Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

FILIPINO

Q3-W1
DAY 1-3
Panuto: Salungguhitan ang angkop na pang-uri sa loob ng
panaklong upang mabuo ang diwa ng pangungusap
1. (Malamig, Mainit) sa Baguio lalo na kung
buwan ng Enero.
2. Ang tarsier ay tulad ng isang (maliit na,
malaking) unggoy.
3. (Mahaba, Matangkad) ang nanalong Bb.
Dapitan.
4. (Dilaw, Berde) ang kulay ng hinog na
mangga.
5. Ang Karagatang Pasipiko ay (napakalalim,
napakababaw).
Ngayong araw ay pag-
aaralan natin ang
tungkol sa tambalang
salita.
Bahay-Kubo
Bahay-kubo, kahit munti
Ang halaman doon ay sari-sari
Singkamas at talong
Sigarilyas at mani
Sitaw, bataw, patani.
Kundol, patola, upo’t kalabasa
At saka mayro’n pang
Labanos mustasa
Sibuyas, kamatis, bawang at luya
Sa paligid-ligid ay puno ng linga
Tanong:
1. Ano ang pamagat ng kanta?
2. Ilang salita ang bumubuo sa
bahay-kubo?
3. Ano ang tawag sa salitang ito?
Basahin.
1. Ang mga punongkahoy ay mahalaga sa mga tao at sa
mga hayop.
2. Marami kang makikita na aklat at peryodiko sa silid-
aklatan.
3. Nagising si Keziah ng aso niya nang mga hatinggabi.
-

Pansinin ang mga salitang may salungguhit. Ang dalawang


salita na pinagsasama upang makabuo ng isang salita ay
tinatawag na tambalang salita.
Halimbawa: tubig + alat = tubig-alat
Minsan, ang pinagtambal na salita ay nananatili ang
literal na kahulugan ng bawat salita.
Iba pang halimbawa ng Tambalang Salita
punongkahoy = puno
silid-aklatan = isang silid na may koleksiyon ng
mga aklat, peryodiko na maaaring basahin o
hiramin
hatinggabi = kalagitnaan ng gabi, 12:00AM
Panuto: Pagtambalin ang bawat salita sa unang
kolum sa isang salita sa ikalawang kolum upang
makabuo ng tambalang-salita.
Hanay A Hanay B
1. punong A. ilog
2. tubig B. bukid
3. tabing C. kahoy
4. silid D. alat
5. dalagang E. aralan
Panuto: Tukuyin at salungguhitan ang
salitang tambalan sa pangungusap.
-

1. Si Keona at Keziah ay nagtatampisaw sa


tubig-ulan.
2. Maraming mag-aaral ang pumupunta sa
silid-aklatan upang magsaliksik.
3. Hatinggabi na nang makauwi si Caloy sa
kanilang bahay.
Panuto: Ano ang ibig-sabihin ng bawat
tambalang salita? Bilugan ang titik ng tamang
sagot.
1. taong-bundok
A. uri ng bundok B. taong nakatira sa bundok

2. tubig-alat
A. tubig na malamig B. tubig galing sa dagat

3. tabing-dagat
A. sa tabi ng dagat B. sa kabilang dagat
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
___1. Nakahanda na ang silid-tulugan para sa mga bisita.
A. isang silid sa bahay kung saan kadalasang natutulog ang mga tao
B. isang silid sa bahay kung saan kumakain ang buong pamilya
___2. Patay-sindi ang ilaw namin kagabi.
A. namamatay at nabubuhay ang liwanag
B. hindi na gumagana ang ilaw
___3. Sadyang napakaswerte ni Ysha dahil
buhay-prinsesa na siya ngayon dahil sa kanyang lumalagong negosyo.
A. buhay senyorita
B. buhay mahirap
___4. Labas-pasok sa bilangguan si Ben dahil sa panggugulo.
A. lumalabas at pumapasok
B. lumalabas at umuuwi

You might also like