Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 66

IKAAPAT NA

MARKAHAN
MODYUL 1
Inaasahang pagkatapos mo sa modyul na ito, matututuhan mo
ang sumusunod:
1. natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa
pamamagitan ng:
 pagtukoy sa layunin ng may-akda sa pagsulat nito; 
pagtukoy sa mga kondisyon ng lipunan sa panahong isinulat ito;
at
 pagpapatunay sa pag-iral ng mga kondisyong ito sa kabuoan
o ilang bahagi ng akda. (F9PN-IVa-b-56); at
2. nailalarawan ang mga kondisyong panlipunan sa panahong
isinulat ang akda at ang epekto nito matapos maisulat hanggang
sa kasalukuyan. (F9PB-IVa-b-56)
TATAK BAYANI
Ni Kenneth C. Salvador
Tinaguriang bayani, nagbuwis ng buhay
Matalino, makabayan, may angking
husay
Dr. Jose P. Rizal ang kaniyang pangalan
Isa ring manunulat ng ating bayan.
Jose Protacio Rizal Mercado Y Alonzo
Realonda
ang kaniyang buong ngalan
Sa Calamba Laguna, siya’y isinilang
Hunyo 19, 1861 ang kaniya namang
kapanganakan
Tinawag na Pepe sa kanilang tahanan.
Si Donya Teodora ang kaniyang ina
Unang guro niya sa abakada.
Si Don Francisco naman ang
kaniyang ama
Pinag-aral siya sa Ateneo de Manila.
Sa Unibersidad ng Santo Tomas,
kursong medisina’y kinuha
Upang gamutin ang katarata ng mahal
niyang ina.
Sa hindi magandang pakikitungo ng Kastila
Ang nag-udyok sa kaniya na magtungo sa
Espanya.
Si Dr. Rizal, isa ring dalubwika
Iba’t ibang lenggwahe ang inaral
niya,
Arabe, Ingles at Aleman Mapa-
Hapon,
Italyano at Latin man
Sa kaniyang kabataan,
maraming babae sa kaniya ay dumaan
Buhay pag-ibig niya ay naging
makulay
Josephine Bracken at siya’y ‘di
mapaghihiwalay
Nakasulat din siya ng dalawang
nobela
Noli Me Tangere at El Filibusterismo
Mga nobelang naglantad at nagmulat
sa kalagayan ng mga Pilipino
Sa maling pamamalakad ng Kastila
at ‘di makatarungang pagtrato.
Sumulat din siya ng mga tula
Mi Ultimo Adios ang huli niyang akda
Nagsasaad ng wagas na pag-ibig sa
kapuwa
Pagmamahal sa bayan, dito rin niya
inilathala.
Kaya naman dapat siyang pasalamatan
Sa pagtulong sa ating mamamayan
Dahil sa kaniya’y nakamit ang kalayaan
Ngalang Dr. Jose Rizal, nakatatak sa ating
isipan.
KALIGIRANG
KASAYSAYAN NG
NOLI ME TANGERE
Ang Noli Me Tangere ang kauna-
unahang nobelang isinulat ni Rizal.
Magdadalawampu’t apat na taon pa
lamang siya nang isulat niya ito. Naisipan
ni Rizal na sumulat ng Noli Me Tangere
dahil sa tatlong aklat na nagbigay sa
kaniya ng inspirasyon: The Wandering
Jew, Uncle Tom’s Cabin, at ang Bibliya.
Nang mabasa ni Rizal ang aklat na
The Wandering Jew (Ang Hudyong
Lagalag) ay nabuo sa kaniyang puso
na sumulat ng isang nobelang gigising
sa natutulog na damdamin ng mga
Pilipino at magsisiwalat sa kabuktutan
at pagmamalupit ng mga Espanyol.
Ang The Wandering Jew ay
tungkol sa isang lalaking kumutya
kay Hesus habang siya ay patungo
sa Golgota. Ang lalaking ito
ngayon ay pinarusahan na
maglakad sa buong mundo nang
walang tigil.
