Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

MOTHER TONGUE

1
QUARTER 4
WEEK2
DAY 2
Natutukoy ang salitang naglalarawan
ayon sa kulay,sukat,tekstura,
temperatura at damdamin sa
pangungusap.
Magpakita ng mga bagay na may
ibat-ibang kulay. Ano ang masasabi
ninyo sa kulay ng itlog?mansanas?
araw? atbp
Basahin ang maikling kwento at ipabasa sa
mga bata.
Isang araw ng Linggo, maagang gumising
ang mag-anak ni Mang Ramon. Pupunta sila
sa pamasyal sa tabing dagat. May baon
silang itlog at yema. May dala rin silang
prutas, tulad ng pulang mansanas, pinya at
hinog na mangga.
Tuwang- tuwa ang mga bata sa paglalaro ng
bola sa puting buhanginan. Pagkatapos,
kumain sila ng mansanas at hinog na mangga
. Binalatan din ni Mang Ramon ang pinya.
Masayang- masaya ang mag-anak sa
kanilang pamamasyal.
Pagtalakay
Tanong:
1. Sino ang maagang gumising?
2. Saan sila mamasyal?
3. Ano ang dala nilang baon?
4. Ano ang ginawa ng mga bata?
5. Bakit tuwang-tuwa ang mga bata sa kanilang
paglalaro?
6. Paano mo ilalarawan ang mga prutas na dala
nila?
7. Sa inyong palagay, anong uri ng pamilya sina
Mang Ramon?
Basahin ang mga pangungusap.
Ang itlog ay puti.
Ang yema sa plato ay kulay kaki.
Mapula ang mansanas.

Ano ang tawag natin sa salitang kaki? maputi?


(mga salitang naglalarawan ng kulay)
Pangkatang Gawain
A.Bilugan ang salitang nagsasabi ng kulay sa
pangungusap.
Mapula ang labi ni ate.
Ang buhok ni lola ay maputi.
Ang aso ko ay itim at puti.
Ang pakwan ay berde at pula.
Pangkatang Gawain
B. Gumuhit ng mga larawan ng
bagay na may ibat ibang kulay.
Pangkatang Gawain
C. Tukuyin ang salitang naglalarawan ng kulay sa mga
sumusunod na bagay. Isulat sa tamang kahon.
Larawan Kulay
1.
2.
3.
4.
5.
Paglalahat
Tukuyin at bilugan ang salitang naglalarawan ng kulay sa mga
sumusunod na pangungusap.

1. Si Rico ay namasyal sa dalampasigan pino ang


buhangin dito samantalang si Ben ay pumunta sa
malinaw na tubig dagat at ibat ibang kulay ng bato
doon.

Kung papipiliin ka ng lugar na papasyalan, ano ang


pipiliin mo, batuhan o buhanginan? Bakit? Ano ang dapat
mong gawin habang namamasyal?
Paglalahat
May mga salitang
naglalarawan ng kulay sa
pangungusap.
Ang salitang naglalarawan ay
tinatawag na pang-uri.
Pagtataya
Tukuyin at bilugan ang salitang naglalarawan ng
kulay sa mga sumusunod na pangungusap.
1. Ang maputing bigas ay isinaing niya.
2. Kaypula ng mga rosas na tanim nila.
3. Maitim ang balat ng kalabaw.
4. Iginawa ako ni kuya ng pulang saranggola.
5. Luntian ang damo sa bukid.
Takdang –Aralin
Salungguhitan ang salitang nagsasabi ng
kulay sa pangungusap.
1. Ang langit ay bughaw.
2. Ang lapis ni Gio ay dilaw.
3. Masustansiya ang berdeng gulay.
4. Maganda ang pulang laso ni ate.
Thank You!!!

You might also like