Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

ARALIN 18: PAG-AARAL : SUSI

NATIN SA TAGUMPAY
BY: ALEX CONTI
“Kung may gusto kang matapos, ibigay mo
ito sa isang tao na maraming ginagawa.”
Narinig mo na ba ang kwento tungkol sa anim na
mapagmalaking bulag ng Indostan sa India? Isang
araw, silang anim ay nakatagpo ng isang malaking
elepante. Ipinaliwanag nila ang kani-kanilang
diskripsyon ng elepante ayon sa kanilang
pagkakaunawa.
Sabi ng unang bulag, “Ang elepante ay parang isang malaking pader.” Habang
hinahaplos niya ang tiyan ng elepante.
Ang pangalawa, “Hindi, ang elepante ay katulad ng isang matulis na sibat”,
habang nakahawak sa ngipin ng elepante.
Ang pangatlo, “Nagkakamali kayo. Ang elepante ay parang isang malaking
ahas.”Habang buhat niya ang mahabang ilong ng elepante.
Ang pang-apat, “Mali, ang elepante ay katulad ng isang puno.” Yakap-yakap
niya ang mga binti ng elepante.
Ang panglima, “Ang elepante ay katulad ng isang pamaypay.” Siya ay
nakahawak sa malalapad na tenga ng elepante.
At ang pinakahuli, “Walang tumama sa inyo. Ang elepante ay parang manipis
na lubid.” Habang hinahawakan niya ang buntot ng elepante.
Ang kasipagan ay tumutukoy sa pagkilos o paggawa ng tao
sa isang bagay na hindi na ipinagpapabukas pa. Kaya nga
kapag ginawa agad ng isang tao ang iniatas sa kaniya ng
maayos at natapos niya ito, sinasabi na masipag siya. Sa
taong masipag, kailangang matapos ang isang gawain kahit
ano pa man ang panahon, hindi man kaaya-aya ang
pagkakataon at kahit pa mayroong personal na dinaramdam.
Ang isang taong masipag at masikap ay nakikilala sa
kaniyang gawa na natatangi at may kalidad.
Ikaw ba ay masipag at masikap? Maaaring sa iyong pagtataya sa
sarili ay masipag ka. Subalit gayon din ba ang pananaw ng iyong
pamilya, kaibigan, mga kamag-aral at guro? Isa ring mahusay na
basehan ng ating kasipagan ay ang katayuan ng ating buhay.
Sapagkat ikaw ay nag-aaral pa lamang, hindi ganoong kalaki ang
inaasahan sa iyo sa larangan ng pagkita ng salapi at pagtustos sa
napakarami mong pangangailangan pati na rin ng iyong pamilya.
Subalit inaasahan ng iyong mga magulang, mahal sa buhay, at ng
iyong mga guro na pilit mong aabutin at aasamin ang matataas na
marka sa paaralan.
Ang iyong mga marka sa iyong mga asignatura ay masasabi nating
sukatan ng iyong kasipagan at pagsusumikap bilang mag-aaral.
Maaaring sabihin na may mga asignatura ka na tila hamon para sa
iyo at may mga aralin ka na hirap kang intindihin subalit ito ay hindi
dahilan upang magpabaya ka. Ang isang mag-aaral na masipag ay
gagawa ng paraan upang maintindihan niya ang isang aralin na
nahihirapan siya. Maaari siyang pumunta sa silid-aklatan at magbasa
ng iba pang libro na ipinaliliwanag sa ibang paraan at gumagamit ng
ibang halimbawa upang matutuhan ang isang aralin.
Ang masipag na mag-aaral ay maaari ding pumunta sa
kaniyang guro at magkonsulta. Nariyan din ang internet
upang maging daan sa panlabas na salik. Ang mga kapuwa
mag-aaral, ate, kuya, maging ang mga magulang ay maaari
ring hingan ng tulong upang magpaliwanag at mabigyang
linaw ang mga aralin na hindi agarang maintindihan. Sa isang
taong masipag, napakaraming paraan at solusyon sa
problema.
Mula sa iyong pag-aaral, maaari mo ring mapag-ibayo ang
mga kaugalian o gawi na mahalaga sa isang tao tulad ng
pagiging bukas at pagkakaroon ng kakayahang makatugon sa
mga pagbabago, pagkukusa, at disiplina sa sarili,
pagkakaroon ng mga kasanayan sa pakikipagkapuwa at
pakikibagay sa mga taong mula sa iba’t ibang kultura,
pagiging produktibo, mapanagutan, at magkaroon ng
kakayahang mamuno at humawak ng responsibilidad.
Isa pang masasabi nating kahalagahan ng pag-aaral ay ang
paghahanda para sa minimithi nating kursong akademiko o
teknikal-bokasyonal, negosyo, o hanapbuhay. Maaaring sa
ngayon ay malinaw na sa iyo kung saang asignatura ka
mahusay at saan ka naman mahina. Mula sa sariling
pagtataya, iwasan mo na ihambing ang iyong sarili sa iyong
kapuwa na maaaring maging sanhi upang ikaw ay maging
mapagmataas o kung hindi naman ay malumbay.
Kalakip ng ating Personal na Misyon sa Buhay, limiin natin
kung ano ang nais natin: kursong akademiko, kursong
teknikal-bokasyonal, o pagnenegosyo. Sa gayong paraan,
magkakaroon tayo ng inspirasyon sa ating pag-aaral. Mula rin
dito ay mabubuo natin ang ating career plan kung saan
maipamamalas natin ang ating angking-galing at talino pati
na rin ang mga angkop na kasanayan upang maging kapaki-
pakinabang at makapagsilbi sa ating kapuwa.

You might also like