Ang Uncle Tom’s Cabin ay tungkol
sa pagmamalupit ng mga puting
Amerikano sa mga Negro. Tumindi
ang pagnanais ni Rizal na
makabuo ng aklat na tumatalakay
sa pagmamalupit ng Kastila sa
mga Pilipino.
Ang pamagat na “Noli Me
Tangere’’ ay salitang Latin na
ang ibig sabihin sa wikang
Filipino ay ‘’huwag mo akong
salingin’’ na hango sa Bibliya
sa Ebanghelyo ni San Juan.
Inilathala ang unang nobela ni
Rizal noong dalawampu’t anim na
taong gulang siya. Makasaysayan
ang aklat na ito at naging
instrumento upang makabuo ang
mga Pilipino ng pambansang
pagkakakilanlan.
Sa simula, binalak ni Rizal na ang bawat
bahagi ng nobela ay ipasulat sa ilan
niyang kababayan na nakababatid sa uri
ng lipunan sa Pilipinas at yaon ay
pagsasama-samahin niya upang maging
nobela. Ngunit hindi ito nagkaroon ng
katuparan, kaya sa harap ng kabiguang
ito, sinarili niya ang pagsulat nang walang
Bago matapos ang taong 1884 ay sinimulan
niya itong isulat sa Madrid at doo’y natapos
niya ang kalahati ng nobela. Ipinagpatuloy
niya ang pagsulat nito sa Paris noong 1885 at
natapos ang sangkapat. Natapos naman
niyang sulatin ang huling ikaapat na bahagi ng
nobela sa Alemanya noong Pebrero 21, 1887.
Natapos niya ang Noli Me Tangere,
ngunit wala siyang sapat na halaga
upang maipalimbag ito. Mabuti na
lamang at dumalaw sa kaniya si Maximo
Viola na nagpahiram sa kaniya ng salapi
na naging daan upang
makapagpalimbag ng dalawang libong
(2,000) sipi nito sa Imprenta Lette
Si Rizal mismo ang nagdisenyo
ng pabalat ng nobela. Pinili ni
Rizal ang mga elemento na
ipaloloob niya rito, hindi
lamang ang aspektong
astetiko ang kaniyang naging
konsiderasyon – higit sa lahat
ay ang aspekto ng simbolismo.
Nagalit man ang mga Espanyol kay Rizal at
nangamba ang kaniyang pamilya na baka siya’y
mapahamak, inibig pa rin niyang makabalik sa
Pilipinas dahil: Una, hangarin niyang maoperahan
ang kaniyang ina dahil sa lumalalang panlalabo ng
mata. Pangalawa, upang mabatid niya ang dahilan
kung bakit hindi tinugon ni Leonor Rivera ang
kaniyang mga sulat mula taong 1884-1887.
Panghuli, ibig niyang malaman kung ano ang naging
bisa ng kaniyang nobela sa kaniyang bayan at mga
kababayan.
Ang nobela ay tumatalakay sa mga kinagisnang
kultura ng Pilipinas sa pagiging kolonya nito ng
Espanya. Binabatikos din ng nobela ang mga
kaugalian na nakasanayan ng mga Pilipino at ang
kapangyarihang taglay ng simbahang Katoliko na
nahihigitan pa ang kapangyarihan ng mga lokal na
alkalde. Bumuo ng kontrobersya ang nobelang ito,
kung kaya't pagkatapos lamang ng ilang araw na
pagbalik ni Rizal sa Pilipinas, tinanggap ni Gobernador
Heneral Terrero sa Malacañang at inabisuhang puno
ng subersibong ideya ang Noli Me Tangere.
Pagkatapos ng usapan, napayapa ang
liberal na Gobernador Heneral ngunit
nabanggit niya na wala siyang
magagawa sa kapangyarihan ng
simbahan na gumawa ng kilos laban sa
nobela ni Rizal.
