Kabutihang Loob

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 28

Kabutihang-loob:

Paggawa ng Mabuti sa
Kapuwa
Quarter 3 Week 7-8
Ano ang Dapat Mong Maunawaan?

Nakalulungkot mamasid ang pagdami ng mga


kababayan na labis ang paghihirap sa kanilang buhay.
Nariyan ang mga pamilya na ang tirahan ay mga kariton
na nasa lansangan. Karaniwan din ang mga pulubi at
may kapansanan na nanlilimos upang may pambili ng
pagkain. Marami rin ang mga bata at maging mga may
hustong gulang na nagbibigay ng mga envelope na
panghingi ng limos mula sa mga pasahero ng mga
sasakyan.
Ano ang Dapat Mong Maunawaan?
May mga ahensiya ng pamahalaan may gampanin na
tumulong sa mga labis na naghihirap sa ating lipunan.
Ngunit tila di sapat ang mga programang
ipinapatupad ng pamahalaan upang maibsan ang mga
kondisyon ng mga kapos-palad na mamamayan. Hindi
naman lagging naaabot ng pamahalaan ang lahat ng
mahihirap na nangangailangan ng tulong. Bilang mga
kababayan at kapuwa Pilipino, isang dakilang
tungkulin na tulangan ang mga nangangalaingan ng
tulong sa pamayanang ginagalawan.
Ano ang Dapat Mong Maunawaan?

Ang determinasyon na isabuhay ang


kabutihang-loob ay mahalagang sangkap sa
mabuting pakikipagkapuwa. Maraming
pamamaraan ng kabutihang-loob na
magagawa ang kabataang tulad mo para sa
iyong kapuwa.
Paano isasabuhay ang paggawa ng
mabuti sa kapuwa?
Paano magkakaroon nito at bakit
kailangang patuloy na isabuhay ang
mga ito?
Kabutihan Timeline ng Buhay Ko
Panuto: Tukuyin at ilahad ang mga kabutihang nagawa mo sa
iyong kapuwa mula noong ikaw ay pitong taong gulang
hanggang sa kasalukuyan. Maglagay ng mga biswal o simbolo
para sa bawat kabutihang ginawa.

Panahon(Timelin Kabutihang Gumuhit ng


e) nagawa sa simbolo para sa
kapuwa kabutihang
nagawa
7 taong gulang Ipinahiram ko ang
aking laruan sa isa
kong pinsan.
Talakayan
1. Ibahagi
ang ginanwang matrix sa pangkat at tukuyin
ang mga pamamaraan ng kabutihang-loob na iyong
ginawa para sa iyong kapuwa.
2. Anoang nag-udyok sa iyo na maging mabuti sa iyong
kapuwa?
3. Nagingmahirap ba o madali para sa iyo na magpakita
ng kabutihan sa kanila? Bakit?
4. Tumukoy ng isang tiyak na gawain o tugon bilang kilos
ng kabutihang-loob na taos sa puso na nais mong gawin.
Batay sa iniulat ng mga pangkat, bumuo ng matrix para sa
lahat ng pangkat na gaya ng nasa ibaba kung saan lalagumin
ang mga mahahalagang kaalamang tinukoy sa pangkatang
talakayan. Gamitin ang mga halimbawa bilang gabay:

Unang kolum: Sino-sino ang inyong kapuwa na dapat tulungan?


Ikalawang kolum: Ano-ano ang paraan ng paggawa ng mabuti
na makatutulong sa kapuwa? Tukuyin ang mga
pangangailangan ng iba’t ibang uri ng tao maaari mong
tugunan bilang isang mabuting kabataan.
Ikatlong kolum: Ano-ano ang kabutihang mangyayari kung
gagawin ang kabutihan sa kapuwa?
Sino-sino ang Ano-ano ang paraan Ano-ano ang
inyong kapuwa na ng paggawa ng kabutihang
dapat tulungan? mabuti na mangyayari kung
makatutulong sa gagawin ang
kapuwa? kabutihan sa
kapuwa?

