Sanaysay at Pagtatalata

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

S A N AY S AY AT

PA G TATA L ATA
Inihanda: John Ferwin Evan C. Gutierrez
ANO NGA BA ANG IBIG
SABIHIN NG SANAYSAY?
01 ANO ANG SANAYSAY?
• Isang uri ng panitikang nasuusulat sa anyong tuluyan na
karaniwang pumapaksa sa mga kaisipan at mga bagay-bagay na
sadyang kapupulutan ng aral at aliw ng mga mambabasa.

• Ang sanaysay ay isang sulatin na naglalayong magpahayag,


magpaliwanag, at magsalaysay ng mga pananaw o kaalaman.

• Ang isang sanaysay ay naiiba sa ibang uri ng sulatin dahil


nakatuon ito sa iisang paksa at diwa lamang.
DALAWANG URI NG
SANAYSAY
PORMAL O MAANYONG
01 SANAYSAY

• Ito ay nagtataglay ng makatotohanang impormasyon, piling


mga salita, at pahayagan na maingat na tinalakay kaya’t
masasabing mabisa.

• Ito ay may maayos na balangkas na nakatutulong sa lohikal


na paglalahad ng kaisipan. Ang ganitong uri ng sanaysay ay
karaniwang umaakay sa mga mambabasang mag-isip nang
malalim at paglakbayin ang guniguni.
02 PAMILYAR O DI-PORMAL
NA SANAYSAY

• Ito ay sanaysay na mapang-aliw, mapagbiro, at


nagbibigay-lugod sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga
karaniwan, pang-araw-araw, at personal na paksa.
• Binibigyang-diin nito ang karanasan at mga isyung bukod
sa kababakasan ng personalidad ng may-akda ay
maaaring naranasan din ng mga mambabasa.
• Ang pananalita ay parang usapan lamang ng
magkakaibigan kaya magaan, madaling maintindihan, at
palagay na palagay ang loob ng may-akda. Malimit itong
nasusulat sa unang panauhan.
BAHAGI NG
SANAYSAY
01
PANIMULA

Ito ang pinakamahalagang bahagi ng sanaysay dahil


nakasalalay dito kung ipagpapatuloy ng isang
mambabasa ang sanaysay o hindi. Isinusulat dito ang
mga nakapupukaw-interes na mga salita upang makuha
ang atensyon at ganahan sa pagbasa hanggang sa
matapos ito.
02
KATAWAN

Naglalaman ito ng mga mahahalagang katotohanan sa


isang paksa. Sinasagot dito ang mga ibinatong tanong sa
panimula. Nagtatawid din ito ng mga mahahalagang
impormasyon para talakayin ang problemang
bumabangon sa paksa.
03
WAKAS

Sa bahaging ito isinasara ng akda ang paksang


nagaganap sa gitna o katawan ng isinulat niya. Dito tin
naghahamon ang akda sa mga isip ng mga mambabasa
na maisakatuparan ang mga isyung tinatalakayan niya.
PAGTATALATA
PINDUTIN!
01 ANO ANG
PAGTATALATA?

Ang talata ay isang maikling kathang binubuo


ng mga pangungusap na magkakaugnay, may
balangkas, may layunin, at pag-unlad ng
kaisipang nakasaad sa pinakapaksang
pangungusap na maaring lantad o di lantad.
Layunin ng isang talata ang makapagpahatid
ng isang ganap na kaisipan sa tulong ng mga
pangungusap na magkakaugnay.
MGA KATANGIAN
NG MABUTING
TALATA
PINDUTIN!
KAGANAPAN

01 May kaganapan ang isang talata kung natupad o


naipakita nito ang layunin sa pagsulat. Halimbawa,
kung ang layunin sa pagsulat ng talata ay magbigay
ng impormasyon, dapat sumasagot ito sa tanong na
“Nakapagbigay ba ng impormasyon o kaalaman ang
talata?” Kung ang layunin ay manghinuha, “Nakabuo
ba ng malinaw na paghihinuha sa isipan ng mga
mambabasa ang talata?
KAISAHAN

02 Ang talata ay dapat na nagtataglay ng


mga pangungusap na nakatutulong sa
pagbuo ng kaisipang isinasaad ng
pamaksang pangungusap.
KAAYUSAN

03
Ito naman po ay tumutukoy sa
maayos at tamang pagkasunod-
sunod ng mga pangungusap na
bumubuo nito.
PAGKAKAUGNAY

04 Ito ay nangangahulugang ang


mga pangungusap ay
magkakaugnay upang makabuo
ng isang pangunahing diwa o
kaisipan.
MARAMING SALAMAT!
Umaasa ako na makakakuha kayo ng kapaki-pakinabang na
kaalaman mula sa pagtatalakay na ito. Mabuhay!

You might also like