Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 36

GROUP 5

MGA DIGMAAN SA PILIPINAS


POWER POINT PRESENTATION

GIYERA SA ZAMBOANGA
AT SA MARAWI
KRISIS SA MARAWI
IKA-23 NG MAYO
HANGANG
IKA-23 NG OKTUBRE
2017
(5 BUWAN)
Ang Krisis sa Marawi, tinatawag ring Labanan
sa Marawi, o Pagkubkob sa Marawi, ay ang
limang buwang itinagal na bakbakan sa Marawi
 sa pagitan ng puwersa ng Pamahalaan ng
Pilipinas at ang mga kaakibat na militante ng 
Islamikong Estado ng Irak at ang Levant,
kabilang ang mga pangkat ng Maute at 
Abu Sayyaf na nagsimula noong ika-23 ng
Mayo, 2017. Ang labanang ito ay naging
pinakamahabang digmaan sa pook na urbano
 sa makabagong kasaysayan ng Pilipinas.
Inihayag ng pamahalaan ng Pilipinas
na nagsimula ang mga pag-atake nang
inilunsad nila ang opensiba sa lungsod
upang hulihin si Isnilon Hapilon ng
grupong Abu Sayyaf, pagkatapos
makatanggap ng mga ulat na si Hapilon
ay nasa lungsod, maaaring upang
makipagkita sa mga militante ng
pangkat ng Maute.
Isang madugong bakbakan ang
nagsimula nang ang puwersa ni Hapilon
ay nagpaputok sa pinagsamang hukbo
ng militar at pulis at nagpatawag ng
dagdag na hukbo mula sa Maute, isang
armadong pangkat na nanumpa ng
pakikipagalyansa sa Islamikong Estado
at ang mga pinaniniwalaang responsable
sa pagsabog sa lungsod ng Dabaw noong
2016, ayon sa mga tagapagsalita ng
militar.
Nilusob ng mga bandidong Maute ang Kampo Ranao
at inokupa ang ilang mga gusali sa lungsod, kasama
ang Bulwagang Panlungsod ng Marawi,
Pamantasang Estado ng Mindanao, isang ospital at
bilibid. Inokupa rin ng pangkat ang pangunahing
kalsada at sinunog ang Simbahan ni Santa Maria,
Paaralang Ninoy Aquino, at Kolehiyo ng Dansalan na
pinangangasiwaan ng United Church of Christ in the
Philippines (Nagkakaisang Simbahan ni Kristo sa
Pilipinas) o UCCP. Sinalakay rin ng pangkat ang
Katedral ng Marawi at binihag ang isang pari, pati
ang ilang mga nagsimba.
BEFORE
AFTER
Noong ika-26 ng Mayo, 2017,
kinumpirma ng Sandatahang Lakas ng
Pilipinas na ang mga dayuhang terorista
ay lumalaban kasama ang Maute sa
Marawi at ang kanilang pangunahing
layunin ay magtaas ng watawat ng
Islamikong Estado sa Kapitolyong
Panlalawigan ng Lanao del Sur at
magpahayag ng wilayat o panlalawigang
teritoryo ng Islamikong Estado sa Lanao
Noong ika-17 ng Oktubre, 2017, isang araw matapos
ang pagkamatay ng mga pinuno ng mga militante na
sina Omar Maute at Isnilon Hapilon, inihayag ni
Pangulong Duterte na malaya na ang Marawi.
Gayunpaman, ang Brigadyer-Heneral na si Restituto
Padilla, tagapagsalita ng militar, inihayag naman na ilan
sa mga militante ay nananatili at ang mga operasyon ay
magpapatuloy hanggang sa sila'y mapuksa.[54] Limang
araw ang nakalipas, ika-23 ng Oktubre, inanunsyo ng
Kalihim ng Tanggulang Pambansa na si Delfin
Lorenzana na ang limang buwang bakbakan laban sa
mga terorista sa Marawi ay nagtapos na.
PAGKATAPOS
NG
GIYERA
Mga namatay
Ang mga naiulat na namatay ay ang mga
sumusunod:
=974 bandido ang napatay (kabilang ang 13
dayuhan)
=165 sundalo at pulis ang namatay (12 sa mga
sundalo ang namatay sanhi ng sumablay na
pagbomba mula sa himpapawid)
=87 sibilyan ang namatay (kabilang ang 40
namatay dahil sa sakit)
=higit 1,400 tropa ng pamahalaan ang sugatan
Bukod sa mga namatay,
halos nasira ang buong
Marawi sa itinuturing na
bilang pinakamabigat na
labanan sa Pilipinas mula
noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig.
DIGMAAN
SA
ZAMBOANGA
MEMBERS:
RYBACK STEVEN ESTOPACE
PHOEMELA MARIE SIERRA
KIM LLOYD GARDE
MANATAD
LEI LOCSON
ARIENNE BURGOS
ADRIANA AGUILAR

You might also like