Ikaapat Na Markahan

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 35

IKAAPAT NA MARKAHAN

MODULE 2
EL FILIBUSTERISMO
(Basilio: Buhay, Pangarap, Paniniwala,
at Saloobin)
Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang maipamamalas ang sumusunod
na kakayahan at kasanayan:

1. natutukoy ang papel na ginampanan ng mga tauhan sa akda sa pamamagitan ng


pagtunton sa mga pangyayari, pagtukoy sa mga tunggaliang naganap, pagtiyak sa
tagpuan at pagtukoy sa wakas (F10PB-IVb-c-87);
2. naiuugnay sa kasalukuyang mga pangyayaring napanood sa video clip ang
pangyayari sa panahon ng pagkakasulat ng akda (F10PD-IVb-c-82);
3. naisusulat ang buod ng binasang mga kabanata (F10PU-IVb-c-86); at
4. nagagamit sa pagbubuod ang tamang mekaniks sa pagsulat, gayon din ang
wastong pag-uugnay ng mga pangungusap/talata (F10PUIVb-c-86)
TALASALITAAN

1. sobresaliente – pinakamataas na karangalan


2. filibuster – kalaban ng pamahalaan at simbahan
3. afian – opyo
4. paskin – poster o karatula
5. polyeto – flyers o pamphlet
TALASALITAAN
6. coreo – isang uri ng sasakyang pandagat
7. lampara – ilawan
8. rebolber – isang uri ng baril
9. mitsa – maliit na telang nakalagay sa gitnang
bahagi ng ilawan.
10. pulbura – pulbos na sangkap sa paggawa ng
paputok
MGA KABANATA
Kabanata 6: Si Basilio
Kabanata 7: Si Simoun
Kabanata 23: Isang Bangkay
Kabanata 26: Ang mga Paskin
Kabanata 31: Mataas na Kawani
Kabanata 33: Ang Huling Matuwid
PAGBUBUOD
siksik at pinaikling bersiyon ng tekstong maaaring
nakasulat, napanood o napakinggan. Pinipili rito ang
pinakamahahalagang ideya at sumusuportang
ideya o datos. Mahalaga ang pagtutok sa lohikal at
kronolohikal na daloy ng mga ideya ng ibinuod na
teksto o akda.
Sa pagbubuod ng mga piksyon, tula, kanta at iba pa,
maaaring gumawa muna ng story map o graphic
organizer upang maging malinaw ang daloy ng
pangyayari. Pagkatapos, isulat ang buod kung saan
ilalahad ang pangunahing tauhan, tunggalian,
resolusyon at wakas nito.
Pangunahing Katangian Ng
Pagbubuod
• Tinutukoy agad ang pangunahing ideya o punto
kaugnay ng paksa.
• Hindi inuulit ang mga salita ng may-akda bagkus ay
gumagamit ng sariling pananalita.
• Higit na mas maikli ang buod sa orihinal na teksto o
akda.
MEKANIKS SA PAGSULAT

Mahalaga ang ginagampanan ng mekaniks sa


pagsulat upang lubos na mailahad ang diwa ng
pangungusap. Ang mekaniks sa pagsulat ay
tumutukoy sa tamang pagbabantas, pagbaybay,
at paggamit ng malaking titik.
PAGBABANTAS
mahalaga sa pagsulat ang paggamit ng wastong bantas
sapagkat higit na lumilinaw ang hatid na kaisipan at
higit na maipadarama ang anomang nais ipahayag.
Ang ilan sa mga bantas na karaniwang ginagamit ay
tuldok, kuwit, tandang padamdam, at tandang
pananong.
PAGBAYBAY
mahalagang magkaroon ng sapat na
kakayahan sa pagbaybay sapagkat
malinaw na naihahayag ang tamang
impormasyon kung wasto ang baybay
ng salita.
PAGGAMIT NG MALAKING TITIK

