mayroon silang balingkinitang
pangangatawan, mapusyaw na balat,
matangos na ilong, manipis na labi,
at malalim na mga mata. Nagtayo
sila ng tirahan sa lupa. Mayroon
ding nanirahan sa mga puno.
Nagsuot sila ng damit at mga
palamuting gawa sa kabibe. Marunong
silang magpaapoy gamit ang buho ng
kawayan. Mayroon silang iba’t ibang
kagamitan, tulad ng sibat, sumpit, at
panangga. Ang kanilang hanapbuhay ay
pangangaso,pangingisda, at pagsasaka.
Malay
Ang huling pangkat ng mga taong
nandayuhan sa ating lupain ay ang mga
Malay. Kilala sila bilang mga manlalayag.
Ang kanilang sasakyang-dagat ay
tinawag na balanghay.
Ang mga Malay ay
-may katamtamang taas
-kayumangging balat
-balingkinitang pangangatawan
-itim at unat na buhok
-at kayumangging kulay na mga mata.
> Mayroon silang sistema ng pamahalaan
at batas. Nanirahan sila sa mga
pamayanang tinawag na barangay.
> May kakayahan silang maghabi ng
tela. > Mahilig silang magsuot ng alahas
at hiyas bilang palamuti sa katawan.
Ang ikinabuhay nila ay ang
-pakikipagkalakalan
-pagsasaka
-pangingisda
-pagmimina
-pagtotroso
-at paggawa ng paso, alak, sasakyang-
dagat, at kagamitang pandigma.
Ayon pa sa pag-aaral ni Beyer, may
kani-kaniyang katangian ang tatlong
pangkat ng mga taong nandayuhan at
nanirahan sa ating lupain. Ang bawat isa
ay may natatanging kakayahan na
naging daan upang sila ay magkaroon ng
maayos na pamumuhay
TEORYANG CORE POPULATION
May isang antropologong Pilipino ang
nagsagawa rin ng pag-aaral ukol sa
pinagmulan nating mga Pilipino. Siya ay
si Felipe Landa Jocano ng Unibersidad
ng Pilipinas. Ang kaniyang pag-aaral ay
tinawag na teoryang core population.
Ayon sa kaniya, may unang taong
nanirahan sa Pilipinas at ang kasalukuyang
Pilipino ay bunga ng prosesong ebolusyon.
Ito ay napatunayan nang mahukay ng
antropologong si Robert Fox ang buto ng
unang tao sa kuweba ng Tabon sa Palawan
noong 1962. Ito ay itinuturing na kabilang
sa Homo sapiens.
Napatunayan din na may kabihasnan
na ang unang tao noon dahil sa mga
kasangkapang nahukay sa kanilang
kuwebang tinirhan. Isa na rito ay
ang bangang Manunggul na
pinaniniwalaang pinaglagyan ng labi
ng mga namatay.
PAMUMUHAY
NG SINAUNANG
KOMUNIDAD
Pamahalaan
Ang komunidad ng mga unang tao ay
may maunlad na pamumuhay. Mayroon
silang sistema ng pamahalaan na
tinawag na barangay. Ito ay karaniwang
binubuo ng 30 hanggang 100 pamilya.
Datu o maginoo ang tawag sa pinuno ng
barangay.
Tungkulin niyang pangalagaan ang
kaligtasan ng kaniyang nasasakupan.
Ipinatutupad niya ang mga batas
upang mapanatili ang kaayusan at
mapayapang pamumuhay sa
komunidad.
Antas ng Tao sa Lipunan

