Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 28

FILIPINO 8

Ikaapat na Markahan
TALAMBUHAY NI FRANCISCO BALAGTAS
Tubong Bulacan ang Prinsipe ng Makatang Tagalog. Isinilang
siya noong ika-2 ng Abril 1788 sa Panginay, Bigaa, Bulacan.
Ngayon ay Balagtas na ang tawag sa lugar ng kanyang
kapanganakan bilang pagpaparangal sa kanya na dakilang
makatang anak ng Bulacan. Mahirap lamang ang kanyang
pamilya. Si Juan Balagtas, ang kanyang ama, at si Juana dela Cruz
naman, ang kanyang ina. Kiko ang ipinalayaw kay Francisco.
Musmos pa lamang ay kinakitaan na siya ng talino at hilig sa pag-
aaral. Dahil sa kahirapan kinakailangan niyang manilbihan bilang
utusan sa Tondo, Maynila.
Ang kapalit ng kanyang paninilbihan kay Donya Trinidad ay ang
pagpapaaral nito sa kanya. Pinag-aral siya sa Colegio de San Jose
at dito ay nakatapos ng Gramatica Castellana, Gramatica Latina,
Geografía y Fisica, at Doctrina Christiana. Ang mga nabanggit ay
ang mga karunungang kinailangan niyang malaman upang
makapagaral siya ng Canones, ang batas ng pananampalataya.
Bukod dito, pinalad siyang makapagaral sa isa pang paaralan, ang
San Juan De Letran. Natapos niya ang Humanidades, Teologia, at
Filosofia. Dito niya naging guro si Padre Mariano Pilapil, isang
bantog na guro na sumulat ng Pasyon.
Naging bukambibig ang pangalan ni Kiko sa larangan ng
pagbigkas ng tula, Madalas siyang rnaanyayahan sa iba 't ibang
pagdiriwang upang bumigkas ng tula. Naging makulay ang
kanyang pagbibinata at naging bantog na makata. Ang angking
husay niya rin sa pagbigkas ng tula ang dahilan kung bakit
maraming kababaihan ang humanga sa kanya. Subalit isang
dilag na nagngangalang Magdalena Ana Ramos ang unang
bumihag sa kanyang puso. Sinikap niyang handugan ang dalaga
ng isang tula para sa kaarawan nito ngunit sa kasamaang-palad
ay hindi siya natulungan ng isa pang makatang tumutulong sa
pagaayos ng tula.
Ang tulang ipaaayos niya sana kay Jose dela Cruz, na
tinawag ding Huseng Sisiw, ay hindi nito tinanggap sa
kadahilanang wala siyang dalang sisiw na ipambabayad. Ang
pangyayaring iyon ang nagtulak kay Balagtas na pagbutihin ang
kanyang kakayahan sa paglikha ng tula. Hindi naglaon at
namayagpag sa larangan ng panulaan si Balagtas at
nangulimlim naman ang kabantugan ni Huseng Sisiw. Mula sa
Tondo ay lumipat si Balagtas sa Pandacan. Dito niya nakilala si
'Selya" o Maria Asuncion Rivera sa tunay na buhay. Napaibig
niya ang dalaga at naging magkasintahan sila. Subalit
nagkaroon siya ng mahigpit na katunggali sa pag-ibig ng dalaga
sa katauhan ni "Nanong" Mariano Kapule.
Si Nanong ay mula sa isang may kaya at makapangyarihang pamilya.
Sa kagustuhan niyang hindi na makahadlang pa si Balagtas sa kanyang
panunuyo kay Selya ay ipinabilanggo niya ang makata. Pinagdusahan ni
Balagtas sa bilangguan ang isang maling paratang. Dumagdag pa sa
kanyang dalahin ang balitang nagpakasal na dalagang iniibig niya sa
kanyang karibal. Pinaniwalaang dahil sa kabiguang ito ay naisulat niya sa
loob ng bilangguan ang obrang Florante at Laura. Bagama't may ilang
nagsasabing tinapos niya ang obra sa Udyong, Bataan, dito sa lalawigang
ito siya nanirahan pagkatapos ng kanyang pagkabilanggo at dito rin niya
nakilala ang babaeng iniharap niya sa dambana, si Juana Tiambeng. Sa
edad na 54 ni Balagtas, ikinasal sila ni Juana sa kabila ng pagtutol ng
magulang ng dalaga dahil sa laki ng agwat ng kanilang edad.
Muling nakilala ang husay ni Balagtas. Naging kawani siya sa
hukuman at hindi naglaon ay naging Tenyente Mayor at Juez de
Sementera. Noong mga panahong iyon ang posisyong 'iyon ay
pinagpipitaganan. Ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana, sa lalawigan
din ng Bataan ay muli siyang bumalik sa bilangguan dahil sa paratang na
pinutulan niya ng buhok ang isang babaeng utusan ni Alferez Lucas.
