Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 24

Magandang

Araw!
TALASALIT
AAN
TALASALITAAN
Makalanghap- makaamoy
Tinyente- sundalo
Kwartel- tirahan
Inakusahan- pinagbintangan
Nangungumpisal- nagpatotoo
Artilyero- namamahala sa mga gamit sa gyera
Tampulan- tuksuhin
Kamangmangan- walang alam
TALASALITAAN
Dunung-dunungan- nagpapanggap na
marunong
Paslit- bata
Umitsa- bumato
Erehe- taong di sumasang-ayon
Pilibustero- suwail
Huwad- sinungaling
Rehas- kulungan
TAUHAN
TAUHA
N • Crisostomo Ibarra
Si Juan Crisostomó Ibárra y Magsálin
(o Crisostomo o Ibarra), ay isang
binatang nag-aral sa Europa; nangarap
na makapagpatayo ng paaralan upang
matiyak ang magandang kinabukasan
ng mga kabataan ng San Diego. Siya
ay kababata at kasintahan ni Maria
• Tinyente Guevarra
siya ang matalik na
kaibigan ng
yumaong si Don Rafael
Ibarra.
• Don Rafael Ibarra 
ay ang tatay ni crisostomo ibarra na
napagbintangan sa kasalanang hindi
niya ginawa. Pinakulong sya ni
Padre Damaso dahil sa pagkamatay
ng isang kastila na umaapi sa batang
pilipino. Inakusahan siya nang
salang pagpatay. Halos lahat ay
kasinungalingan.
• Padre Damaso 
Si padre Damaso ay may magaspang
na pag-uugali para sa kanya ang mga
Pilipino ay mga mangmang,walang
pinag-aralan at ipinanganak lamang
para maging utusan,kaya dapat lamang
daw na tawagin ang mga Pilipino na
mga Indiyo.
• Artilyerong Kastila
• Mga mapang-asar na bata
• Mga lihim na kaaway ni Don Rafael
Ibarra
BUOD
BUOD
 Naglakad na si Ibarra na hindi batid ang destinasyon. Nakarating
siya hanggang sa may Liwasan ng Binundok. Sa maraming taong
pagkakawala niya sa bayan, wala pa ring pagbabago sa kaniyang
dinatnan.

 Sa paggala-gala ng kaniyang paningin, naramdaman niyang may


dumantay na kamay sa kaniyang balikat. Si tenyente Guevarra, na
sumunod sa kaniya upang paalalahanan na mag-ingat din sapagkat
nangangamba siyang baka matulad siya (si Ibarra) sa sinapit ng
kaniyang ama. Nakiusap si Ibarra na isalaysay ng tenyente ang
tungkol sa buhay ng kaniyang ama sapagkat tunay na wala siyang
nalalaman dito.
Sinabi ni Ibarra na sumulat ang kaniyang ama sa kaniya may
isang taon na ang nakakalipas. Nagbilin si Don Rafael (ama ni
Ibarra) na huwag nitong ikagulat kung sakali mang hindi siya
makasulat sapagkat lubha siyang abala sa kaniyang mga
gawain.

Ganito ang salaysay ng tenyente:


Si Don Rafael ay siyang pinakamayaman sa buong lalawigan.
Bagama’t siya ay iginagalang, may ilan din namang naiinggit. Ang
mga nuno nila ay mga Kastila. Ang mga Kastila dahil sa kasawian
ay hindi gumagawa ng mga nararapat. Ang masasama sa Espanya
ay nakakarating sa Pilipinas. Si Don Rafael ay maraming mga
kagalit na amga Kastila at Pari. Ilang buwan pa lamang
nakakaalis sa Pilipinas si Ibarra, si Don Rafael at Padre Damaso
ay nagkasira. Di-umano, ‘di nangungumpisal si Don Rafael.
 Nabilanggo si Don Rafael dahil sa pagkakaroon ng mga lihim na
kaaway. Pinagbintangan pa na siya ang pumatay sa isang mangmang
at malupit na artilyerong naniningil ng buwis ng mga sasakyan.
Ngunit hindi naman totoo.

