ng mga Pilipino (Sosyolingguwistiko) Mga Dapat Isaalang-alang sa Epektibong Komunikasyon
Ayon kay Dell Hymes, magiging mabisa lamang ang
komunikasyon kung ito ay isasaayos, at sa pagsasaayos ng komunikasyon, may mga bagay na dapat isaalang-alang. Ginamit ni Dell Hymes ang SPEAKING bilang acronym upang isa-isahin ang mga dapat isaalang-alang upang magkaroon ng mabisang pakikipagtalastasan S-setting – Ito ang lugar o pook kung saan nag-uusap o nakikipagtalastasan ang mga tao.
P-participant – Ito ang mga taong nakikipagtalastasan.
Isinasa-alang-alang din natin ang ating kausap upang pumili ng paraan kung paano siya kausapin.
E-ends – Ito ang mga layunin o pakay ng mga
pakikipagtalastasan. Dapat bigyan ng konsiderasyon ang pakay o layunin sa pakikipag-usap. A-act sequence – Ito ang takbo ng usapan. Bigyang- pansin din ang takbo ng usapan.
K-keys – Ito ang pagsasaalang-alang ng tono sa pakikipag-
usap.
I-Instrumentalities – Ito ang tsanel o midyum na ginamit,
pasalita, o pasulat. Dapat isa-isip ang midyum ng pakikipagtalastasan. N-norms – Ito ang paksa ng usapan. Mahalagang alamin kung tungkol saan ang usapan.
G-genre – Ito ang diskursong ginagamit kung
nagsasalaysay, nakikipagtalo, o nangagatwiran. Dapat iangkop ang diskursong gagamitin sa pakikipagtalastasan. Minsan dahil sa miskomunikasyon sa genre ay hindi nagkakaunawaan ang magkausap. KAKAYAHANG SOSYOLINGGUWISTIK O SA PAGTUKOY Pag-unawa batay sa pagtukoy sa Sino, Paano, Kailan, Saan, at Bakit nangyari ang Sitwasyong Komunikatibo Dalawang kakayahang pangkomunikatibo: 1) Lingguwistika o gramatikal 2) Sosyolingwistik Ang competence ay ang batayang kakayahan o kaalaman ng isang tao sa wika habang ang performance ay ang paggamit ng tao sa wika. Idinagdag niya na ang kakayahan o kaalaman na tao sa wika ay makikita, madedebelop, at matataya lamang gamit ang pagganap. Itinutumbas niya ang kakayahang pangkomunikatibo sa kakayahang gamitin ng tao ang isang wika. – Savignon 1972 Ang kakayahang sosyolingguwistik ay ang pagsasaalang- alang ng isang tao sa ugnayan niya sa mga kausap, ang impormasyong pinag-uusapan, at ang lugar ng kanilang pinag-uusapan.
Sa mga bagay na dapat isaalang-alang para sa epektibong
komunikasyon na inisa-isa ni HYMES sa kanyang acronym sa SPEAKING. Mapapansin na tatlo sa mga ito ang participant, setting, at norm na binibigyan din ng konsiderasyon ng isang taong may kakayahang sosyolingguwistik Ayon kay Fantini (sa Pagkalinawan 2004), may mga salik- panlipunang dapat isaalang- alang sa paggamit ng wika, ito ay ang ugnayan ng nag-uusap, ang paksa, lugar, at iba pa. Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1) Kailangan ba talagang bigyan ng konsiderasyon ang
mga dapat isaalang-alang sa epektibong komunikasyon bago makipag-usap?
2) Bakit kaya itinaguyod ni Dell Hymes ang modelong ito?
Maraming Salamat! PERFORMANCE TASK • Malikhaing TALUMPATI • Ang magiging paksa ay: Ano ang natutunan mo sa asignatura Naging karanasan sa asignatura o sa oras ng klase (Positibo o Negatibo) Isang quotation na maiiwan mo para sa naging paglakbay mo sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Font style – Times New Roman Font size – 11 SPACING Spacing – 1.15 JUSTIFY Justify Short Bond Paper