Kapamilya Magulang: Tutulong Hindi sila labis na


ako sa mga gawaing mapapagod o
bahay. magkakasakit ng
madalas.
Sagutin ang sumusunod na mga tanong batay sa nabuong tala.
1. Bakit kailangang tulungan ang mga taong labis na naghihirap
sa buhay?
2. Ilarawan ang magiging pakiramdam mo kung ikaw ang nasa
katayuan ng sino man sa kanila.
3. Ano kaya ang mararamdaman ng taong iyong tutulungan?
4. Ano sa iyong palagay ang mga dahilan kung bakit hindi
gumagawa ng kabutihan sa kapuwa ang ilang kabataan?
5. Ano ang iyong opinion sa utos na nagbabawal sa pagbibigay
ng limos sa mga pulubi sa lansangan. Makatuwiran ba o hindi
makatuwiran ang utos na ito? Ipaliwanag ang iyong sagot.
Ano ang kahulugan ng kabutihang-loob?
Ang pakikipagkapuwa ay batayan ng buhay.
Ang ating kalikasang panlipunan ay
nagpapatunay na hindi maaring mabuhay
nang wala ang pakikipagkapuwa. Isang
mahalagang salik sa pakikipagkapuwa ay ang
paggawa ng kabutihan sa nangangailangan ng
tulong sapagkat wala pa o wala na silang
kakayahan na tulungan ang kanilang sarili.
Ano ang kahulugan ng kabutihang-loob?
 Ang kabutihang-loob ay isang katangian na nagtutulak sa
isang tao na maramdaman ang mga kakulangan ng
kapuwa na nagangailangan ng pag-unawa, tulong, o
kalinga. Nagbubunsod ang kabutihang-loob sa isang tao
na gumawa ng mga pagkilos upang matugunan o maibsan
ang kanilang pangngailangan. Nagiging mas mabuti o
mas madali ang solusyon sa mabibigat na suliranin kung
nagbabahagian ng tulong mula sa kapuwa. Maaring
magkakilala o hindi magkakilala ang nagbibigay ng
tulong at ang kapuwa na tumatanggap ng kabutihang-
loob.
Konsepto at Pananaw sa Kabutihang-
loob
1. Angkabutihang loob ay isang bugso ng
damdamin(drive) na nag-uudyok upang gumawa ng
kabutihan at tumulong para sa kapakanan ng iyong
kapuwa o kahit ng hayop man.
Halimbawa, may nag-uudyok sa iyo na magbigay ng limos
sa isang pulubi, may nag-uudyok sa iyo na tulungan ang
isang asong nasagasaan, o may nag-uudyok sa iyong
damputin ang basag na bote na nakakalat sa daanan
dahil maaari itong ikasugat ng taong makatapak dito.
Konsepto at Pananaw sa Kabutihang-
loob
2. Ang kabutihang-loob ay isang panloob na katangian
ng tao na kaniyang kailangang ilabas sa pamamagitan
ng mga tiyak na pagsasalita at pagkilos.
Halimbawa, ang simpleng pagpapahayag tulad ng
“Kawawa naman ang batang namamalimos” ay hindi
kabutihang-loob kung hindi sinasabayan ng aktuwal na
kilos ng pagtulong. May mabubuting gawa tayong
nakikita na tumutulong sa mga batang pulubi ang ilan
sa pagbibigay ng pagkain sa halip na perang barya.
Konsepto at Pananaw sa Kabutihang-
loob
3. Ang kabutihang-loob ay maisasabuhay sa mga
natural o simple ngunit makabuluhang pagkilos na
kasiya-siya sa tumatanggap ng mga ito.
Halimbawa, ang simpleng pagbibigay ng oras upang
makinig at sagutin ang tanong ng isang di kakilala,
sa kabila ng iyong pagmamadali upang makahabol
sa isang pagsusulit, ay isang pagpapakita ng
kabutihang-loob sa kapuwa.
Konsepto at Pananaw sa Kabutihang-
loob
4. Ang kabutihang-loob ay maaaring pagbibigay ng
mga simpleng bagay bilang pagpapahayag ng
kasiyahan sa kapuwa.
Halimbawa, nagbigay ka ng hindi mahal ngunit
maayos na panulat para sa kasapi ng inyong
pangkat na nagtulungan upang matapos ang isang
itinakdang gawain.
Konsepto at Pananaw sa Kabutihang-
loob

5. Ang kabutihang-loob ay karaniwang hindi


naghihintay ng kapalit o kabayaran sa
kabutihang ginawa sa kapuwa.
Ang marinig ang simple ngunit taos-pusong
“Salamat!” o “Thank You!” ay sapat nang
kasiyahan sa isang may kabutihang-loob.
Konsepto at Pananaw sa Kabutihang-
loob
6. Ang kabutihang-loob ay maaaring pagtulong na
ginawa sa paraang di nakikita o napapansin (act
of anonymity).
Halimbawa, gumagawa ka ng mabuti sa kapuwa
kahit hindi mo siya kakilala tulad ng pagbibigay
ng pamasahe sa isang nakasabay sa dyip na
nakitang wala na siyang wallet sapagkat
nadukutan pala siya.
Konsepto at Pananaw sa Kabutihang-
loob

7. Ang kabutihang-loob ay maaaring biglaang


pagkilos (spontaneous act). Mabilis kang gumagawa
ng kabutihan pagkatapos matuklasan ang
pangangailangan ng kapuwa.
Halimbawa, hinawakan mo ang pinto ng isang opisina
at hinintay makapasok ang isang matanda.
Sino-sino ang iyong kapuwa na nangangailangan
ng iyong kabutihang-loob?