 Isang araw may isang grupo ng mga bata na sinigawan ang artilyero
ng “ba, be, bi, bo, bu” na labis na ikinagalit nito. Pinukol ng kaniyang
tungkod ng artilyero ang mga bata. Isa ang sinampal na tinamaan at
nabuwal. Pinagsisipa niya ito. Napatiyempo naming nagdaraan si Don
Rafael. Kinagalitan niya ang artilyero. Ngunit, ito ay lalong nagpuyos
sa galit at si Don Rafael ang kaniyang hinarap. Walang nagawa si Don
Rafael kung hindi ipagtanggol ang sarili.

 Sa hindi malamang dahilan, bigla na lamang sumuray-suray ang


artilyero at dahan-dahan nabuwal. Malala ang kaniyang
pagkakabuwal sapagkat ang kaniyang ulo ay tumama sa isang tipak
na bato. Nagduduwal ito at nagkamalay hanggang sa tuluyang
mapugto ang hininga.
Dahil dito, nabilanggo si Don Rafael. Pinagbintangan siyang
erehe at pilibustero. Masakit sa kaniya ang ganito sapagkat
iyon ang itinuturing na pinakamabigat na parusa.

Ngunit lalong nadagdagan ang dagan sa kaniyang dibdib.


Pinaratangan din siyang nagbabasa ng mga ipinagbabawal
na aklat (El Correo de Ultramar) at diyaryo, nagtatago ng
larawan ng paring binitay, isinakdal sa salang
pangangamkam ng lupain at nagbibigay ng tulong sa mga
tulisan.

 Gumawa siya (tenyente) ng paraan upang tulungan si Don


Rafael at sumumpang ito ay marangal na tao. Katunayan,
siya ay kumuha ng isang abogadong Pilipino na si G.A at
G.M. Ito ay pagkaraang lumitaw sa pagsusuri na ang
ikinamatay ng artilyero ay nag pamumuo ng dugo sa ulo nito.
Nang lumaon, ang katwiran ay nagtagumpay din. Nang si
Don Rafael ay malapit nang lumaya dahi; sa tapos nang
lahat ang mga kasong ibinintang sa kaniya. Ang sapin-
saping kahirapan ngkalooban na kaniyang dinanas ay hindi
nakayanan ng kaniyang pisikal na katawan.

Hindi na niya natamasa ang malayang buhay. Sa mismong


loob ng bilangguan, nalagutan ng hininga si Don Rafael.

Huminto sa pagsasalaysay ang tinyente. Inabot nito ang


kaniyang kamay kay Ibarra at sinabing si Kapitan Tiyago na
lamang ang bahalang magsalaysay ng iba pang pangyayari.
Nasa tapat sila ng kuwartel nang maghiwalay. Sumakay sa
kalesa si Ibarra.
ISYUNG
PANLIPUNAN
ISYUNG
PANLIPUNAN
Anong pangyayari
sa akda o sa
kabanatang ito ang
masasalamin pa
rin hanggang sa
kasalukuyan?
MORAL
MORAL
• Sa kabanatang ito ay makikita natin na hindi lahat
ng nakakulong ay may kasalanan. Nakakaawa ang
sinapit ng mga tulad ni Don Rafael Ibarra.
• Hindi lahat ng pinakitaan mo ng pagiging mabuti at
matulungin ay iyong maaasahan sa oras ng
pangangailangan.
• Ang pagkamainggitin ay nakakasira ng magandang
relasyon sa kapwa. Kadalasan, inggit din ang
dahilan kaya nasisira ang buhay ng iba.
PAGTATA
YA
Pagtataya

1.Sino ang ama ni Ibarra?


2.Sino ang napikon sa mga bata?
3.Sino ang naiwang kakampi ng ama ni
Crisostomo?
4.Sino ang tinawag sa akda na “erehe”
o pilibustero?
5.Saan namatay ang Don?
Pagwawasto

1.Don Rafael Ibarra


2.Artilyero
3.Tenyente Guevarra
4.Don Rafael Ibarra
5.Bilangguan

You might also like