Tekstong Argyumentatibo

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 19

PA G B A S A N G I B A ' T I B A N G T E K S T O T U N G O S A

TEKSTONG
PA N A N A L I K S I K

ARGYUMENTATIBO
Inihanda ni Bb. Rica Gabitanan
TESKTONG
ARGYUMENTATIBO
Nagbibigay ng isang sapat at matibay
na pagpapaliwanag patungkol sa
isang mahalagang paksa o maselang
isyu.
Ang tekstong ito ay naglalahad ng paniniwala o
pananaw. Ito rin ay sumasagot sa tanong na
bakit. Kinakailangan ng mabisang panghihikayat
at hindi mapapasubaliang pagsisiwalat ng
prinsipyo o paninindigan.
BAHAGI NG TEKSTONG
ARGUMENTATIBO

• Panimula
• Katawan
• Konklusyon
PANIMULA
Mapanghikayat sa paraang mahusay na
mailahad ang pangkalahatang paksang
tatalakayin at ang proposisyon
mapanghikayat.

Ang proposisyon ay isang pahayag na naglalaman ng


isang opinyon na maaaring pagtalunan.
Lahat ng argyumento ukol sa inihaing
proposisyon ay kailangang organisadong
maihanay sa katawan ng tekstong
KATAWAN argyumentatibo. Kinakailangan ng malawak
na kaalaman sa paksa upang magtaglay ng
bigat ang pangangatwiran.
KONKLUSYON
Sa bahaging ito, inilalatag ng
sumulat ang kabuuan niyang
pananaw ukol sa kaniyang
proposisyon. Kailangan ang pahayag
ay tuwiran, mariin, malinaw, at
mabisa. Makumbinsi ng
tagapagsalita ang sinomang may
taliwas na opinyon
MGA MALING
PANGANGATWIRAN
ARGUMENTUM AD HOMINEM
Isang na kahihiyang pag-atake sa personal na
katangian/katayuan ng katunggali at hindi sa isyung
tinatalakay o pinagtatalunan.
Hal. Ano ang mapapala ninyong iboto ang aking katunggali
gayong ni hindi siya naging pinuno ng kanyang klase o ng
kanyang barangay kaya? Balita ko’y under de saya pa yata!
ARGUMENTUM AD BACULUM
- Puwersa o awtoridad ang gamit upang maiwasan
ang isyu at maipanalo ang argyumento.

Hal. Tumigil ka sa sinasabi mo! Anak lang kita at wala kang


karapatang magsalita sa akin nang ganyan! Baka sampalin kita at
nang makita mo ang hinahanap mo!
ARGUMENTUM AD MISERICORDIAM
- Upang makamit ang awa at pagkampi ng mga
nakikinig/bumabasa, ginagamit ito sa paraang pumipili ng mga
salitang umaatake sa damdamin at hindi sa kaisipan.

Hal. Limusan natin ang mga kapuspalad na taong ito sa lansangan. Hindi ba
natin nakikita ang marurumi nilang damit, payat na pangangatawan at
nanlalalim na mga mata? Ano na lamang ba ang magbigay ng ilang sentimos
bilang pantawid-gutom?
NON SEQUITIR
- Sa Ingles ang ibig sabihin nito ay It doesn’t
follow. Pagbibigay ito ng konklusyon sa kabila ng
mga walang kaugnayang batayan.
Hal. Ang santol ay hindi magbubunga ng manga. Masamang
pamilya ang pinagmulan niya. Magulong paligid ang
kaniyang nilakhan. Ano pa ang inaasahan mo sa ganyang uri
ng tao kundi kawalang-hiyaan.
IGNORANTIO ELENCHI
- Ginagamit ito ng mga Pilipino lalo na sa mga usapang
barberya, wika nga. Ito ang kilala sa Ingles na circular
reasoning o paligoy-ligoy.

Hal. Ano mang bagay na magpapatunay sa aking pagkatao ay


maipapaliliwanag ng aking butihing maybahay. Tiyak ko namang
paniniwalaan ninyo siya pagkat naging mabuti siyang ina ng aking
mga anak, kahit tanungin pa ninyo sila ngayon
MALING PAGLALAHAT
Dahil lamang sa ilang aytem/sitwasyon,
nagbibigay na agad ng isang konklusyong na
siyang sumasaklaw sa pangkalahatan.
Hal. Ang artistang ito ay naging tiwali sa kanyang panunungkulan.
Ang artista namang iyon ay maraming asawa, samantalang bobo
naman ang isang ito na tumatakbo bilang konsehal. Huwag na nating
iboto ang mga artista!
MALING PAGHAHAMBING
Karaniwan nang tinatawag na usapang lasing ang
ganitong uri pagkat mayroon ngang hambingin ngunit
sumasala naman sa matinong konklusyon.

Hal. (Sagot ng anak sa ina) Bakit ninyo ako patutulugin agad?


Kung kayo nga ay gising pa.
MALING SALIGAN
Nagsisimula ito sa maling akala na siya
namang naging batayan. Ipinapatuloy ang
gayon hanggang magkaroon ng konklusyong
na wala sa katwiran.

Hal. Lahat ng kabataan ay pag-aasawa ang iniisip.


Sa pag- aasawa, kailangan ang katapatan at
kasipagan upang magtagumpay. Dahil dito, dapat
lamang na maging tapat at masipag ang mga
kabataan
DILEMMA
Naghahandog lamang ng dalawang opsyon/pagpipilian
na para bang iyon lamang at wala nang iba pang
alternatibo.

Hal. Upang hindi ka mapahiya sa ating debate, ganito na lamang


ang gawin mo: huwag ka nang pumunta o kaya ay magsabmit ka ng
papel na nagsasaad ng iyong pag-urong.
SANGGUNIAN
• Bernales, Rolando A .,et al. Pagbasa at Pagsulat tungo sa
Pananaliksik. Malabon City. Mutya Publishing House
Inc.2016.
• De Laza, Crizel.(2016). Pagbasa at Pagsusuri ng iba't ibang
teksto tungo sa Pananaliksik.REX Bookstore.
Salamat sa inyong pakikinig.
Hanggang sa Muli!

You might also like