2 Teleserye Ang Kalidad at Responsibilidad NG Pagbibigay-Buhay Sa Iba't Ibang Buhay

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

Filipino sa Piling

Larangan
(Sining at Disenyo)
Fanny A. Garcia
Jonathan V. Geronimo
Mga May-akda

Aurora E. Batnag
Koordineytor
Yunit I – Sining at Disenyong Popular, Ating Kilatisin

ARALIN 2
Teleserye: Ang Kalidad at
Responsibilidad ng Pagbibigay-Buhay
sa Iba’t Ibang Buhay
Layunin
 matukoy ang mga dahilan at pamantayan ng mga ordinaryong
manonood para sa kanilang mga paboritong teleserye;
 matukoy ang mga pamantayang magagamit sa pagkritika sa mga
teleserye sa gabay ng mga mapanuring rebyu o kritisismo;
 makapagsuri ng mga pinanonood na teleserye;
 maisa-isa ang mga pamantayan ng estado kaugnay ng klasipikasyon
ng mga palabas upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga
manonood lalo’t higit ang mga kabataan;
 makapagsagawa ng isang payak na pananaliksik kaugnay ng isang
kasalukuyang teleserye partikular sa: (a) popularidad; (b) kalidad;
at (c) kaangkupan nito sa mga manonood; at
 makasulat ng isang rebyu o kritisismo ng isang pangkasalukuyang
teleserye na maibabahagi sa klase.
Ang Tatlong Panig

Kaugnay ng mga palabas sa telebisyon, may tatlong


panig na interesante ang ugnayan:

