Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

KARUNUNGAN

KO, IBABAHAGI
KO!
•Sinasabing “ang edukasyon ang susi sa
tagumpay,” nangangahulugang ang pag-
aaral ay dapat nating pahalagahan at
pagyamanin upang magkaroon ng
magandang kinabukasan.
•Ngayong tayo ay nahaharap sa
pandemya, at mayroong new normal set
up sa edukasyon ay nananatili pa rin ang
ating pagmamahal sa pag-aaral at
pagpupursigeng makatapos ng
nagtatagumpay.
•Isang paraan upang tayo ay may
maiambag sa lipunan kung tayo ay
nakapagsumikap na maabot ang
ating mga mithiin sa buhay
• Hindi lamang tayo sa paaralan natututo ng mga
aral sa buhay kundi maging sa ating pang-araw-
araw na pamumuhay sa komunidad. Higit nating
naisasabuhay ang mga praktikal na leksyon sa
paaralan kung atin na itong naipamalas sa ating
lipunan na makatutulong sa pagpapabuti ng ating
buhay.
• Ang tao ay hindi lamang natututo sa kanyang
pag-aaral sa paaralan kundi maging sa kanyang
mga karanasan sa pamumuhay sa komunidad na
kaniyang kinabibilangan. Higit na magiging
kapakipakinabang ang mga natutuhan ng isang
tao kung ito ay maibabahagi niya sa iba.
•Narito ang ilan sa mga praktikal
na bagay na ating natutunan sa
paaralan at komunidad na maaari
nating ibahagi sa iba.
PAMPAARALAN
•Maraming natututunan ang mga
kabataan sa paaralan na magagamit sa
pang-araw-araw na pamumuhay at
magpapalago sa kanilang pangkaisipang
kakayahan.
1. PANG-AKADEMIKO
•Ito ay tumutukoy sa edukasyon,
pagiging iskolar, o pag-aaral na
nagbibigay ng pokus sa pagbasa,
pagsulat, at pag-aaral sa mga praktikal o
teknikal na paksa.
• Marami rin itong mga sangay na mas nagpapalawak sa
ating kaalaman upang higit nating mapalakas ang ating
pang-kaisipang abilidad.
a. Matematika
b. Agham
c. Literatura
d. Wika
e. Kasaysayan, atpb.
2. PANG-TEKNIKAL
BOKASYONAL
• Ito ay edukasyon na naghahanda sa mga tao na
maging bihasa sa iba't ibang uri ng trabaho, tulad
ng isang kalakalan, isang bapor, o bilang isang
tekniko. Ang bokasyonal na edukasyon ay
tinutukoy kung minsan bilang edukasyon sa
karera o teknikal na edukasyon .
• Ang bokasyonal na paaralan ay isang uri ng institusyong pang-
edukasyon na partikular na dinisenyo upang magbigay ng mga
praktikal na kasanayan. Mga halimbawa ng mga teknikal
bokasyonal na kurso:
a. Agri-Fishery Arts
b. Home Economics (HE)
c. Information and Communications Technology
(ICT)
d. Industrial Arts
PANG-
KOMUNIDAD
• Hindi lamang sa paaralan natututo ang tao sa halip ay
marami rin siyang natututunan sa kanyang kapaligiran at
komunidad na kinabibilangan. Ang mga bagay na ito ay ang
mga naipamamalas niya mula sa kaniyang mga kapamilya,
kaibigan, at iba pang mga tao sa kaniyang kapaligiran.
Natututo rin tayo mula sa ating mga karanasan sa buhay na
lalong nagpapatatag sa ating pagkatao.
• Ito ay mga karanasang maaaring sa komunidad lamang
natin naranasan at natunghayan tulad ng mga sumusunod:
a. Pakikihalubilo/Pakikisama
b. Pagtulong sa kapwa
c. Pagmamahal sa pamilya
d. Pagrespeto at paggalang
e. Mga gawaing kapakipakinabang
f. Pananalig sa Diyos
• Lahat ng ating mga natutunan sa paaralan man o
sa komunidad ay maaari nating maipamalas
saan man at kalian man ayon sa hinihingi ng
pagkakataon. Higit na masasabi nating tayo ay
may natututunan kung kaya natin itong ibahagi
sa iba at maipamalas sa ating buhay.

You might also like