Ang mga tao sa barangay ay nahahati


sa tatlong antas: ang maharlika, ang
timawa, at ang alipin.
1. Maharlika -Sila ang pinakamataas na
antas sa lipunan. Ang datu at ang
kanyang pamilya
2. Timawa - mga malayang mamamayan,
ang naatasang makipaglaban sa digmaan
at ipagtanggol ang nasasakupan
3. Alipin ay nahahati sa dalawa—ang
aliping namamahay at ang aliping
sagigilid. Pareho silang may tungkuling
paglingkuran ang pamilya ng maharlika.
Nagkakaiba lang sila sa lugar ng
kanilang gawain.
Paniniwala
May sariling paniniwala ang mga unang
tao noon. Bathala ang tawag nila sa may
gawa ng lahat. Mataas ang paggalang
nila sa kalikasan sa paniniwalang may
mga espiritung naninirahan dito.
Nag-aalay sila ng mga handog
upang ipaabot sa Bathala ang
kanilang kahilingan at mailayo
sila sa masamang espiritu.
Sa pamamagitan ng bangang Manunggul
ay nabatid ang paniniwala ng unang tao
ukol sa kamatayan.
Ang inukit na dalawang taong nakasakay
sa bangka sa takip ng banga ay
sumisimbolo sa paniniwala sa kabilang
buhay pagkatapos ng kamatayan o life
after death.
Kabuhayan
Ang uri ng hanapbuhay ng mga unang tao ay
nakabatay sa uri ng kanilang kapaligiran.
Ang mga nakatira sa mabababang lugar ay
mga magsasaka. Ang mga nanirahan sa gilid
o tabi ng dagat at ilog ay mga mangingisda.
Ang mga nakatira sa kabundukan ay mga
mangangaso at magtotroso.
Natuto ring gumawa ng mga kasangkapang
pantahanan at pandigma tulad ng kutsilyo,
pana, sumpit, at sibat ang mga unang tao.
Sa paglipas ng panahon, napahusay pa nila
ang mga kagamitang ito at napagbuti ang
paggawa ng mga sasakyang-dagat.
Gumawa rin sila ng mga palamuting gawa
sa kabibe, jade, pilak, at ginto.
Dahil maraming nandayuhan sa ating
lupain, natuto rin ang unang tao na
makipagkalakalan sa pamamagitan ng
sistemang barter o pakikipagpalitan
ng produkto. Ilan sa mga dayuhang
nakipagkalakalan sa mga unang tao sa
ating komunidad ay ang mga Tsino,
Arabe, Hapones, at Hindu.
Ang mga produktong dinala ng mga
Tsino sa atin ay ang telang seda,
porselana, timbangan, perang barya, at
mga pagkaing tulad ng pansit at siopao.
Dinala naman ng mga Arabe ang karpet
at ilang sandatang pandigma tulad ng
kris, ang punyal ng mga Moro.
Sa kanilang pakikipag-ugnayan sa mga
unang tao, nagawa rin ng mga Arabe na
ipakilala ang kanilang relihiyon na
tinawag nilang Islam. Ang mga
dayuhang Hapones naman ang nagturo
sa atin ng pag-aalaga ng itik at isda
Pinahalagahan ng mga unang tao ang
kanilang pananamit. Ang Kangan ay pang-
itaas na kasuotan ng kalalakihan. Bahag
naman ang kanilang pang-ibabang kasuotan.
Nagsuot din sila ng putong sa kanilang ulo.
Samantala, ang kababaihan ay gumamit ng
baro (ang pang-itaas nilang kasuotan) at
saya o patadyong, ang kanilang pang-
ibabang kasuotan).
Edukasyon
Ang sistema ng panulat ng mga unang
tao ay tinawag na baybayin. Ito ay may
tatlong patinig at labing-apat na
katinig. Ang karaniwang gamit nilang
panulat sa bumbong ng kawayan o dahon
ng puno ay ang matulis na kahoy.
Arkitektura
Ang mga unang tao ay may natatanging
kakayahan sa paggawa ng malawak na
palayan sa gilid ng kabundukan gamit
ang matutulis na kasangkapan, mga
bato, at kanilang mga kamay. Ang
hagdanhagdang palayang ito ay
matatagpuan sa Banaue, Ifugao.
Makikita ang pagiging malikhain,
matiyaga, masipag, at mahusay ng
buong komunidad na nagtulong-tulong
upang mabuo ang tanyag na Hagdan-
hagdang Palayan ng Banaue.
Itinuturing itong pamanang pangkultura
ng ating lahi hindi lamang sa ating mga
Pilipino kung hindi pati sa buong Mundo.

You might also like