Marami at iba’t-ibang mga praktikal na


mabubuting pamaraan ng pagkilos upang
tumulong na maibsan ang labis na
pangangailangang pisikal ng mga labis na
naghihirap na kapuwa. Ang pagtulong sa kapuwa
na labis na naghihirap ay tungo sa pagbubuo ng
kaganapang-banal ng ating pagkatao.
Sino-sino ang iyong kapuwa na nangangailangan
ng iyong kabutihang-loob?

1. Pakainin ang mga nagugutom.


2. Painumin ang nauuhaw.

Magkaugnay ang una at ikalawang kautusan. Sa pagninilay sa


mga kautusan, gaano kalimit ka kung magbigay ng pagkain o
maiinom sa mga nangangailangan ng mga ito dahil wala o
nahihirapan silang matugunan ang kanilang gutom at uhaw?
Sino-sino ang iyong kapuwa na nangangailangan
ng iyong kabutihang-loob?

3. Damitan ang mga walang damit o saplot sa katawan.

Kadalasan, hindi naman totoong hubad at tuwiran walang saplot


ang tinutukoy ng kautusan. Sinasaklaw nito ang mga taong may
takip ang katawan ngunit kulang, marurumi, at gula-gulanit ang
kasuotan. Sapat na dahilan ang kondisyon nilang ito upang ikaw ay
makaramdam ng pagnanais na magbigay ng mga damit, tsinelas o
sapatos, at marami pang ibang kaya mong maibigay.
Sino-sino ang iyong kapuwa na nangangailangan
ng iyong kabutihang-loob?

4. Bigyang-proteksiyon ang walang masilungan.


Isipin ang bigat ng pasanin ng kapuwa na walang masilungan sapagkat
walang sariling tirahan. Marami sa mga dukha ang ginagawa ng tirahan ang
mga hindi ligtas na lugar tulad ng gilid ng kalye, ilalim ng tulay, tabi ng
riles, at gilid ng estero. Humaharap sila sa maraming peligro at posibleng
sakuna sa mga lugar na ito. Nagiging sagabal din sila sa kaayusan at
kalinisan ng kanilang sinasakupan. Hindi ligtas na patirahin sa iyong
tahanan ang mga hindi mo kakilala. Ngunit maaaring makatulong ang iyong
pamiya sa mga Samahan tulad ng Gawad Kalinga na ang pangunahing
layunin ay tulungan ang mga maralitang walang tirahan.
Sino-sino ang iyong kapuwa na nangangailangan
ng iyong kabutihang-loob?

5. Bisitahin ang mga maysakit.


Isipin ang nararamdaman ng mga maralitang may malulubhang
sakit at wala nang kapamilya o wala nang makuhang tulong mula sa
mga kapamilya. Marami sa kanila ay naktira sa mga gilid ng kalye o
pakalat-kalat na naglalakad at humihingi ng limos upang may
ipambili ng pagkain at gamut sa tuwing nagkakasakit. Masuwerte
pa nga ang mga nasa ospital at shelter homes sapagkat sila ay
napangangalagaan. Ang mga taong napagkaitan ng pagkakataong
makapamuhay nang maayos ay makararamdam lamang ng pag-asa
kung tutulungan natin sila na maiangat ang kanilang pamumuhay.
Sino-sino ang iyong kapuwa na nangangailangan
ng iyong kabutihang-loob?

6. Bisitahin ang mga nasa bilangguan.


Nakababahalang isipin sapagkat maaring di ligtas kung bibisitahin
ang mga bilanggo sa piitan, hindi ba? Ang tinutukoy na pagtulong
ng kabataang tulad mo ay sa mga paraang tulad ng pagsali sa iba’t
ibang samahan na tumutulong sa mga bilanggo. Nagdadala sila ng
mga tulong na material na kanilang kinakailangan. Higit sa lahat,
sama-sama silang nagdarasal upang maramdaman ng mga bilanggo
ang pagmamahal sa kanila ng Diyos sa pamamagitan ng pagtulong
ng samahan.
Sino-sino ang iyong kapuwa na nangangailangan
ng iyong kabutihang-loob?

7. Ilibing ang mga patay.


Ito ang huli sa mga Pitong Gawa ng
Awa para sa Katawan na pantulong
sa mararalitang pamilya na maaaring
gawin ng kabataan.
Sino-sino ang iyong kapuwa na nangangailangan
ng iyong kabutihang-loob?
Sino-sino ang iyong kapuwa na nangangailangan
ng iyong kabutihang-loob?

You might also like