Filipino 4 Lesson 20

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

Welcome to Filipino 4 Class!

Ms. Unielyn A. Despogado

Guro
Pagsasalaysay ng Sariling Karanasan Gamit
ang Iba’t-ibang Uri ng Pangungusap
(F4WG-IV-13.1)

Ang Layunin:
1. Nagagamit ang iba’t ibang mga uri ng pangungusap sa
pagsasalaysay ng sariling karanasan
Pambungad na Kanta at Panalangin
Pagganyak
Magandang buhay! Isang panibagong paglalakbay ito ng iyong
pag-aaral. Alam mo ba na may iba’t ibang uri na pangungusap na
maaaring gamitin upang madaling maunawaan ang bawat
saloobin ng isang tao?
 Nagagamit rin natin ang iba’t ibang mga uri ng pangungusap
sa pagsasalaysay ng sariling karanasan.
Pagtatalakay
 Ano-ano nga ba ang mga uri ng pangungusap? Kailan nga ba
ang mga ito gagamitin?

Mga Uri ng Pangungusap

1. Pasalaysay – Ito ay tumutukoy sa pangungusap na nagsasaad
ng katotohanan. Ito ay maaaring nagbibigay ng impormasyon o
nagkukuwento ng isang pangyayari. Ito ay nagtatapos sa
panandang tuldok(.).
Halimbawa: Ang mga bata ay nagbabasa
sa silid-aklatan.
Pagtatalakay
2. Patanong - Ito ay tumutukoy sa
pangungusap na naghahanap ng sagot.
Ito ay nagtatanong at nagtatapos sa tandang pananong (?).
Halimbawa: Nasaan ang mga bata?
Pagtatalakay
3. Pautos o Pakiusap – Ito ay tumutukoy sa pangungusap na
nagbibigay ng utos o
direksiyon sa isang dapat gawin. Ito ay maaaring
magtapos sa tuldok o sa tandang pananong.
Halimbawa:
Huwag kayong mag-ingay kapag nasa silid- aklatan.
Maaari bang hinaan ninyo ang
inyong boses?
Pagtatalakay
4. Padamdam – Ito ay tumutukoy sa
pangungusap na nagsasaad ng
matinding damdamin tulad ng pagkagulat, labis na tuwa, galit
atbp.
Halimbawa: Naku, nalaglag ang libro!
Paglalapat
Basahin at unawain ang bawat pahayag. Bilugan kung anong uri
ng pangungusap ang inilahad sa bawat bilang.
1. Maraming tao ang nagsisimba sa araw ng pista.
Pasalaysay Pautos
Patanong Padamdam
2. Bakit kailangan magsuot ng “face mask” sa tuwing lalabas ng
bahay?
Pasalaysay Pautos
Patanong Padamdam
Paglalapat
3. Huwag pumunta sa matataong lugar.
Pasalaysay Pautos
Patanong Padamdam

4. Ay! Nabasag ang pinggan.

Pasalaysay Pautos
Patanong Padamdam
Paglalahat
Apat na Uri ng Pangungusap
1. Pasalaysay - Nagbibigay ng impormasyon o kaalaman at
nagtatapos sa tuldok. (.)
2. Patanong - Nagtatanong ito o humihiling ng kasagutan.
Nagtatapos ito sa tandang
pananong ( ? ).
3. Pautos - Nag-uutos o nakikiusap ito. Nagtatapos sa tuldok (.)
4. Padamdam - Nagsasaad ito ng matinding damdamin tulad ng
tuwa, galit, gulat, poot, sakit, at iba pa. Nagtatapos ito ng bantas na
tandang padamdam (!).
Pagtataya
Isulat kung Tama o Mali ang uri ng pangungusap na binanggit.
___________1. Pasalaysay: Bakit hindi ka nagpapaalam?
___________2. Patanong: Ilang taon ka na?
___________3. Padamdam: Naku! May nasusunog na gusali.
___________4. Pakiusap: Maari po bang makahingi ng tubig?
___________5. Pautos: Maligo ka na at aalis na tayo.
Pagtataya
___________6. Pasalaysay: Mabigat ang mga dala kong aklat.
___________7. Padamdam: Aray! Masakit tong paa ko.
___________8. Pakiusap: Pakibigay sa kanya itong bag.
___________9. Patanong: May malaking gagamba sa puno.
___________10. Pautos: Sumunod kayo sa kanya.
Takdang-Aralin
Magsulat ng isang talata gamit ang iba’t- ibang uri ng
pangungusap sa pagsasalaysay tungkol sa iyong nararanasan sa
panahon ng pandemya ng
Covid-19. Sa unahan ng bawat pangungusap ay isulat mo ang
(PS) kung pasalaysay, (PU) kung pautos o pakiusap, (PT) kung
patanong, at (PD) kung padamdam.

_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_________________________________________________