Dokumen - Tips - Kabanata 31 NG El Filibusterismo

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

EL FILIBUTERISMO

Kabanata 31:
Mataas na Kawani
Tauhan:
Padre Camorra 
Padre Florentino 
Ben Zayb 
Basilio 
Kapitan Heneral 
Isagani 
Makaraig 
Mataas na Kawani
Buod:
Ang nagkalat na balita sa mga peryodiko sa Pilipinas
ay tungkol sa Europa, mga puri at bola sa predikador
ng bansa at sa operatang Pranses kaya ilang bahagi
lamang ng peryodiko ang nalaan tungkol sa mga
nangyayari sa lalawigan. Nasali doon ang tungkol sa
grupo ng mga tulisan na pinamumunuan ni
Matanglawin(kabesang tales). Hindi napansin ang
nangyari sa bayan ng Tiani, bulong-bulongan lamang
ang nagkalat at hindi nila matukoy kung sino talaga
ang babaeng nahulog sa tuktok ng kumbento. Ang
tanging katiyakan sa mga balita ay ang pag-alis ni
Padre Camorra sa kumbento at panandaliang pagtuloy
sa Maynila.
Buod:
Napalaya na ang mga estudyanteng nakulong. Ang
tanging naiwan sa piitan ay si Basilio. Ipinagdiinan ng
Kapitan Heneral na dapat ay may maiwan sa isa sa
mga nakulong upang maisalba ang prestige at
authority ng gobyerno, at hindi masabi ng iba na
sobra-sobra ang pagpaparaya at ginawang ingaysa
walang kuwentang bagay. Nagmungkahi si Pare Irene,
na si Basilio ang maiwan dahil ito ay utusan at ulilang
lubos na, at tiyakna walang maghahabol.
Buod:
Binigyan ng katwiran ng Mataas na Kawani na si
Sarayguday ay isang estudyante sa medisina, pinupuri
ng mga guro, at mawawalan ng isang taon sa kanyang
pag-aaral pag nagtagal pa sa piitan, patapos na din kasi
ito sa kurso.
Matagal na pa lang may samaan ng loob ang Mataas
na Kawani at Kapitan Heneral, kaya dagdag dahilan sa
Kapitan Heneral na mas lalong pahirapan si Basilio
dahil ito ay ipinilit ng mataas na Kawani. Dahil dito
nagsisi ang Mataas na Kawani sa pagtukoy kay Basilio
at naawa siya sa bata dahil mas lalo itong didiinan ng
Kapitan Heneral.
Buod:
Sinabi ng Mataas na Kawani na si Basilio daw ang
pinakainosente sa lahat, hindi nga ito kasali sa mga
estudyante na nagpulong-pulong sa pansiterya, at ang
nahuli lang sa kanya na siyang nagdidiin na sala niya
ay ang pagkakaroon ng mga bawal na libro. Ang mga
librong tinutukoy ay tungkol sa medisina at ilang mga
polyeta tungkol sa Pilipinas. Pero pinipilit pa rin ng
Kapitan Heneral dahil isa daw itong magandang
ehemplo at mas nakakatakot.
Buod:
Nagpatuloy ang pagtatalo ng dalawa. Umabot sila sa usapin
tungkol sa Espanya, na nangako ng hustisya at sisikaping
idulot ang kagalingan sa Pilipinas. Sinabi ng Mataas na
Kawani na hindi siya tulad ng mga alipin na walang boses
at dignidad, ipaglalaban niya ang kung ano sa tingin niya
ang tama. Na bago ang Espanya ay tao siya na may
dignidad. Ang Espanya ay may dangal, mataas na prinsipyo
at moralidad. Ok lang na mawala daw lahat huwag lang ang
moralidad ng Espanya. Tinukoy din ng Mataas na Kawani
na kung malalaman man ng Espanya ang pinaggagawa ng
Kapitan Heneral, tiyak siya na ang mga alipin ang
kakampihan dahil ito ang tama at makatarungan.
Buod:
Tinanong ng Kapitan Heneral sa Mataas na Kawani
kung kelan ang alis ng huling koreo sa araw na yun, at
napayuko na lang ang Mataas na Empleado. Nilisan ng
Mataas na Kawani ang palasyo at sumakay sa
karwahe. Sinabi niya sa kutsero na “pagdating ng araw
na magdeklara kayo ng independensiya,” nagtaka ang
kutsero sa sinabi nito, at tinuloy niya na “alalahanin
ninyo na hindi nagkulang sa Espanya ng mga pusong
tumitibok at lumalaban para sa inyong mga
karapatan!”.
Nagbitiw ang Mataas na Empleado sa tungkulin.
Ipinahayag niya ang pag-alis, sakay ng susunod na
Koreo (bapor).
Pahiwatig sa Kabanata
-Ang pagtatanggol ng mataas na kawani kay Basilio ay
isang pagpapatunay na may ilan ding Kastilang ,ay
ugaling marangal.

-Palaging api ang mga walang lakas at mga dukha.


Hanggang ngayon ay ito ang larawan ng katarungan sa
ating bansa

You might also like