Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

PAG PILI NG PAKSA

GROUP 1
PAGPILI NG PAKSA
Ang unang hakbang sa pagbuo ng pananaliksik ay
ang
pagpili ng paksa. Ito rin ang bahaging
pinakamahirap
simulan dahil hindi sapat na gusto mo lamang o
kabilang
sa mga hilig mong gawin ang nais isulat. Kailangan
din
ng magandang dahilan kung bakit ito ang napiling
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagpili ng Paksa:

1. Interes at kakayahan – dahil ang kalikasan ng


pananaliksik ay ang aktuwal na pagsasagawa
nito, mahalagang gusto mo ang iyong ginagawa
o may kaugnayan sa hilig mo ang paksang nais
saliksikin.
2. Pagkakaroon ng mga material na magagamit na
sanggunian
3. Kabuluhan ng paksa
4. Limitasyon ng panahon
5. Kakayahang pinansiyal
Hangga’t maaari, iwasan ang mga paksang may
kaugnayan sa sumusunod:

1. Mga pinagtatalunang paksa na may kinalaman


sa relihiyon at usapin ng moralidad na mahirap
hanapan ng obhetibong pananaw at
nangangailangan ng maselang pagtalakay.
2. Mga kasalukuyang kaganapan o isyo dahil
maaaring wala pang gaaning material na
magagamit bilang saligan ng pag-aaral.
3. Mga paksang maituturing nang “gasgas” o gamit
na gamit sa pananaliksik ng mga mag-aaral.
Paano Bumuo ng Paksa sa Pananaliksik?

Narito ang mga gabay na tanong upang makatulong sa


pagbubuo ng paksa:

1. Ano-anong paksa ang maaaring pag-usapan?


2. Ano-ano ang kawili-wili at mahalagang aspeto ng
paksa?
3. Ano ang aking pananaw hinggil sa paksa?
4. Ano-anong suliranin tungkol sa sarili, komunidad,
bansa at daigdig ang ipinakikita kaugnay ng paksa?
5. Bakit kailangang saliksikin at palalimin sa mga
ganitong mga suliranin.
6. Sino-sino ang sangkot?
7. Anong panahon ang sinasaklawan ng paksa?
8. Paano ko ipapahayag ang paksa sa mas
malinaw at tiyak na paraan?
9. Paano ko uugnayin at pagsusunod-sunorin ang
mga ideyang ito?
Paglilimita ng Paksa

Mga elementong makapaglilimita ng


paksa:

1. Panahon
2. Uri o Kategorya
3. Edad
4. Kasarian
5. Lugar o espasyo
6. Pangkat o sector na kinasasangkutan
7. Perspektiba o pananaw
Halimbawa ng batayang paksa na nililimitahan gamit
ang iba’t-ibang elemento

Paksa: Teknolohiya at Kabataan

1. Perspektiba
Nilimitahang Paksa: Ang epekto ng teknolohiya
sa kabataan.
Nilimitahang Paksa: Ang persepsyon ng mga
mag-aaral sa paggamit ng social media bilang
bukal ng impormasyon.
2. Panahon
Nilimitahang Paksa: Ang epekto ng internet at
smartphone sa paggamit ng social media noong
2010 hanggang sa kasalukuyan.
3. Uri
Nilimitahang Paksa: Epekto ng pagsasalarawan
ng lipunan at media sa kagandahan.
4. Edad
Nilimitahang Paksa: Ang persepsyon ng mga
kabataan mula edad 16 hanggang 18 sa
impluwensya ng facebook.
5. Kasarian
Nilimitahang Paksa: Ang epekto ng
paglaganap ng teknolohiya sa sector ng
kababaihan.
6. Lugar
Nilimitahang Paksa: Ang epekto ng social
media sa mga mag-aaral ng Far Eastern
University.
7. Pangkat
Nilimitahang Paksa: Persepsyon ng mga mag-
aaral ng Far Eastern University sa paglaganap
ng social media.
Maaaring gamitin sa paglilimita ng paksa ang
kombinasyon ng iba’t-ibang elemento upang higit itong
maging espesipiko. Tandaan na habang humahaba ang
pamagat ay lalong nagiging espisipiko ang iyong paksa.

Halimbawa:

Persepsyon ng mga kababaihang mag-aaral na nasa


edad 16-18 ng Institute of Education ng Far Eastern
University sa impluwensya ng Facebook sa banidad
ng mga kabataan.
Narito pa ang Ilang halimbawa
1. Paksa: Ang proseso ng panggagamot Ang persepsyon ng oncologist sa
loob ng sampung taon panggagamot ng kanser sa loob ng sampung
2. taon
Nililimitahang paksa gamit ang uri
Nililimitahang paksa gamit ang perspektiba,
Ang proseso ng panggagamot sa sakit propesyon, uri, at panahon
na kanser sa loob ng sampung taon
Ang persepsyon ng mga oncologist sa
Nililimitahang paksa gamit ang perspektiba, panggagamot ng kanser mula 2005 hanggang
propesyon, at uri 2008.
2. Paksa: Ang teknolohiya sa pagpapalaki
ng mga magulang sa kanilang mga anak

Nilimitahang paksa gamit ang


Nilimitahang paksa gamit ang perspektiba,
perspektiba uri at lugar
at uri
Epekto ng telebisyon sa pagpapalaki
Epekto ng media sa pagpapalaki ng ng mga magulang sa kanilang mga
mga magulang sa kanilang mga anak na
anak lalaki na may edad 8 hanggang 13 sa
Barangay Tuazon
SALAMAT SA
PAKIKINIG 🥹

You might also like