Ayon sa liham ni Dr. Jose Rizal kay Dr. Ferdinand
Blumentritt, ang mga layunin niya ay ang sumusunod:
1. Matugunan ang paninirang puring ipinaratang ng
mga Kastila sa mga Pilipino at sa bansa.
2. Maiulat ang kalagayang panlipunan, uri ng
pamumuhay, mga karaingan at kalungkutan.
3. Maihayag ang maling paggamit ng relihiyon na
ginagawang dahilan o sangkalan sa paggawa ng
masama.
4. Maipaliwanag ang pagkakaiba ng tunay sa ‘di
tunay na relihiyon.
5. Mailantad ang kasamaang nakakubli sa
karaingan ng pamahalaan.
6. Mailarawan ang mga kamalian, masasamang
hilig, kapintasan at kahirapan sa buhay.
Isinulat niya ang Noli Me Tangere
upang mabuksan ang mga mata ng
Pilipino sa kanser ng lipunan na
nangyayari sa bansa. Ito ay ang
pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas.
PAGSUSULIT 01
1. Kanino inihandog ni Dr. Jose Rizal
ang nobelang Noli Me Tangere?
A. sa Prayle
B. sa Espanya
C. sa mga Pilipino
D. sa GOMBURZA
2. Ano ang nagbunsod kay Rizal na
sumulat ng Noli Me Tangere at El
Filibusterismo?
A. mga prayle
B. GOMBURZA
C. mga Pilipino
D. tatlong paring martir
3. Anong aklat ang naging inspirasyon ni Rizal sa
pagsulat ng Noli Me Tangere na tumatalakay sa
isang lalaking kumutya kay Hesus habang siya ay
patungo sa Golgota at pinarusahan ang lalaki na
maglakad sa buong mundo nang walang tigil?
A. Bibliya
B. El Filibusterismo
C. The Wandering Jew
D. Uncle Tom’s Cabin
4. Anong nobela ang gumising sa natutulog na
damdamin ng mga Pilipino at nagsiwalat sa
kabuktutan at pagmamalupit ng mga Espanyol?
A.El Filibusterismo
B.The Wandering Jew
C. Noli Me Tangere
D. Uncle Tom’s Cabin
5. Alin sa sumusunod na pahayag ang naging layunin
ni Dr. Jose P. Rizal sa pagsulat niya ng nobela?
A.makataong pakikitungo ng mga Kastila sa mga
Pilipino
B. maisakatuparan ang pagiging malaya ng bansa sa
mga mananakop
C. matugunan ang paninirang puring ipinarating ng
mga Kastila sa mga Pilipino at sa bansa
D. mahikayat ang kabataan na maging bukas ang isip
sa mga pangyayari sa pamahalaan
6. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang na layunin ni Dr.
Rizal sa pagsulat niya ng Noli Me Tangere?
A. maiulat ang kalagayang panlipunan, uri ng pamumuhay,
mga karaingan at kalungkutan
B. matugunan ang paninirang puring ipinaratang ng mga
Kastila sa mga Pilipino at sa bansa
C. mahikayat ang mga kabataan na maging bukas ang isip sa
mga pangyayari sa pamahalaan
D. maihayag ang maling paggamit ng relihiyon na
ginagawang dahilan o sangkalan sa paggawa ng masama
7. Ano ang nais ipakahulugan ng layuning ito?
“Maipaliwanag ang pagkakaiba ng tunay sa ‘di tunay na
relihiyon”.
A. maihayag ang maling paggamit ng relihiyon
B. bawat relihiyon ay may iba’t ibang paniniwala
C. mas makapangyarihan ang simbahan kaysa
pamahalaan
D. may pagkakaiba ang bawat relihiyon batay sa kanilang
pinaniniwalaan
8. Ano ang maaaring pagpapaliwanag sa kondisyong
panlipunang kawalan ng kalayaan sa pananalita at
panulat?
A. Limitado ang kalayaang kumilos ng mga Pilipino.
B. Hindi maaaring magsulat o magsalita ang mga
Pilipino.
