Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 31

PANITIKAN SA PANAHON NG

KATUTUBO
(KALIGIRANG
PANGKASAYSAYAN, AKDANG
PAMPANITIKAN, KATUTUBONG
PAHAYAG)By:
Jhester C. Bana
Reymark V. Datog
Miles Theodore A. Tenorio
PANAHON NG KATUTUBO
•Ayon sa pag aaral may sarili ng sibilisasyon ang ating mga
ninuno, bago pa man dumating ang mga Kastila, mga
Negrito, Indones at Malay.
•Mayroon narin silang sariling alpabeto at panitikan bago
pa man dumating ang mga kastila
•Karamihan sa mga panitikan nila’y yaong mga pasalin-dila
gaya ng bugtong, epiko, salawikain at kwentong bayan na
anyong patula, mga kwentong-bayan, almat, alamat at mito
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN
•Ito ay tinatawag na “Historical Background” sa Ingles
•Ito ay tumutukoy sa mga naunang mga pangyayari o
dahilan na pinag-ugatan kung paano at bakit nagkaroon
o Nakagawa ng isang tao, bagay, pangyayari at iba pa.
•Ito ay tinatawag na pinagsimulan o “ORIGIN” ng mga
bagay-bagay na naririnig, nakikita at nararanasan sa
kasalukuyang panahon.
AKDANG PAMPANITIKAN
PANITIKAN
• Ito nag mula sa salitang "pang-titik- an" na ang
ibig sabihin ay literatura o mga akdang
nasusulat.
• Ito ay naglalaman ng mga akdang may
kinalaman sa pang-araw-araw na buhay, mga
kathang-isip, pag- ibig, kasaysayan at iba pa.
MGA URI NG
AKDANG
PAMPANITIKAN
TALAMBUHAY
•Akdang pampanitikan kung saan
nilalarawan ang buhay ng
pangunahing tauhan at ang mga
nagawa, nangyari, at mga katangian
ng mga tauhan sa akda.
TULA
• Uri ng akdang pampanitikan na naglalaman ng
makahulugang mga paksa.
•Naglalaman ang tula ng mga tugma, metro/sukat at
taludtod sa isang akda.
DULA
• Akdang pampanitikan kung saan ito ay itinatanghal sa
entablado sa harapan ng maraming manunood.
• Kadalasang may paksang pagi-ibigan, panlipunan at
pangpamahalaan.
• isang masining at mabulaklak na pagtatanghal na
bibibigyang buhay ang galaw o karanasan ng isang tao
sapamamagitan ng pagtatanghal sa entablado.
Mayaman ito sa mga paksang pangkasaysayan.
HALIMBAWA NG DULA
• JAGUAR - isa itong dula ukol sa trahedya. Ang trahedya ay isang dula na nagtatapos sa isang
mapait na karanasan o kadalasan, pagkasawi ng mga tauhan. Tungkol ito sa isang sekyu na
si Poldo Miranda at ang kanyang karanasan sa ating lipunan. May mga taong nabubuhay sa
mali maabot lang ang pangarap at umangat lang sa buhay. Napatay ni Poldo ang isa mga
tauhan dahil sa away at siya ay nabilanggo dahil dito.  
• PANUNULUYAN - isang dulang pangrelihiyon. Madalas itong napapanuod tuwing Pasko at
kahit sa mga lansangan ay isinasagawa ito. Tungkol ito sa karanasan nila Maria at Joseph
bago isilang ang batang si Hesus.  
• SA PULA, SA PUTI - isang komedyang dula. Ang komedya ay isang dula na may kasiyahan o
mabuting emosyon na ibinibigay sa mga manunuod. Ang kwento ay nagtatapos sa
masayang tagpo.  
• MORO-MORO - isang dula tungkol sa labanan ng mga kastila at muslim. Ang mga salita at
linya ng mga tauhan ay patulang sinasambit. Makukulay at magaganda ang mga kasuotan.
• SANTACRUSAN - isang dula tungkol sa pagharap ni Maria Elena kay Kristo.
TALUMPATI
•Akda kung saan ito ay itinatanghal sa harapan ng
maraming tao gamit ang pagsasalita.
•Karaniwang may temang panghihikayat.
HALIMBAWA:
ALAMAT
• Akda na ang laman ang mga kwento tungkol sa
pinagmulan ng mga bagay-bagay sa mundong ibabawa.
• pagsasalaysay tungkol sa pinagmulan ng isang bagay o
anuman sa paligid.
HALIMBAWA:
Alamat ng Rosas
Alamat ng Pinya
Alamat ng Butiki
MAIKLING KWENTO
• Akdang pampanitikan na may bilang na tauhan
lamang at pangyayari.
• •May mga paksang pang pamilya at panlipunan – ang
mga pangyayari ay nagdudulot ng isang kakintalan sa
isip ng mga mambabasa sa pamamagitan ng
paglalahad ng mahahalagang pangyayari sa buhay ng
mga tauhan.
EPIKO
•Akdang pampanitikan kung saan naglalaman ng mga kwento
tungkol sa paglalakbay, pakikidigma at kabayanihan ng pangunahin
tauhan.
•mga tulang-salaysay tungkol sa mga bayani at sa kanilang mga
kabayanihan.
HALIMBAWA:
Biag ni Lam-ang (Ilokano)
Ibalon (Bicol)
Bidasari (Mindanao)
PABULA
• Mga kwento na kung saan ang pangunahing tauhan ay mga hayop.
• Ito ay karaniwang ginagalawan ng mga hayop bilang tauhan ng
kwento. Kadalasang ito ay nagbibigay ng aral sa hulihan ng
kwento.
HALIMBAWA:
Ang pagong at si Matsing
Ang Daga at ang Leon
Ang uwak at ang Gansa
NOBELA
• Panitikan kung saan ito ay naglalaman ng mga paksang
panlipunan.
•Ito ay may mga mahahabang serye at kabanata sa isang
akda.
• isang salayaysay na binubuo ng mga kawil- kawil na mga
pangyayari, hinati-hati sa kabanata, punung-puno ng
masasalimuot na mga pangyayari, maymalalim na mga
tunggalian, kasukdulan at kakalasan.
HALIMBAWA

