Ika-Apat Na Markahan: Modyul 4

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 19

IKA-APAT NA

MARKAHAN
MODYUL 4
Mahahalagang Pangyayari
sa Buhay ni Crisostomo Ibarra
Ang modyul na ito ay inihanda upang malinang
ang iyong kasanayan sa pamantayan ukol sa:
1.naibabahagi ang sariling damdamin sa tinalakay na
mga pangyayaring naganap sa buhay ng tauhan
(F9PN-IVd-58);
2.nailalahad ang sariling pananaw sa kapangyarihan
ng pag-ibig sa magulang, sa kasintahan, sa kapuwa
at sa bayan (F9PB-IVd-58); at
3.napapangkat ang mga salita ayon sa antas ng
pormalidad ng gamit nito (level of formality) (F9PT-
IVd-58).
Paglinang sa Talasalitaan
1. asotea – balkonahe
2. baklad – palaisdaan
3. beateryo – kumbento
4. hatid-kawad – sulat o telegrama
5. kabuktutan – kasamaan
Paglinang sa Talasalitaan

6. kalupi – pitaka
7. karuwagan – kahinaan
8. nakaluklok – nakaupo
9. namandaw – nangisda
10. nitso – libingan
Paglinang sa Talasalitaan

11. pagpapasaring – pagpaparinig


12. pilosopo – matalino
13. pinipintuho – nililigawan
14. punyal – patalim
15. sepulturero – tagapaglibing
16. heroglipiko – pagsulat na ang ginagamit ay mga simbolo
MGA KABANATA
Kabanata 7: Suyuan sa Asotea
Kabanata 13: Mga Unang Banta ng Unos
Kabanata 23: Ang Pangingisda
Kabanata 25 : Sa Bahay ng Pilosopo
Kabanata 34: Ang Pananghalian
Antas ng Wika Batay
sa Pormalidad na
Gamit
Ang wika ay nahahati sa iba’t
ibang antas na ginagamit ng tao
batay sa kaniyang pagkatao, sa
lipunang kaniyang ginagalawan,
lugar na tinitirhan, panahon,
katayuan, at okasyong
dinadaluhan.
1. PORMAL
– Ito ay antas ng wika
na istandard at
kinikilala/ginagamit ng
nakararami.
PORMAL
a. PAMBANSA. Ito ay ginagamit ng karaniwang
manunulat sa aklat at pambalarila para sa
paaralan at sa pamahalaan
Halimbawa: asawa, anak, libro
Si Crisostomo Ibarra ay isang mabuting anak.
Si Pilosopo Tasyo ay mahilig magbasa ng libro.
PORMAL
b. Pampanitikan o panretorika. Ito ay ginagamit
ng mga malikhaing manunulat. Ang mga salita ay
karaniwang malalim, makulay, at masining.
Halimbawa:
kahati sa buhay, bunga ng pag-ibig, pusod ng pagmamahalan
 Pangarap ni Ibarra na maging kahati sa buhay si Maria
Clara.
2. IMPORMAL
Ito ay antas ng wika na
karaniwan, palasak, pang-
araw-araw, madalas gamitin
sa pakikipag-usap, at
pakikipagtalastasan.
IMPORMAL
a. Lalawiganin – Ito ay mga
salitang ginagamit ng partikular
na tao sa isang lalawigan, pook o
lugar. Makikilala ito sa tono o sa
punto.
Halimbawa:

Tagalog Ilokano Kapampangan


Kumain ka na? Nangan kan? Mengan naka?
Aalis ka na? Agtalaw kan? Mako naka?
Mahal kita! Ay-ayaten ka! Kaluguran daka!
IMPORMAL
b. Kolokyal – Pang-araw-araw na salita, maaaring may
kagaspangan nang kaunti, maaari rin itong maging pino
ayon sa kung sino ang nagsasalita. Isang katangian nito
ay ang pagpapaikli ng isa, dalawa o higit pang letra sa
salita.
Halimbawa:
nasa’n, meron, sa’kin, kelan
 Meron ba silang nahuling isda sa baklad ni Kapitan
Tiyago?
IMPORMAL
C. Balbal - Sa Ingles ito ay slang. Nagkakaroon ng
sariling code, mababa ang antas na ito. Umuusbong ang
mga salitang ito sa mga lansangan at kadalasang
ginagamit ng masa.
Halimbawa:
dehins (hindi) jowa (kasintahan)
parak (pulis) orange (beinte pesos)
Dehins alam ni Ibarra ang tunay na nangyari sa
kaniyang ama.

You might also like