Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

LIMANG BAHAGI NG BANGHAY

BY: ARABELLA RAMOS


1. PANIMULA

Malaki ang pananagutan ng may akda dito. Sa bahaging ito paaasahin ng may
akda ang mga mambabasa sa isang kawili-wili at kapana-panabik na akda.
Dito ang makikita ang;

a. Pagpapakilala sa mga tauhan


b. Pagpapahiwatig ng suliraning kakaharapin ng mga tauhan
c. Pagkintal sa isipan ng mga mambabasa ng damdaming pagigitawin
d. Paglalarawan ng Tauhan
II. SAGLIT NA KASIGLAHAN

Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot


sa suliranin. Inihahanda rin sa bahaging ito ang mga mambabasa sa
pagkilala sa mga pagsubok na darating sa buhay ng mga tauhan.
III.SULIRANING INIHAHANAP NG LUNAS

Sa bahaging ito ng kwento, ang mambabasa ay napapagitna sa mga


pangyayaring gigising sa kanyang damdamin. Ang mga
pangyayaring ito ang siyang bumubuo sa mga suliraning
inihahanap ng lunas at lumilikha ng isang kawilihang pasidhi nang
pasidhi.
IV. KASUKDULAN

Ito ang pinaka mataas na uri ng kapanabikan. Dito nahihiwatigan ng


bumabasa ang mangyayari sa pangunahing tauhan , kung siya’y mabibigo o
magtatagumpay sa paglutas ng suliranin.
V. WAKAS

Binubuo ang wakas ng kakalasan at katapusan. Ang kakalasan ang bahaging


nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kwento mula sa maigting na
pangyayari sa kasukdulan. At ang katapusan ang bahaging kababasahan ng
magiging resolusyon ng kwento.
Ang nawawalang Prinsesa
Maikling kwento

Panimula
Sa isang kaharian mayroon isang prinsesang laging nawawala gabi-gabi at hindi alam ng kanyang ama kung saan ito
nagpupunta. Isang araw nag utos ang hari na kung sino man ang makapag turo kung saan nagtutungo ang kaniyang anak
tuwing hating-gabi ay bibigyan ito ng kalahati ng kaharian at kung binata naman ay ipapakasal ito sa prinsesa. Ngunit kapag ito
ay nabigo, pupugutan siya ng ulo. Marami ang nagtangkang makipagsapalaran, Hindi lamang dahil sa kayamanang matatamo
kundi dahil sa napaka ganda ng prinsesa. Ang lahat ay nabigo at wala parin makapagsabi kung saan nagtutungo ang prinsesa.

Saglit na Kasiglahan
Isang araw may binatang naglakas loob na harapin ang hamon ng hari. Sa kalagitnaan ng gubat malapit sa palasyo nagtungo
ang binata, may isang dampang tinitirhan ng isang matandang mangkukulam. Kilala ito ng mangkukulam dahil lagi umano
itong tinutulungan ng binata at napamahal na ito rito. Humingi ang binata ng tulong sa matandang mangkukulam upang
mapagtagumpayan ang hamon ng hari at hindi naman ito tumanggi, binigyan niya ito ng isang mahiwagang balabal na kung
isasampay niya sa kanyang balikat ay hindi ito makikita.
Suliraning Inihahnap ng Lunas
Nang gabi ring iyon, nasa labas na ang binata sa silid ng prinsesa upang magbantay. Biglang binuksan ng prinsesa ang
kanyang pinto at inabutan ng inoming may pampatulog ang bintana. Nagkunwari naman ang binata na ininom ito ngunit
kanya itong tinapon sa may halaman at nagkunwari din itong nakatulog. Nang maramdaman niyang lumabas na ang
prinsesa, isinuot niya ang balabal at sinundan ito. May dinaraanan pala itong tagong pinto, naghintay sa isang karwahe at
sumakay. Sa gitna ng kakahuyan tumigil ang karwahe at bumaba ang prinsesa, nagtago siya sa likod ng puno at dito nakita
ng kaniyang dalawang mata na nakikipag sayaw ang prinsesa sa mga nagtipong gitano. Tinanggal niya ang kaniyang
balabal at naglagay ng maskara. Nilapitan niya ang prinsesa at sila’y nagsayaw hanggang sa mapagod ang dalaga at halos
mabutas ang suot na sapatos, muling sinuot ng binata ang balabal ng paalis na ang karwahe at kinuha ang tinapong sapatos
ng prinsesa.

Kasukdulan
Kinaumagahan ito na ang araw ng paghaharap ng hari at ng binata, tinanong ng hari kung masasabi ba niya kung nasaan
ang prinsesa tuwing gabi at sumagot ito ng “oo” sinabi nito na nakita niyang nakikipag sayaw ang prinsesa sa mga gitano sa
gitnang kagubatan gabi-gabi. Naghanap ang hari ng pruweba at inilabas nito ang sapatos na kaniyang pinulot na ginamit ng
prinsesa ng gabing iyon. Ipinatawag ng hari ang prinsesa upang tanongin ito at hindi na rin nakatanggi ang prinsesa dahil sa
pruwebang ipinakita ng kanyang ama. Sinuot ulit ng binata ang maskara na ginamit noong gabing iyon at nakilala ito ng
prinsesa. Nakangiting lumapit ang prinsesa at sila ay nagsayaw kasabay ng tugtog sa kaharian.
Wakas
Tinupad ng hari ang kasunduan na mapupunta sakanya ang kalahati ng kaharian at ipapakasal sakanya ang
prinsesa. Ikinasal ang binata at ang prinsesa at namuhay sila ng masaya.

You might also like