Bagama't lumaban siya sa kaso at sadyang naubos ang kanyang
kayamanan sa pag-apela, pinagdusahan pa rin niya ang paratang na iyon
sa kulungan. Sa isang kisapmata'y nawala ang lahat ng kanyang
pinaghirapan. Paglabas niya ng piitan, sinalubong siya ng hirap ng buhay
dahil naubos na ang kanyang kabuhayan. Gayumpama'y ipinagpatuloy
pa rin niya ang kanyang pagsulat hanggang sa bawian siya ng buhay
noong ika-20 ng Pebrero taong 1862 sa gulang na 74.
Naulila niya ang kanyang asawang si Juana at ang apat nilang anak.
Lumisan man siya sa mundong ito ay iniwan niya namang buhay sa alaala
ng mga Pilipino ang maraming imortal na obrang bagama't gumamit ng
alegorya upang maitago ang tunay na mensahe ng akda ay sumasalamin pa
rin sa mga kalakaran sa totoong buhay. Isa na sa mga ito ang Florante at
Laura. Sinasabing ang mga pasakit sa buhay na naranasan ni Balagtas ang
pumanday sa kanya upang maging isang mahusay na manunulat.
Nakatulong rin ang mga himagsik ng damdaming naghari sa puso't isipan
niya nang mga panahong iyon. Taglay ng Florante at Laura ang mga
himagsik na ito. Bagama't naisulat sa panahon kung kailan napakahigpit ng
sensura ng mga Espanyol sa mga akdang Pilipino, naging mapangahas ang
obrang ito.
Kung magiging mapanuri rin ang mga mambabasa, makikita nilang ang
awit ay hitik na hitik sa mga aral at pagpapahalagang magagamit bilang
gabay sa pang-araw-araw na pamumuhay tulad ng maling pagpapalayaw ng
magulang sa kanilang anak, pagkamainggitin na nauuwi sa paggawa ng hindi
mabuti sa kapwa, pagbabalatkayo na nagbubunsod ng pagiging
mapaghiganti, ang hindi kanais-nais na pag-uugaling pagpapaliban ng
gawain, at pagiging sobrang mapagpaniwala. Masasabing ang obrang
Florante at Laura ay naging daan upang mapataas ang antas ng panitikan
noong panahong walang layang makasulat at makapagpahayag ng mga
kaisipan, pagkamalikhain, at damdamin ng mga mahuhusay na manunulat.
Ito'y isang akdang hindi maibabaon sa hukay kailanman. Dahil sa angking
kakayahan, determinasyon, at katatagan ni Balagtas, isinilang ang isang obra-
maestrang nagtaas sa antas ng sining ng panitikan. Tunay ngang karapat-
dapat na tawaging Prinsipe ng Makatang Tagalog si Francisco Balagtas.
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN
NG FLORANTE AT LAURA
Ang Florante at Laura ay isinulat ni Francisco "Balagtas" Baltazar
noong 1838, panahon ng pananakop ng mga Espanyol sa bansa.
Sa panahong ito mahigpit ang ipinatupad na sensura kaya't
ipinagbawal ang mga babasahin at palabas na tumutuligsa sa
pagmamalabis at kalupitan ng mga Espanyol. Dahil sa pagkontrol
ng mga Espanyol, ang mga aklat na nalimbag sa panahong ito ay
karaniwang patungkol sa relihiyon o kaya'y sa paglalaban ng mga
Moro at Kristiyanong tinatawag ding komedya o moro-moro,
gayundin ng mga diksiyonaryo at aklat panggramatika.
Sa kabila ng mahigpit na sensura ng mga Espanyol ay
naging matagumpay si Balagtas na mailusot ang kanyang awit
dahil relihiyon at paglalaban ng mga Moro at Kristiyano rin
ang temang ginamit niya rito bagama't naiugnay niya ito sa
pag-iibigan nina Florante at Laura. Naitago niya sa
pamamagitan ng paggamit ng alegorya ang mensahe
pagtuligsa at pagtutol sa kalupitan at pagmamalabis ng mga
Espanyol. Gumamit din siya ng simbolismong kakikitaan ng
pailalim na diwa ng nasyonalismo. Ang mga tauhan at mga
pangyayaring nagdulot ng kaawa-awang kalagayan ng
kaharian ng Albanya ay kasasalaminan ng mga naganap na
kaliluan, kalupitan at kawalang katarungan sa Pilipinas sa
pamamahala mga Espanyol.
Masasalamin din sa akda ang tinutukoy ni Lope K, Santos
apat na himagsik na naghari sa puso at isipan ni Balagtas. (1)
Ang Himagsik laban sa malupit na pamahalaan, (2) ang
himagsik laban sa hidwaang pananampalataya (3) ang
himagsik laban sa mga maling kaugalian at (4) ang himagsik
laban sa mababang uri ng panitikan. Ang Florante at Laura ay