C. May busal ang bibig at putol ang kamay ng mga
Pilipino.
D. Walang karapatan ang mga Pilipino na magbahagi
ng kanilang saloobin.
9. Ano ang naging epekto sa mga Pilipino
ng pagmamalupit ng mga Espanyol?
A. nanatiling tagasunod na lamang
B. naging mabuti pa silang mamamayan
C. nawalan na sila ng tiwala sa kanilang
sarili
D. nawalan ng kalayaan, katarungan at
karapatang pantao
10. Ano ang naging epekto sa mga Pilipino nang
mabuo ang nobelang Noli Me Tangere?
A. Nagkaroon ng pag-ibig sa bansa ang mga Pilipino.
B. Nabigyang-linaw ang isip ng mga Pilipino sa mga
pang-aalipin ng mga Kastila.
C. Nakatulong ito upang imulat ang mata ng mga
Pilipino na lumaban sa Kastila.
D. Naging instrumento ito upang makabuo ang mga
Pilipino ng pambansang pagkakakilanlan.
11. Siya ang may-akda ng
nobelang Noli Me Tangere.
A. Andres Bonifacio
B. Jose Rizal
C. Emilio Aguinaldo
D. Juan Luna
12. Ang salitang Noli Me Tangere ay ngamula
sa salitang Latin na nangangahulugang
_______________________________ na
hango sa Ebanghelyo ni San Juan.
A.Ang Paghahari ng Kasakiman
B.Ang Suberbibo
C.Huwag mo akong Salingin
D.Mapanganib na Tao
13. Sa tulong ni _____________________,
nakapagpalimbag si Dr. Jose Rizal ng Noli
Me Tangere ng dalawang libong kopya sa
Imprente Lette
A. Maximo Viola
B. Ferdinand Blumentritt
C. Emilio Aguinaldo
D. Valentin Ventura
14. Ang akdang ito na isinulat ni
Rizal ay tungkol sa pagmamahal sa
sariling wika.
A. Mi Ultimo Adios
B. Sa Aking Kabata
C. Noli Me Tangere
D. El Filibusterismo
15. Ang Pangalang Rizal ay ipinag-uutos
ni Gobernador Heneral Claveria na
nanganghulugang
_______________________
A. luntiang bukirin
B. pamahalaan
C. merkado
D. pamilihan
16-20. Ayusin at piliin ang buong pangalan
ni Dr. Jose Rizal.

Alonzo Quintos Jose Rizal y Lamco


Realonda Mercado Protacio
PAGSUSULIT 01
1. Kanino inihandog ni Dr. Jose Rizal
ang nobelang Noli Me Tangere?
A. sa Prayle
B. sa Espanya
C. sa mga Pilipino
D. sa GOMBURZA
2. Ano ang nagbunsod kay Rizal na
sumulat ng Noli Me Tangere at El
Filibusterismo?
A. mga prayle
B. GOMBURZA
C. mga Pilipino
D. tatlong paring martir
3. Anong aklat ang naging inspirasyon ni Rizal sa
pagsulat ng Noli Me Tangere na tumatalakay sa
isang lalaking kumutya kay Hesus habang siya ay
patungo sa Golgota at pinarusahan ang lalaki na
maglakad sa buong mundo nang walang tigil?
A. Bibliya
B. El Filibusterismo
C. The Wandering Jew
D. Uncle Tom’s Cabin
4. Anong nobela ang gumising sa natutulog na
damdamin ng mga Pilipino at nagsiwalat sa
kabuktutan at pagmamalupit ng mga Espanyol?
A.El Filibusterismo
B.The Wandering Jew
C. Noli Me Tangere
D. Uncle Tom’s Cabin
5. Alin sa sumusunod na pahayag ang naging layunin ni
Dr. Jose P. Rizal sa pagsulat niya ng nobela?