dapat na maging maingat at mapagmasid sa


paggamit ng malaking titik sapagkat mayroon
itong wastong gamit. Ito ay dapat na makita sa
simula ng tiyak na pangngalan, pamagat ng
aklat o palabas, atbp.
TRANSITIONAL DEVICES
 ang tawag sa mga katagang nag-uugnay sa pagsusunod-sunod ng
mga pangyayari at paglilista ng mga ideya, pangyayari at iba pang
paglalahad. Binibigyang-linaw nito ang pagkakasunod-sunod ng
pangyayari o kaya’y nagbibigay-hudyat sa pagbabago ng
pangyayari. Ilan sa halimbawa nito ay ang gayon pa man, sa
katunayan, una, sa kabilang banda, pagkatapos, bandang huli
at iba pa.
PAGSUSULIT 2
1. Pinatay ng mga guardia civil si Crispin at pinahirapan ang aking
ina, mananahimik na lamang ako sapagkat hindi rin naman sila
mabubuhay kung igaganti ko sila. Ang tauhan ay __________.
A. malalim mag-isip
B. bahag ang buntot
C. mapaghiganti sa kaaway
D. mapagpatawad sa kapwa
2. Madilim, madawag at maraming ugat na nag-usli sa
iyong lalakaran. Ang tinutukoy na lugar sa pangungusap ay
isang __________.
A. kagubatan
B. kalawakan
C. kapatagan
D. karagatan
3. Hindi tumigil si Simoun hanggang hindi pumapayag si Basilio na
makipagtulungan sa kaniya na maghimagsik laban sa mga kaaway. Si
Simoun ay __________.
A. naghahanap ng kakampi sa paghihimagsik
B. determinado sa kaniyang mga nais sa buhay
C. ginigising ang diwa ng mga kabataan upang makipaglaban
D. inuudyukan ang mga kabataang kalabanin ang pamahalaan
4. Sinubukan ng Mataas na Kawani na tulungang makalabas si Basilio
sa kulungan, ngunit anomang katwiran niya ay hindi nagbago ang
isip ng Kapitan Heneral. Ang Kapitan Heneral ay __________.
A. tinutupad ang kaniyang tungkulin
B. nakikipagmatigasan sa Mataas na Kawani
C. may paninindigan sa kaniyang mga desisyon
D. matigas ang puso at walang puwang sa kaniya ang awa
5. Nagbalik si Simoun sa bansa upang ipagpatuloy ang
hangaring makamit ang kalayaan mula sa malupit na kamay
ng mga banyaga. Si Simoun ay isang mamamayang
__________.
A. may malasakit sa bayan
B. namumuhi sa sariling bayan
C. nagngingitngit na gumanti sa kaaway
D. gagawin ang lahat para sa minamahal
6. Nagpalaboy-laboy sa mga kalsada sa Maynila si Basilio, walang maawa sa kaniya at
makaisip na bigyan ng kahit na kaunting pagkain. Minsan pa nga’y naisipan niyang
magpasagasa na lamang sa mabibilis na karwaheng nagdaraan, hanggang sa matagpuan
niya sina Kapitan Tiyago at Tiya Isabel, na naghatid ng tuwa sa kaniyang puso. Hatid
ng dalawang tauhan sa buhay ni Basilio ang __________.
A. pag-asang matupad ang kaniyang pangarap
B. kaligayahan sa pagkaing inaasam ng sikmura
C. kapayapaan sa pagtulog nang mahimbing sa gabi
D. kalinawan ng isip sa mga bagay-bagay na nangyayari sa paligid
7. Ang tamang pagbabantas, pagbaybay at paggamit ng
malaking titik ay mga __________ sa pagsulat.
A. layunin
B. Mekaniks
C. Pamantayan
D. salik
8. Ang sumusunod ay mga hakbang sa pagbubuod, maliban sa isa.
A. Tukuyin ang paksang pangungusap o pinakatema at mga susing
salita.
B. Isulat ang mga kaisipan gamit ang sariling salita o pangungusap.
C. Magsaliksik ng mga karagdagang detalye tungkol sa paksa mula
sa internet.
D. Pag-ugnay-ugnayin ang mga detalye upang mabuo ang
pangkalahatang kaisipan.
9. Hindi na mabibilang sa mga daliri ang hirap at pasakit na
dinanas ni Basilio sa kaniyang buhay, __________ hindi siya
tumigil sa pag-abot ng kaniyang mga pangarap. Ang wastong
pang-ugnay na dapat gamitin sa pangungusap ay __________.
A. bagaman
B. kung kaya
C. kung gayon
D. gayon pa man
10. Habang nagbabasa ay isinusulat ni Jam ang mga importanteng punto
mula sa teksto. Ang kasanayan sa pagbubuod na ipinakita ni Jam ay ang
__________.
A. pagbasa sa akda
B. pagtukoy sa paksang pangungusap o pinakatema at mga susing salita
C. pagsulat ng sariling kaisipan gamit ang sariling salita o pangungusap
D. pag-uugnay-ugnay ng mga detalye upang mabuo ang pangkalahatang
kaisipan
PAGLINANG NG TALASALITAAN

Panuto: Tukuyin ang mga


kahulugan ng salita na sa
Hanay A sa Hanay B.
HANAY A HANAY B
11. kalaban ng pamahalaan at a. rceoo
simbahan b. npskia
12. maliit na telang nakalagay sa c. tolyeop
gitnang bahagi ng ilawan d. smtai
13. isang uri ng sasakyang pandagat e. efiliustrb
14. opyo f. naiaf
15. pinakamataas na karangalan g. rotbesalienes
PERFORMANCE TASK
2
Batay sa mga kabanata na tumutukoy kay
Basilio, lumikha ng pagbubuod hinggil sa
mahahalagang pangyayari sa buhay ni
Basilio sa El Filibusterismo.

You might also like