itinuturing na isang obra maestra ng panitikang Pilipino at
sinasabing nagbukas ng landas para sa panulaang Tagalog
noong ika-19 na dantaon. Isinulat niya kasi ang kanyang akda
sa wikang Tagalog sa panahong ang karamihan sa mga
Pilipinong manunulat ay nagsisisulat sa wikang Espanyol.
Ang awit ay inialay ni Balagtas kay "Selya" o Maria
Asuncion Rivera, ang babaeng minahal niya nang labis at
pinagmulan ng kanyang pinakamalaking kabiguan.
Sinasabing isinulat niya ito sa loob ng selda kung saan
siya nakulong dahil sa maling paratang na pakana ng
mayamang karibal na si Nanong Kapule. Ang malabis na
sakit, kabiguan, kaapihan, himagsik at kawalang
katarungang naranasan ni Kiko sa lipunang kanyang
ginagalawan ay siyang nagtulak sa kanya upang likhain
ang walang kamatayang Florante at Laura. Ang awit ay
nagsilbing gabay at nagturo sa mga Pilipino ng maraming
bagay.
Ito ay naglalaman ng mahahalagang aral sa buhay tulad ng
wastong pagpapalaki sa anak, pagiging mabuting magulang,
pagmamahal at pagmamalasakit sa bayan, pag-iingat laban sa
mga taong mapagpanggap o mapagkunwari at makasarili,
gayundin ang pagpapaalala sa madla na maging maingat sa
pagpili ng pinuno sapagkat napakalaki ng panganib na dulot sa
bayan ng pinunong sakim at mapaghangad sa yaman. Ipinakita
rin sa akda ang kahalagahan ng pagtulong sa kapwa maging
doon sa may magkakaibang relihiyon tulad ng mga Muslim at
Kristiyano. Sa panahong ang kababaihan ay mailalarawang
mahinhin, hindi makabasag pinggan at mahina, binigyang-diin
sa akda ang taglay na lakas ng kababaihan sa katauhan
ni Flerida, isang babaeng Muslim.
Sa halip na maging sunod sunuran lang sa
makapangyarihang kalalakihan sa kanyang paligid tulad ng
nakagawian ng kababaihan noon, pinili niyang tumakas mula sa
mapaniil na Sultan at harapin nang mag-isa ang mga panganib
sa labas ng palasyo at mga kagubatan upang hanapin ang
kanyang napawalay na kasintahan. Siya rin ang pumutol sa
kasamaan ng buhong na si Adolfo sa pamamagitan ng kanyang
palaso. Ito'y mga katangiang taliwas sa mga katangiang
madalas gamitin sa paglalarawan sa kababaihan lalo na noon.
Sa halip na siya ang hinanap at iniligtas, siya ang naghanap at
nakapagligtas sa ng buhay ng kapwa niya babae.
Ang akda ay gumabay hindi lamang sa mga pangkaraniwang
tao kundi gayundin sa mga bayaning nagmulat sa diwang
makabayan ng mga Pilipino. Sinasabing si Dr, Jose Rizal ay
nagdala ng kopya ng Florante at Laura habang siya'y
naglalakbay sa Europa at naging inspirasyon niya sa pagsulat ng
Noli Me Tangere, Sinasabi ring maging si Apolinario Mabini ay
sumipi sa pamamagitan ng sarili niyang sulat-kamay ng kopya
ng awit habang siya ay nasa Guam noong 1901. Bagama't
napakatagal nang panahon mula nang isulat ni Balagtas ang
awit ay hindi mapasusubaliang ang mga aral na taglay nitong
gumabay sa ating mga ninuno at mga bayani ay nananatiling
makabuluhan, angkop, at makagagabay pa rin sa mga Pilipino
hanggang sa kasalukuyang panahon.
ALEGORYA
ALEGORYA
Ang alegorya ay isang kuwento kung saan ang mga elemento nito
tulad ng tauhan, tagpuan at kilos ay nagpapakahulugan ng higit pa sa
literal nitong kahulugan at ibig sabihin. Ito ay maaring magpahayag
ng isang ideyang abstrak, mabubuting mga kaugalian, tauhan at isang
pangyayaring makasaysayan, panrelihiyon, at panlipunan. Ito ay
nagsasalaysay na kung saan ang tao, bagay at mga pangyayari ay
nagtataglay ng naiibang kahulugan na karaniwan.
ALEGORYA
Ito ay nililikha upang magturo sa atin ng kagandahang asal o
magbigay ng komento tungkol sa kabutihan at kasamaan at nagbibigay
o nagpapahayag ng makabuluhang aral sa ating buhay. Ito ay isang
kapansin-pansing istilo na gumagamit ng mga kathang-isip na mga
tauhan at mga kaganapan upang ilarawan ang ilang paksa sa
pamamagitan ng pagpapahiwatig ng mga pagkakahawig.
Ang alegorya ay dapat basahin sa dalawang
pamamaraan:

