Ang narativ ay batay sa sariling karanasan ng isang tao ayon sa
kanyang mga gawain sa pang-araw-araw, maging ikaw ay isang profesyonal o mag-aaral o pangkaraniwang mamamayan.
Ito ay nakabatay sa tunay na mga pangyayari o kung minsan
naman ay kathang-isip lamang ng isang tao.
Ang tekstong narativ ay ang pagsasalaysay ng magkaugnay na
pangyayari sa anyong kwento at sa wikang maliwanag. Inilalahad nito ang mga pangyayari sa ayos ng kronolohikal o mula sa pinakahuli hanggang sa pinakaunang pangyayari. Ang naratib ay may tiyak na simula, gitna, at wakas. Maaaring ito ay isang mahabang pagsulat. Ang narativ ay maaaring piksyon o di- piksyon. Ang piksyon aytungkol sa mga likhang isip ng tao at pangyayari. Mga halimbawa nito ang nobela at ang maikling kwento. Ang di-piksyon naman ay tungkol sa mga totoong tao at pangyayari.
Mga halimbawa nito ang anekdota at talambuhay.
Piksyonal o di-piksyonal man, ang narativ ay may mga elemento ng isang
kwento, tulad ng tagpuan, tauhan, at banghay.Isang magandang anekdota ay tungkol sa ating “Ama ng Wika” na walang iba kundi si Pangulong Manuel L. Quezon o kaya ang ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Narito ang katangian ng textong narativ:
1.Ang textong narativ ay isang impormal na pagsasalaysay. Para
kang nagkuwento ng isang bagay oisang pangyayari sa isang kaibigan. 2.Magaan itong basahin. Maaaring magtaglay ng anekdotang naglalarawan ng mga tauhan, eksena, at mga detalye ng mga pangyayari. 3.Nagtataglay ito ng panimula na nagsasaad kung anong uri ito ng textong narativ at ng isang matibay na konklusyon. ELEMENTO NG SALAYSAY • Tauhan • Tagpuan • Banghay • Kasukdulan • Kakalasan • Wakas • Kakintalan • Pananaw o Paningin • Tema