A.makataong pakikitungo ng mga Kastila sa mga Pilipino
B. maisakatuparan ang pagiging malaya ng bansa sa
mga mananakop
C. matugunan ang paninirang puring ipinarating ng mga
Kastila sa mga Pilipino at sa bansa
D. mahikayat ang kabataan na maging bukas ang isip sa
mga pangyayari sa pamahalaan
6. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang na layunin ni Dr.
Rizal sa pagsulat niya ng Noli Me Tangere?
A. maiulat ang kalagayang panlipunan, uri ng pamumuhay,
mga karaingan at kalungkutan
B. matugunan ang paninirang puring ipinaratang ng mga
Kastila sa mga Pilipino at sa bansa
C. mahikayat ang mga kabataan na maging bukas ang isip sa
mga pangyayari sa pamahalaan
D. maihayag ang maling paggamit ng relihiyon na
ginagawang dahilan o sangkalan sa paggawa ng masama
7. Ano ang nais ipakahulugan ng layuning ito?
“Maipaliwanag ang pagkakaiba ng tunay sa ‘di tunay na
relihiyon”.
A. maihayag ang maling paggamit ng relihiyon
B. bawat relihiyon ay may iba’t ibang paniniwala
C. mas makapangyarihan ang simbahan kaysa
pamahalaan
D. may pagkakaiba ang bawat relihiyon batay sa kanilang
pinaniniwalaan
8. Ano ang maaaring pagpapaliwanag sa kondisyong
panlipunang kawalan ng kalayaan sa pananalita at
panulat?
A. Limitado ang kalayaang kumilos ng mga Pilipino.
B. Hindi maaaring magsulat o magsalita ang mga
Pilipino.
C. May busal ang bibig at putol ang kamay ng mga
Pilipino.
D. Walang karapatan ang mga Pilipino na magbahagi
ng kanilang saloobin.
9. Ano ang naging epekto sa mga Pilipino
ng pagmamalupit ng mga Espanyol?
A. nanatiling tagasunod na lamang
B. naging mabuti pa silang mamamayan
C. nawalan na sila ng tiwala sa kanilang
sarili
D. nawalan ng kalayaan, katarungan at
karapatang pantao
10. Ano ang naging epekto sa mga Pilipino nang
mabuo ang nobelang Noli Me Tangere?
A. Nagkaroon ng pag-ibig sa bansa ang mga Pilipino.
B. Nabigyang-linaw ang isip ng mga Pilipino sa mga
pang-aalipin ng mga Kastila.
C. Nakatulong ito upang imulat ang mata ng mga
Pilipino na lumaban sa Kastila.
D. Naging instrumento ito upang makabuo ang mga
Pilipino ng pambansang pagkakakilanlan.
11. Siya ang may-akda ng
nobelang Noli Me Tangere.
A. Andres Bonifacio
B. Jose Rizal
C. Emilio Aguinaldo
D. Juan Luna
12. Ang salitang Noli Me Tangere ay ngamula
sa salitang Latin na nangangahulugang
_______________________________ na
hango sa Ebanghelyo ni San Juan.
A.Ang Paghahari ng Kasakiman
B.Ang Suberbibo
C.Huwag mo akong Salingin
D.Mapanganib na Tao
13. Sa tulong ni _____________________,
nakapagpalimbag si Dr. Jose Rizal ng Noli
Me Tangere ng dalawang libong kopya sa
Imprente Lette
A. Maximo Viola
B. Ferdinand Blumentritt
C. Emilio Aguinaldo
D. Valentin Ventura
14. Ang akdang ito na isinulat ni
Rizal ay tungkol sa pagmamahal sa
sariling wika.
A. Mi Ultimo Adios
B. Sa Aking Kabata
C. Noli Me Tangere
D. El Filibusterismo
15. Ang Pangalang Rizal ay ipinag-uutos
ni Gobernador Heneral Claveria na
nanganghulugang
_______________________
A. luntiang bukirin
B. pamahalaan
C. merkado
D. pamilihan
16-20. Ayusin ang buong pangalan ni Dr. Jose
Rizal.

Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo


Realonda

You might also like