SALAWIKAIN
• Maikling mga pangungusap na naglalaman ng
makahulugang mga paksa, kadalasang
naihahalintulad sa pang-araw- araw na
pamumuhay.
PARABULA
• karaniwang ang kwento ay nagmula sa Bibliya na
karaniwang nagiiwan ng magandang aral sa mga
mambabasa.
HALIMBAWA
Superbook
Ang Mabait na Samaritano
Ang alibughang Anak
MITO
• ito ay mga kwento tungkol sa mga diyos at
diyosa.
HALIMBAWA
Si Malakas at Si Ganda
Ang Sirena at si Santiago (Mitolohiya mula sa
Pagadian)
KWENTONG-BAYAN
• karaniwang ang kwento ay tungkol sa mga
kaugalian,kultura, paniniwala sa isang partikular
na pook.
ANEKDOTA
•isang pagsasalaysay batay sa tunay na pangyayaring
naganap sa buhay ng isang tao, maaaring nakatutuwa
at nakawiwiling pakinggan.
KATUTURAN NG MGA KATUTUBONG
PAGPAPAHAYAG
• Sa mga katutubong pahayag na mga ito ay mababakas ang mga
kaugalian asal, gawi at katangian na tanging atin lamang.
• Ito'y mga kaban ng yaman ng lahing kayumanggi.
• Sa mga katutubong pahayag at masasalamin ang kultura gawi,
paniniwala at heograpiya ng lugar sa Pilipinas na pinagmulan nito.
• Bagama't marami na sa mga ito nasalin na sa wikang Filipino,
mababanaag parini sa mga pahayag Magkagayunpaman ang mga
katutubong pahayag, saan man ito nagmula ay ginagamit na at palasak
na sa buong sambayang Pilipino
MGA URI NG
KATUTUBONG
PAHAYAG
SALAWIKAIN
• Ito ay mga kaisipang nakaugalian bang sabihin at
nagsilbing batas at tuntunin ng kagandahang asal
ng ating mga ninuno.
KAWIKAAN
• Ang mga kawikaan ay paalala na may dalang
mensahe at aral na kadalasan ay hango sa bibliya.
SAWIKAIN
• Ito ay mga katutubong pahayag na walang
natatagong kahulugan.
KASABIHAN
• Ito ay bukambibig o sabi-sabing hinango sa
karanasan ng buhay na nagsisilbing patnubay sa
mga dapat ugaliin na tinanggap ng bayan sa
pagdaraan ng panahon.
• Ang kasabihan din ay karaniwang ginagamit sa
panunukso o pagpuna sa kilos ng isang tao.
BUGTONG
• Pahulaan o patuunan na binibigkas nang patula
• Nilalaman nito ang pag uugali, kaisipan at mga
pangyayari sa pang-araw-araw na buhay
KAHALAGAHAN SA PAG AARAL NG
KATUTUBONG KULTURA AT PANITIKAN
SA KASALUKUYAN
• Maaaring makabuo ng iba't ibang pananaw sa larangan ng panitikan. Ang
pagkakaiba ng ganitong paghahaka ay nakabatay sa pinag-aralan at
kakayahan lalo na sa karanasan sa buhay ng tao. Tumutulong ang panitikan sa
pag-unlad ng buong pagkatao ng isang nilalang dahil lumalawak ang kanyang
kamalayan at pagpapahalaga sa sarili, sa kapwa, sa lipunan, at sa mundong
kanyang ginagalawan. Humihikayat ng malalim na pag-iisip ang panitikan
dahil sa katangi-tangi nitong anyo ng karunungang may mataas na antas ng
kaisipan, saloobin o damdamin, at pananalita na matatagpuan sa mga tekstong
pampanitikan gaya ng mga sinaunang anyo ng kuwento (mito, alamat
salaysayin, at pabula), tula, dula maikling kuwento, nobela, sanaysay,
talumpati, at anekdota sa piling lathalain man-sa pasalita o pasulat na
kaanyuan.
End of Report
Thank you!

You might also like