1. Literal

2. Simboliko o masagisag
TAUHAN

Ligaw na tupa – napahamak o napariwarang


tao
Alibughang anak – anak na nagbigay ng hinanakit sa
magulang
TAGPUAN

Golgota – kadalasang sumasagisag sa paghihirap o


kamatayan
Bundok – pakikipagtagpo sa Diyos (Sampung Utos)
Disyerto – pagkauhaw sa Diyos, tukso (Ang Pagtukso
kay Jesus ni Satanas
BAGAY

Krus – pasyon at pagkamatay ni Jesus


Prutas – tukso o panlilinlang (kay Eba)

PANGYAYARI
Kasalan – isang paanyaya sa kaharian ng Diyos
SILIP KASAYSAYAN
Sinasabing sinulat ni Balagtas sa bilangguan sa Pandacan ang “Florante at
Laura” May mga pakiusap siya sa lahat ng babasa sa kanyang tula. Isinalin na
ang "Florante at Laura" sa 24 na edisyon sa Tagalog mula noong 1853 hanggang
1939. May isinalin sa mga wikang Pampango, Bicol, Pangasinan at sa mga
wikang English, Spanish at German. Ang orihinal na manuskrito ng "Florante at
Laura" ay Nawala raw, subalit naisulat ni Apolinario Mabini ang buong tula.
Naniniwala ang marami na dahil sa gustung-gusto ng bayani ang tula, kaya
buung-buo niyang naisulat ito. Naging inspirasyon ni Jose Rizal ang "Florante at
Laura" sa kanyang pagkasulat ng Noli Me Tangere. Nagbaon siya sa Europa ng
mga kopya ng tula.
Makabagong katangian ng awit na
Florante at Laura:
1. Sa halip na dalangin ang simula napalitan ito ng isang
paghahandog.
2. Gumamit ng balik-tanaw (flashback) sa halip na tiyakang
pagsusunud-sunod ng mga pangyayari.
3.Pantay ang pagtatampok sa mga tauhang Muslim at Kristiyano
4. Ang pahiwatig na klasikal gayundin ang mga pangyayari nito
Add a Slide Title - 4
Click icon to add picture

Add a Slide Title - 5

You might also like