 ang TV network,
 ang mga kompanyang isponsor, at
 ang mga manonood.
Ang Kabilang Mukha ng
Popularidad ng mga Teleserye
Ang mga dahilan ng mga manonood kung bakit sila
sumusubaybay sa mga teleserye ay maaaring isa, kombinasyon,
o lahat sa sumusunod:
(1) paglilibang o pampalipas-oras;
(2) tagahanga ng isang artista o mga artistang kabilang sa
teleserye;
(3) nagagandahan sa kuwento at/o iskrip;
(4) personal na naiuugnay ang sarili sa (mga) tauhan o sa
(mga) pangyayari sa teleserye; at
(5) may mga partikular na natututuhan din sa teleserye
kaya hindi lamang ito pampalipas-oras kundi impormatibo at
edukasyonal din.
Ang Kabilang Mukha ng
Popularidad ng mga Teleserye
May mga kahinaan, kakulangan, at kapintasang ipinatatanaw,
kung hindi man ibinabato, sa mga sangkot sa paggawa ng mga
teleserye. Kabilang dito ang sumusunod:
1. Humihikayat ng pagpapantasya ang
karamihan sa mga teleserye.
2. Namumutiktik sa deux ex machina o mga
eksenang akala mo’y di-sadya ngunit sadya naman
talaga ng manunulat.
3. May mga teleseryeng nagpapakita ng sobrang
pagmamalupit at karahasan, na tila ba hindi na isang
teleserye ang pinanonood kundi isang manwal para sa
paggawa ng pagmamalupit at karahasan sa kapuwa.
Ang Kabilang Mukha ng
Popularidad ng mga Teleserye
4. Maraming kuwento ang paulit-ulit lamang ang mga
detalye.
5. Karaniwang inuumpisahan ang kuwento sa panahon ng
kabataan ng mga bida (para sa back story) o love triangle
(kung saan ang lalaki ang laging pinag- aagawan).
6. Saganang-sagana sa mga eksenang komprontasyonal
(verbal at/o pisikal).
7. Kapag namamayagpag sa rating ang teleserye, ang
orihinal na mga subplot ay babanatin nang babanatin, o kaya
ay daragdagan pa.
Ang Kabilang Mukha ng
Popularidad ng mga Teleserye
8. Marami ring batang tauhan ang hindi kapani-
paniwalang mga bata sapagkat tila nakatatandang mga tauhan
kung magsalita.
9. Kapansin-pansin ding kapag may mga eksena ng
nakaburol na pangunahing tauhan (bida/kontrabida), tila
nagiging sukatan na ng propesyonalismo ng aktor/aktres na
pumayag siyang humiga sa loob ng kabaong at idispley ang
kaniyang naka-frame na retrato sa ibabaw ng kabaong.
10. May mga artistang napupuna ang galing sa pagganap,
lalo pa’t kung isa sila sa mga pangunahing tauhan.
Teleseryeng De-Kalidad, Makabuluhan, at
Angkop sa Manonood
 May sari-sariling pamantayan ng kahusayan ang bawat isa
sa mga kalahok sa pagbuo ng isang teleserye. Walang
mabuting ibubunga ang panuntunan na “puwede na.”
 Ang layuning paghusayin ang proyekto ay karapat-dapat na
work ethic.
 Hangad man niya o hindi, bibigyang-pagkilala ang kaniyang
kahusayan—ito man ay sa anyo ng mas maraming
manonood, pagbanggit sa kaniya sa mga sulatin, lalo pa
nga sa mga rebyu/kritisismo ng mga respetable’t batikang
kritiko, o sa mga pagkikilala’t gantimpala mula sa mga
award-giving bodies.
Ang Movie and Television Review
and Classification Board (MTRCB)
 Bagaman ang mga kalahok sa paggawa ng teleserye ay
may karapatan at pribiliheyo sa panuntunang self-
regulation, may isang ahensiya ng gobyerno, ang
Movie and Television Review and Classification Board
(MTRCB), na ang tungkulin ay tiyaking walang panoorin
sa telebisyon ang makasasama sa sensibilidad at
kapakanan ng mga manonood, lalo’t higit ang mga
kabataan.
Ang Movie and Television Review
and Classification Board (MTRCB)
May mga panuntunan ang MTRCB bilang gabay kaugnay
ng pelikula at telebisyon. Sa kasalukuyan ay may apat na
classification rating ito:
1. General Patronage (G)
2. Parental Guidance/Patnubay at Gabay (PG)
3. Strong Parental Guidance/Striktong Patnubay
at Gabay (SPG)
4. Disapproved for Airing on Television (X)
Ang Movie and Television Review
and Classification Board (MTRCB)
Pictogram
“Ang programang ito
“Ang susunod “Ang susunod na ay Rated SPG.
na programa programa ay Striktong patnubay
ay Rated G. Ito Rated PG. Ito ay at gabay ng
magulang ang
ay puwede sa nangangailangan
kailangan. May
lahat ng ng patnubay at maseselang
manonood.” gabay ng mga tema, lengguwahe,
magulang para sa karahasan, seksuwal,
mga batang horror, at droga na
manonood.” hindi angkop sa mga
batang
manonood.”
Ang Movie and Television Review
and Classification Board (MTRCB)
Sa pananaw
ng MTRCB, ang materyal ay
General Patronage (G) angkop lahat, pati sa mga
batang manonood.

Kailangang kasama sa
Parental Guidance/ panonood
Patnubay ng Magulang (PG) ang magulang o
nakatatanda para sa
kailangang gabay at
patnubay.
Ang Movie and Television Review
and Classification Board (MTRCB)
Mas maselan ang panooring SPG
kaysa PG. Mahigpit na sinusuri at
Strong Parental Guidance/ tinitimbang ng MTRCB ang layunin,
Striktong Patnubay at Gabay genre o anyo, oras ng pagpapalabas,
(SPG) pamamaraan, at pagpapakita ng
tema, lengguwahe, karahasan, sex,
katatakutan, at droga.

Anumang programa sa telebisyon


Disapproved for Airing on na hindi makatutugon sa mga
Television (X) klasipikasyong G, PG, o SPG ay
hindi pahihintulutan ng MTRCB
na maipalabas.

You might also like